13

133 13 4
                                    

13

My parents are still clueless about the truth as my tummy gets bigger everyday. Kinakain ako ng konsensya ko sa tuwing babanggitin nila sa akin na baka raw si Laurence ang maging kamukha nito at hindi ako. Sadly, imposibleng mangyari yun dahil hindi nga siya ang ama.

Gustong gusto ko na ngang dumalaw ulit sa kanya sa sementeryo pero wala akong mukhang maiharap sa kanya. Kahit ganung nakahimlay siya, nahihiya pa rin akong magpakita sa kanya dahil ganito ang ginagawa ko. Ginagamit ko ang pangalan niya para pagtakpan ang kasalanang ginawa ko. Dinamay ko siya sa isang bagay na wala man lang siyang kinalaman.

"Tapos mo na ba?" tanong sa akin ni Gemma.

"Hindi pa."

"Kailan mo balak tapusin? Deadline na bukas nyan."

Napabuntong-hininga ako. "I'll finish it later. Ie-email ko nalang sayo mamayang gabi."

"Mamayang gabi?"

"Oo," simpleng sagot ko.

"Umaga isu-submit yan, Eunice! Anong akala mo sakin? Speed?"

Hindi ko na alam kung paano ako makakaahon sa tambak na requirements, papers, and projects na nag aabang sa akin. Hindi ko na rin alam kung paano ako makaka-survive sa college dahil hindi pa ako graduating pero pinapatay na ako dito. Dumagdag pa yung hirap sa pagbubuntis ko, ni hindi nga dapat ako nagpupuyat dahil makakasama yun sa baby.

"Ibibigay ko nalang sayo mamayang 6 pm. Marami lang talaga akong ginagawa." sabi ko at umupo na.

Inirapan pa ako ni Gemma bago ito tumalikod. Samantalang nung nasa kondisyon pa akong mag-aral, kulang nalang ay magmakaawa siya sakin para turuan ko siyang mag balance sa accounting. Magaling lang talaga ang ibang tao kapag may mapapala sila sayo pero kapag wala na, daig pa nila ang nasusunog na kaluluwa sa impyerno sa sobrang sama ng ugali.

"Eunice!" tawag ni Rio nang magkita kami sa cafeteria.

"Hi." Bati ko at kumagat sa kinakain kong cheeseburger.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Nananaba ka yata?"

Bigla akong nabilaukan at mabilis na inabot ang tubig para uminom. Pinunasan ko ang labi ko at diretsyong tumingin sa kaniya na nakatingin sa tiyan ko. Napatingin din ako dun at alam ko namang nagiging obvious na talaga. Mas nagiging matakaw na rin ako dahil dalawa na kaming nakikinabang sa kinakain ko.

"Uhm, actually... Bumabawi—"

"Wag ka na magpaliwanag! Pero naku, kapag talaga ikaw tumaba, magpapa-party ako! Ang payat-payat mo kaya dati. Stress-eating ba yan or you're finally recovering na?"

Napakibit-balikat na lang ako at hindi na nagsalita. Natatakot akong may makaalam mg pagbubuntis ko, ayokong mahusgahan ng mga tao. Pagkakaguluhan lang nila ang buhay ko at ayokong mangyari yun.

Ang tanga naman kasi ng lalaking nakakuha sa akin! He didn't even use a condom at sa loob pa pinutok! Tanga talaga e. Bwisit!

"At tsaka alam mo, okay rin naman yan sayo. Para magkaroon ka naman ng laman at kaunting fats. Kung pwede lang mag-donate ng taba, matagal na talaga kitang binigyan!" sabi pa ni Rio at tumabi na sa akin. Dumarami na rin kasi ang tao sa cafeteria at umupo na siya para hindi maunahan.

I was really petite. Nasa 24 lang yata ang waistline ko noon at manipis talaga ang katawan ko eversince. Ang kagandahan naman, matangkad ako. Hindi ako sigurado pero around 5'5 kasi ang height ko the last time I checked it. Kaso nga, hindi talaga ibibigay ni Lord lahat dahil flat lang din ang body ko. I have no butt, pati boobs ay ipinagkait sa akin. Sa mukha nalang talaga ako bumawi dahil maganda ang genes ng parents ko.

Fragments of Memories  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon