20

136 9 0
                                    

20

Pagdilat ng mga mata ay walang ibang pumasok sa isip ko kundi ang baby sa tiyan ko. Dumudugo ang tagiliran ko bago ako mawalan ng malay, at hindi ako sigurado sa kalagayan ni baby. Baka mamaya ay may nangyaring hindi maganda, o kaya naman ay nasaktan din siya. Hindi ko kakayanin kapag nawala ang baby ko. Nawalan na ako ng boyfriend, ayoko nang mawalan din ng anak! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring hindi maganda sa baby ko.

May mga gamit sa upuan pero walang ibang tao. Tanging ugong lang ng electric fan ang maririnig at nakakabingi na ang katahimikan. I was still worried about my baby. May bandage ako sa tagiliran at muling bumalik sa ala-ala ang dugo nang ma-holdap ako. Siguradong nag-aalala na rin sa akin sila Papa dahil hindi pa rin ako nakakauwi. I need to go home. Hindi pwedeng magtagal pa ako dito dahil baka kung mapaano si Mama sa kakaisip kung nasaan ako.

"Uy, don't stand up!" nagmamadaling lumapit sa akin ang babaeng familiar ang boses. Nakasuot siya ng mask kaya hindi ko gaanong makilala ang mukha niya. Inalalayan ako nito para makabalik muli sa higaan at nang tanggalin niya na ang may mask ay nasiguro kong tama nga ako.

"Femices?"

"Yes, it's me." aniya at ngumiti.

"Anong ginagawa mo dito? Why are you here?"

"Bakit? Ayaw mo ba?" tanong nito pabalik. Muli akong napatingin sa suot niya. Black t-shirt at maikling maong shorts lang ang suot niya. Parang pambahay lang.

"Ikaw ba yung nagdala sakin dito?"

"Uhm..." she murmured. "Not me. My friend did." she added then shrugged.

Sabay kaming napatingin sa pintuan nang may lalaking pumasok. Hindi yom doctor, pero sa tindig palang ng pagkakatayo nito ay parang may naalala na agad ako. Ilang taon ko siyang hindi nakita. Elementary pa yata noong huli ko siyang nakita at wala na rin ako nakuha pang balita tungkol sa kaniya.

Totoo ba ito? Gosh! May buhok na siya ngayon!

"Namiss mo ako?" nakangiting tanong ni Joriel at lumapit sa akin. Natulala ako habang pinagmamasdan siyang umupo sa upuan sa gilid habang nakatingin din sa akin.

"Joriel? Ilang taon kitang hindi nakita!"

"I know, I know," he said. "Huli pa yata yung noong nagpunta ako sa inyo dati. Yung sabi ng Mama mo, wala kayong yelo. Yun pa diba?"

Agad akong tumango. "Oo! Tapos hindi na ulit kita nakita."

"Wait," singit ni Femices. "So you really know each other? Akala ko niloloko lang ako nitong si Joriel!"

"Magkaklase nga kasi kami noong elementary," tugon naman ni Joriel.

"Hindi ko maintindihan. Ikaw ba ang nagdala sakin dito? Paano nyo ako nakita?" tanong ko at nagpabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa.

"Ganito kasi yun," sabi ni Femices. "May usapan kami nyan kanina, na magkikita kami kasi sasamahan niya akong bumili ng cake for a friend. Tapos noong tinawagan niya na ako, sabi niya nandito raw siya sa hoapital kaya sumunod naman agad ako."

"Nakita kasi kitang nakahiga sa gilid ng kalsada. Buti kamo at doon ako dumaan kasi kung hindi, baka napasama ka pa lalo. Bakit ba nandoon ka? Alam mo bang puro adik ang mga nakatira doon? Kaya kahit nakikita ka na nilang walang malay, iisipin lang nila nasobrahan ka sa ednis." natatawang sabi ni Joriel at naiiling naman na sumang-ayon si Femices.

"Sobrang high mga tao dun kaka-shabu. Buti nga at hindi ka na-rape," sabi pa ni Femices.

Nasapo ko ang sariling noo dahil sa mga narinig. Hindi ko rin alam kung bakit doon ako dinala ng mga paa ko. Parang kusang naglakad kanina at doon talaga ako tinangay. Gosh! Hindi ko manlang inakalang dadalin pala ako ng sarili kong paa sa kapahamakan. Buti nalang at nandoon si Joriel para tulungan ako!

Fragments of Memories  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon