22
Mama is giving me her cold treatment as a punishment. Parang kagaya lang nung mabuntis ako, ang tagal niya rin akong hindi pinansin. Masakit, syempre. Pero I know that I deserve it. Niloko ko siya. Niloloko ko silang lahat. And I deserve to be treated like this. Ang lakas naman siguro ng apog ko kung magre-reklamo ako sa kaniya, e, kung tutuusin ako naman talaga ang may kasalanan. I'm her daughter. Alam kong nag-aalala lang siya sa akin. She still loves me, anyway! At kahit galit siya sa akin, I'm still feeling thankful for having her. She already knows the truth, but she's still keeping it with herself. Alam kong hindi niya pa yon sinasabi kay Papa dahil kung sinabi niya nga, dapat ay sinugod at sinabunutan na ako ni Papa.
"Ate, saan punta mo?" tanong ni Venice nang makitang iba ang suot kong damit.
"Dyan lang," sagot ko.
"Saan dyan?"
"Basta,"
"Saan nga kasi?" pangungulit pa nito.
Bumuntong-hinina ako at sinamaan siya ng tingin para maglubay.
"Whatever." aniya at umirap.
Kung maldita ako, mas maldita ang isang ito. Saan pa ba magmamana? E, nasa dugo naman talaga namin ang kaartehan. Dumadaloy na yon sa buong pagkatao namin. Sabi nga nila, hindi ka parte ng pamilya ng Quiroz kung wala kang taglay na kamalditahan. And that's a fact.
I was planning to visit Laurence today but I'm also planning to go to my OB to know my baby's gender. Hindi ko pa alam kung anong uunahin ko. Noong nakaraan ko pa nalaman na pwede nang makita kung babae o lalaki ang baby ko pero dahil sa mga nangyari, ngayong araw ko lang napagdesisyunan na magpatingin na nga. Sobrang dami ko kasing iniisip. I was thinking about Mama, Laurence, my failing grades and about the things that I always overthink.
Sige, overthink lang kahit wala namang utak. That's nice. That's Eunice.
Gusto ko na ulit dalawin si Laurence pero naiisip ko naman yung issue ko sa newspaper. Though wala nang pasok, on-going pa rin ang newspaper ng university through social media platforms. Madalas sa Twitter sila nag-uupdate kaya wala pa ring kawala, at talagang masayang-masaya ang mga chismosa.
Honestly, gusto ko nang umiwas sa lahat. I know that Neurence is in the cemetery everyday, ewan ko ba sa teip ng lalaking yon. Mukhang gusto na rin magpalibing dahil araw-araw nandoon. Gusto ko nang umiwas sa kaniya. Baka mamaya may makakita na naman sa amin na magkasama kaming dalawa doon at pag-chismisan na naman ako.
I'm a strong woman, but I'm afraid of judgments.
Worst, baka si Mama pa ang makakita sa amin doon at pagkamalan niya pang si Neurence ang boyfriend ko at tunay na ama ng anak ko. Ayoko namang isipin ng mga tao na gano'n ako kabilis makalimot at maka-recover sa pagkamatay ng boyfriend ko. I'm still in love with Laurence, and that's the one thing that I'm sure about. Walang makakahigit sa lahat ng ibinigay at ipinaramdam sa akin ni Laurence noon. Ibang klase ang lalaking yon. At kahit parang pinagbiyak na buko sila ni Neurence, hindi niya pa rin mapapantayan si Laurence. Kaya ayoko rin talagang isipin ng ibang tao na may something sa amin ni Neurence.
Wait, what?! Why am I even thinking about it? Neurence doesn't like me! Bakit ba natatakot ako, e, hindi ko naman talaga siya boyfriend? At wala rin naman talagang something sa amin!
"Ma'am, saan ka po?"
"Sa langit po," wala sa loob na sagot ko.
"Langit? Ano po ulit, Ma'am?" tanong ng driver na nagpabalik sa akin sa katinuan. Tatlong beses pa akong kumurap at na-realized na nakatingin na pala sa akin ang mga tao sa jeep.