33

92 6 1
                                    

33

"Dito tayo kakain?" tanong ko nang ihinto ni Neurence ang sasakyan sa harap mismo ng Felizidad Resto na kilang-kilala sa lugar namin. Madalas daw kasing mga kilalang tao ang kumakain dito at madalas din daw ang mga artista.

"Yeah," he simply replied. Parang wala lang sa kaniya na mamahalin ang mga pagkain dito. Sabagay, mukha namang rich kid itong lalaking ito.

Tumingin akong muli sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga taong pumapasok doon sa loob. Lahat sila maaayos ang damit at mukhang ako lang ang mahihiwalay ng landas. Napakagat ako sa labi ko. Nakakahiya maman kung papasok kami nang ganito ang otsura ko. Baka magmukha lang akong basahan dahil sa suot kong may bakas pa ng suka ko kanina.

"Ayaw mo ba dito?" tanong ni Neurence kaya bumalik sa kaniya ang tingin ko.

"Hindi naman sa ayaw ko..." bulong ko at nangapa ng pwedeng dahilan.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya kasi kahit ako, nahihiya sa sarili ko! Hindi ko nga alam kung bakit ako sumama sa kaniya. E, dapat war kami ngayon kasi may kasalanan pa siya sa akin.

"Hindi naman sa ayaw mo pero hindi mo lang gusto?" nakangiting sabi niya at halatang nahulaan na ang iniisip ko.

Pasimple akong tumingin sa suot ko. Mukha na talaga akong basahan at hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na pumasok nang ganito ang suot. Hindi niya ba magets?

"Ah..." aniya. "yung suot mo ba yung iniisip mo?" tanong nito nang mapansin na napako na ang tingin ko sa damit ko.

Sa wakas naman at nakuha niya na rin yung gusto kong sabihin! Nahihiya akong tumango at hindi na nagsalita.

"Saan ka ba kasi galing? Gusto mo magpalit ka muna ng damit?"

"Yup, I want to change my clothes sana pero kakailanganin ko pang umuwi. Can we just find a new resto?"

Kumunot ang noo nito. "Bakit? Ayaw mo talaga dito?"

"No, hindi naman sa ayaw. It's just that..."

"What?"

"Parang di ako nababagay r'yan. Ang dungis ko na. Baka mamaya pagkamalan pa akong pulubi sa loob."

Lumawak ang ngiti nito sa labi. "Maganda ka pa rin naman kahit madungis ka."

"So, madungis nga ako?!"

Agad na nawala ang ngiti nito at umiling. "Hindi naman sa gano'n——"

"Pero parang gano'n na nga?" sarkastikong sabi ko at umirap.

Inamin niya rin na mukha talaga akong madungis! I mean, oo, madumi na ang suot ko. Pero wala siyang karapatan na sabihan akong madungis!

"Ikaw kaya nagsabing mukha ka nang madungis. Tapos ngayon, sa akin ka nagagalit." ani Neurence at hindi na talaga nawala ang ngiti niya sa mukha. Masayang masaya ah?

"At nag agree ka naman na madungis talaga ako!"

"Kahit madungis ka man o hindi, maganda ka pa rin talaga sa paningin ko."

Sa paningin mo lang?

"Ewan ko sayo," tugon ko.

"Grabe! Korni ba ng banat ko? Di ka man lang kinilig. Hindi talaga sanay makisama!" reklamo nito at parang masama pa ang loob.

"Kailangan mo pa ng maraming improvements. Galingan mo pa, baka sakaling matuwa ako sayo."

"Pa-seminar naman, Boss Eunice."

"Dami mong alam!" sabi ko at umiling dahil sa ginagawa naming dalawa.

"Back to the main topic, Boss Eu. Gusto mo bili muna tayo ng damit? May malapit na store naman akong nakita kanina sa dinaanan natin. Mukha namang branded yung mga damit just incase if may skin asthma ka o sensitive balat mo."

Fragments of Memories  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon