38

60 8 2
                                    

38

Masaya sa pakiramdam na naamin ko na lahat ng sikretong matagal kong itinago. Lahat kami ay magkakasabay na kumakain sa lamesa at pare-parehong namamaga ang mga mata dahil sa nangyari kanina. Mahinahon na sina Mama at sila pa ang nagpatahan sa akin. Kanina pa nila ako pinapangaralan at hindi ko kailanman mamasamain lahat ng yon dahil para rin naman sa ikabubuti ko yon.

"You're not a kid anymore. Alam mo na ang tama at mali, Eunice. We're not tolerating your wrong actions but we're here to remind you that you did the wrong thing. Kayo, makinig din kayo sa amin ng Mama n'yo." ani Papa at itinuro ang dalawa kong kapatid.

"Ipangako mo sa amin na hindi mo na ulit gagawin ang bagay na yon sa kung sino lang kundi matatampal talaga kita!" dagdag ni Mama na inambahan pa akong babatuhin ng kutsara.

"Promise po. I won't do that again."

"Kilala ko naman kayo, mga anak. Matatalino kayo. Mga bukas ang isip. Kaya lang sana, mas lawakan n'yo pa rin yung kaalaman n'yo. Sex is not just a normal thing. Sagrado 'yon at hindi dapat ginagawang katuwaan lang. Nagkamali ka, Eunice. At sana matuto ka na sa pagkakamali mong 'yan."

Tumango ako at muling sumubo ng kanin. Tahimik lang kaming magka-kapatid habang pinapangaralan nila Papa. This is actually the reason why sex education should be really implemented in our country. Hindi naman kasi porque sinabing sex education, e, tuturuan na agad ang mga kabataan makipag-sex. Hindi yun gano'n.

"Ilang buwan na lang manganganak ka na. Magiging ina ka na rin at dapat pinag-iisipan mo na lahat ng desisyon mo sa buhay."

"Noted, Mama,"

"Be more careful with your actions," Mama added.

I should be really more responsible. This is the reality now. Kailangan kong maging mulat nang maaga dahil sa putanginang nangyari sa amin ni Joma.

Patuloy lang ako sa pakikinig kila Mama hanggang sa naubos na ang pagkain ko sa plato. Hindi na muna ako tumayo at hinintay silang makatapos din ng sa kanila. Nakakahiya naman kung pinapangaralan kami rito tapos bigla akong aalis at papasok ng kwarto. That's rude.

"Tapos ka na?" tanong ni Mama nang mapansin na sumandal ako sa upuan.

"Opo," maikling sagot ko.

"Hindi mo pa yata tinitikman itong afritada ah? Ako nagluto nyan. Tikman mo muna." alok ni Mama at iniabot sa akin ang bowl na nakalagay sa gitna ng hapag.

Busog na ako pero hindi ko na nagawang tumanggi. Minsan lang magluto si Mama dahil madalas talagang sila Manang ang naghahanda ng pagkain namin. Naglagay ako ng kaunti sa plato ko at tinikman. Masarap naman. Nakakatuwa kasi ngayon ko na lang yata ulit natikman ang luto niya.

Habang ngumunguya, hindi ko pa rin talaga mapigilan ang makaramdam ng saya. Literal na nabunutan ako ng malaking tinik sa lalamunan dahil sa wakas, nasabi ko na yung totoo! Hindi na ako bubulabugin ng konsensya kong bumubulong kung bakit dinamay ko si Laurence sa problema kong ito.

Ang tagal ko ring binitbit yung sama ng loob ko dahil sa nangyaring yon. I was unable to do something about that kasi kinain na rin ako ng takot na magalit sila sa akin. But then, it turns out that I was wrong for thinking that they will just judge me. Maling mali ako sa part na yon. Sa sobrang takot kong mahusgahan, ako tuloy ang nangmaliit sa pag-unawa ng mga magulang ko.

Ilang minuto lang ay nagtayuan na rin sila kaya tumayo na rin ako. Kinuha ko agad yung mga plato at pinagpatong-patong para dalahin sa lababo. Pero agad akong hinarang ni Venice at kinuha ang mga ito sa kamay ko.

"Ako na bahala, Ate." aniya at inilagay ang mga yon sa lababo para hugasan.

"Wala naman akong gagawin, Ven——"

Fragments of Memories  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon