36

73 7 0
                                    

36

Ilang oras na ang lumipas pero nandito pa rin kami. Nakapikit na si Neurence at sa wakas ay tumigil na rin siya sa pagbukas ng beer. Mukhang lasing na kaya hindi na rin makapagsalita. Napatingin ako sa suot niyang relo at nakitang malapit nang mag ala una ng madaling araw. Napabuntong-hininga ako. For sure hinahanap na ako nila Mama kanina pa. Lagot na naman.

Hindi ko makita yung phone ko. Nakalimutan ko kung saan ko nilagay, baka nahulog sa loob ng sasakyan ni Neurence kanina. Hindi ko tuloy ma-text ang kahit na sinong nasa bahay. Hanggang sa napagdesisyunan ko na ngang tumayo at lumabas para makagawa ng paraan kung paano sila sasabihan na hindi ako makakauwi.

And luckily, nakita ko agad si Raf na galing sa isang room na kahilera rin ng amin. Lalapit na sana ako nang biglang may dalawang babaeng lumapit sa kaniya at parang nagtanong ng direksyon. Hinintay ko silang matapos at nang umalis na ang dalawa ay agad na akong lumapit.

"Call me if you need anything, Babe!" nakangising sigaw nito sa mga babaeng naglalakad na palayo.

Sabi na nga ba't babaero talaga ang isang ito e.

"Hey," tawag ko sa atensyon niya.

Mabilis itong bumaling sa akin at tumango. "Uy, ikaw pala! Bakit?"

Tiningnan ko ang suot niyang pants at agad na kumunot ang noo nang takpan niya ang gitnang parte non gamit ang dalawa niyang kamay. Nanlalaki ang mga mata niya sa akin at mas lalo lang nalukot ang mukha ko.

"Grabe ka naman, Miss! Ang bilis ah. Oo na, daks ako."

Nasapo ko ang sariling noo nang mapagtanto ang iniisip niya. Mukha bang chine-check ko kung daks siya o hindi? Gosh! Pero sabagay, may umbok e. Baka nga nagsasabi siya ng totoo.

"Honestly, wala akong pake kung..." I paused. "Pwede ko bang hiramin phone mo?"

"Ah, yun lang naman pala. Sure." walang paligoy-ligoy ba sagot nito sabay kapa sa bulsa niya. Agad niyang iniabot sa akin ang phone niyang mukhang latest pa. Makinis e.

"Sure ka bang okay lang?" paniniguro ko nang hawakan yon. Hindi manlang niya ipinagdamot itong gamit niya sa akin kahit ngayon lang kami nagkakilala. Galing ah.

"Oo naman,"

"Paano kung magnanakaw ako? Edi nakuha ko na agad yung phone mo nang walang kahirap-hirap?"

"Ano naman? Alam ko namang papalitan ni Boss Neurence 'yan kapag kinuha mo. Baka nga mas mataas na unit pa ipalit non." tugon nito at umiling habang tumatawa.

I swiped the screen and password agad ang bumungad. Bubuka pa lamang ang bibig ko para itanong ngunit naunahan niya na akong magsalita.

"0786152,"

Umawang ang labi ko. "Pwede namang ikaw nalang ang mag-type. Sinabi mo pa talaga."

Nakakaloko itong ngumiti. "Ayaw mo ba?"

"May tanong ako," ani ko habang tinitipa ang numero ni Mama na muntik ko pang makalimutan.

"What?"

"Mayaman ba si Neurence?"

Halatang nagulat siya sa tanong kong 'yon. Nag isip pa ito saglit kung sasagutin ba o hindi na.

"Hindi ko kasi alam buhay ni Sir Neurence, e. Pero kung hindi mayaman yan, wala dapat yan dito noon araw-araw. Tsaka malaking magbigay ng tip yan kaya nga nagkasundo rin kami."

"Paano kayo nagkasundo?"

He chuckled. "Siya, kailangan niya ng kaibigan. Ako naman kailangan ko ng pera. Ako naging kaibigan niya at siya naman nagbigay ng pera sa akin."

Fragments of Memories  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon