12

141 8 2
                                    

12

"We're here for you. Tatagan mo lang ang loob mo, Eunice."

I couldn't stop my tears from falling as we arrived at the church. Tanaw na tanaw sa posisyon ko ang pamilya ni Laurence na humahagulgol sa kanilang upuan habang pinapanood naming ipasok ang kabaong ni Laurence at ilagay sa harapan. Sobrang bigat sa pusong pagmasdan na nasa loob siya non at wala kaming magawa.

It was really heartbreaking. It feels like a knife stabbing my chest as I watched him from a far inside the coffin. I still couldn't believe that he's not alive anymore.

Hindi ko kaya.

"Hello, Miss. Confirm lang po namin kung ikaw si Eunice Quiroz, yung magbibigay ng eulogy mamaya para kay Laurence Aquinez."

Ayaw bumuka ng labi ko para sumagot. Parang nawalan ako ng hangin at kakayahang magsalita dahil sa nangyayari. It was so painful that I couldn't even say a word.

"Yes. She's Eunice." Si Mama na ang sumagot at hinimas niya ako sa likod.

"Okay po. Let's be ready na lang once na tawagin ka po mamaya."

Nilingon ko si Papa nang magsimula siyang pisilin ang braso ko para pakalmahin kagaya ng laging ginagawa ni Laurence noon. Pero sa sobrang lala ng sitwasyon, ni hindi yon tumalab sa akin ngayon. Pisil ni Laurence lang ang tinatanggap ng sistema ko; kamay niya ang hinahanap ko.

Nagsimula nang magsalita ang pari sa harap at wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi niya. Na-realize ko na lang na nanginginig na ang tuhod ko habang pumupunta sa harapan pagkatapos akong matawag. Hindi ko nga naalalang may inihanda pala akong papel kagabi kung saan nakasulat ang dapat na sasabihin ko kaya natulala na lang ako. Nakaharap ako sa maraming tao; iba't ibang mukha at ang iba'y hindi ko naman kilala. Nandito ang buong pamilya ni Laurence, pati ang mga kaibigan, batchmates, ibang kamag-anak, at iba pang nagmamahal sa kanya.

Sobrang bigat sa pusong isipin na nagsama-sama kami rito para ihatid si Laurence sa huling hantungan.

Mahigpit ang hawak ko sa mic habang nanginginig ang buong katawan. Tiningnan ko ang kabaong ni Laurence na nasa tabi ko at muli na namang bumagsak ang mga luhang ayaw magpaawat.

"H-hindi ko talaga alam ang sasabihin..."

They are all looking at me, wiping their tears and trying to make themselves calm.

"Pero nandito ako... N-nakatayo ako rito dahil alam kong isa ako sa mga special na tao sa buhay ni Laurence."

Pinunasan ko ang luha ko bago muling magpatuloy.

"And if you are wondering kung sino ba ako dahil obviously hindi naman ako ang nanay niya-" I paused when they laughed. "Ako po si Eunice, ang girlfriend ni Laurence."

He is my first boyfriend and probably the last. Hindi ko makita ang sarili kong may ibang lalaking mamahalin kung hindi siya. Pakiramdam ko, hindi ko na ulit kayang kumilala ng iba. At dahil sa nangyaring ito, nangingibabaw na ang takot sa akin na baka kapag umibig ulit ako, bawiin lang din siya sa akin nang maaga. Hindi ko na kakayanin.

"Laurence was really a good man. He's actually the best man I've ever met in my entire life. Siya yung taong sumuporta sa akin, naniwala, at nagturo sa akin kung paano magmahal. Inalalayan niya ako sa mga panahong pakiramdam ko, hindi ko kayang lagpasan. Siya yung taong never akong hinusgahan at never akong kinalimutan."

Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang lakas ko upang ipagpatuloy pa ang pagsasalita. I feel so weak. Pero alam kong nandito siya, at pinakikinggan ako. Kaya kailangan ko nang masabi ang lahat ng ito.

Fragments of Memories  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon