3

217 11 0
                                    

3

Naging masaya kami ni Laurence sa relasyon naming dalawa. Oo, kami na. Hindi na dumaan sa ligawan stage dahil kilala naman na namin ang isa't isa. Ipinakilala niya ako sa pamilya niya at masaya naman sila dahil matagal na raw nilang naririnig ang pangalan ko kapag nagku-kuwento si Laurence sa kanila. To be fair, ganon din ang ginawa ko sa kanya. Dinala ko siya sa bahay at ipinakilala rin kila Mama.

"Seryoso ka ba, Eunice? May boyfriend ka na agad?!" Gulat na reaksyon ni Mama.

"Opo, Mama. Seryoso po ako."

Nasa sala kaming lahat. Katabi ko si Laurence sa sofa at magkahawak ang kamay naming dalawa. Sa kabila naman ay rinig ang pagtatalo nila mama about sa amin. Dahilan ni Mama, masyado pa raw akong bata pada magkaroon ng boyfriend. Si Papa naman, may tiwala raw sa akin at naniniwalang pwede na ako sa ganito. Si Venice naman ay abala sa TV at ang bunso kong kapatid na si Janice ay nakakandong pa kay Laurence. Mukhang boto siya sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka!" Nanenermon ang boses ni Mama.

I actually understand her. Bata pa talaga ako, ni hindi pa nga graduate ng high school e! Kaya naiintindihan ko kung bakit ganon siya, baka naiisip niya rin kasi na mawawala na ang focus ko sa pag aaral. When in fact, malaking tulong pa nga si Laurence sa pag aaral ko. Madalas akong namo-motivate dahil sa kanya.

"Seryoso ka ba talaga sa anak ko? Ikaw yung ka-date nyan nung prom, tandang-tanda kita e. Nasilaw ka ba sa beauty ng anak ko?" Tanong ulit ni Mama at bahagya nang kumalma.

"Seryoso po ako kay Eunice, Tita. Wala po akong masamang intensyon sa kanya." Sagot ni Laurence na humigpit ang hawak sa kamay ko.

Kinakabahan siya, kagaya ng naramdaman ko noong ipinakilala niya ako sa kanila.

"Hindi naman pupunta yan dito kung hindi siya seryoso sa anak natin," sabat ni Papa.

"Oo na!" Bumuntong-hininga si Mama. "Wala na rin naman akong magagawa. Aware ka naman din siguro sa pamilya namin 'no?" Dagdag niya at tumingin kay Papa na mas maikli pa ang suot na shorts kesa kay Mama.

"Yes po, Tita. Aware po ako at wala pong problema."

"Huwag na tita ang itawag mo sa kanya. Mama na." Ani Papa at ngumiti. Ang bait talaga niya, ni hindi siya kumontra dahil malaki ang tiwala niya sa akin.

"Okay po. May I ask din po kung anong pwede kong itawag sayo?" Nahihiya man ay tinanong na rin ni Laurence. Tinanong niya na rin yun sa akin pero hindi ko alam ang isasagot noon.

"You can call pe what you want but I prefer to be called papa. Huwag na huwag lang daddy!" Natatawang sagot ni Papa.

"Okay po, Mama at Papa."

Napangiti ako. Kung hindi pa nangyari yung mga nangyari nung JS prom, baks hanggang ngayon e magkaibigan pa rin kaming dalawa at wala rito sa bahay.

"Pumapayag na ako," ani Mama. "Bukod sa wala na akong magagawa, malaki rin ang tiwala ko sa anak ko."

"Hindi ko yun sisirain, Mama."

"Basta ito lang ang tandaan nyo. Kapag umuwi kang buntis dito, simulan mo nang mag impake dahil hindi ko tatanggapin 'yang dinadala mo."

"Grabe! Buntis agad?!" Ani Papa at bahagyang tinapik si Mama sa braso.

"Aba'y maigi na yung sabihan sila habang maaga. Mahirap na 'no!"

"Mama, wala kaming gagawing hindi maganda. Bata pa po kami, wala pa po sa isip namin yan. Promise po."

Fragments of Memories  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon