50
Pinatunayan ni Neurence ang sinabi niyang maghihintay siya sa akin. Lumipas ang mga araw at noong una'y akala ko magiging awkward kami sa isa't isa pero nagkamali ako. Kung tutuusin, mas gumaan pa nga ang pakiramdam ko sa kanya dahil hindi ko na kailangang mangapa o manghula sa kahulugan ng treatment na ibinibigay niya sa akin. Hindi ko na kailangang isipin na nag aassume lang ako dahil sinabi niya na sa akin ang totoo.
"How are you?" Salubong sa akin ni Neurence pagbaba niya ng sasakyan.
"I'm good. Ikaw?"
Ngumiti ito at lumapit sa akin bago sumagot. "I'm happy. So happy."
Sabay kaming pumasok ng bahay at binati niya muna ang mga tao sa amin bago kami dumiretsyo ng kwarto. Sanay na rin kasi sila Mama na nandito si Neurence dahil araw-araw ba naman siyang nagpupunta kaya minsan kahit natutulog ako, sila na mismo ang nagpapapasok sa kanya.
"Ano pang kailangan gawin?"
Tinuro ko si Launici. "Papalitan ko na lang siya ng diaper."
"Ako na." Tugon ni Neurence at nagsimula nang kuhanin ang anak ko.
Isa ito sa nakakatuwa kay Neurence, may kusa siyang gawin yung mga bagay na hindi ko naman sinabing gawin niya. Ayaw niya rin talaga akong nahihirapan kaya tuwing nandito siya, siya na mismo ang gumagawa ng mga bagay para hindi na raw madagdagan yung pagod ko.
"Pwede ka nang mag anak." Biro ko at lumapit sa kanila para panoorin kung paano niya palitan ng diaper si Launici.
Pati ang mga anak ko, kilala na rin si Neurence. Ni hindi sila umiiyak kapag kinakarga sila ng lalaking ito at may time pa nga na si Neurence pa ang nakakapagpatahan sa kanila kapag umiiyak silang magkapatid.
"Kapapanganak mo lang e."
Agad na uminit ang pisngi ko at sinamaan siya ng tingin. Pinalo ko pa ang braso niya at tinawanan lang ako ng mokong. Baliw talaga!
"Joke lang naman," aniya. "May anak naman na ako, hindi ko lang nakasama."
Pinagmasdan ko kung paano magbago ang expression ng mukha niya. Pati tuloy ako ay nalungkot. May anak na nga pala dapat siya kung hindi nangyari yun.
"Sorry..."
Nilingon niya ako. "Why?"
"Naaalala mo pa dahil sa akin."
He gave me a little smile. "Okay lang yun, wag ka nang mag-sorry."
Tinulungan ko na lang siya sa pagpapalit ng diaper dahil mukhang naiirita na yung anak ko. Pinulbuhan ko lang din siya at hiniga na sa katabing crib ni Eulaci. After nun ay naupo na si Neurence sa kama at tinapon ko naman yung gamit na diaper sa basurahan sa labas.
-
Days had passed and we're still doing our daily routine together with my babies. Si Neurence na talaga ang naging katuwang ko at si Rio naman, minsan na lang nakakadalaw dahil naging busy na rin sa buhay niya. Mas lalo kaming naging close ni Neurence sa isa't isa at wala akong ibang maramdaman kundi saya sa tuwing nandito siya. Parang ibinalik niya yung dating ako, yung masayang ngiti ng labi ko. Ibinalik niya yung bagay na nawala sa akin nang ilang buwan. Ibinalik niya ang buhay na mayroon ako dati.
"Nangangawit ka na ba?" Tanong sa akin ni Neurence.
Kanina pa kasi kami nasa labas ng bahay dahil kailangang paarawan ng mga anak ko tuwing umaga. Maganda raw yun sa kanila at nandito lang din naman kami sa tapat ng bahay. As usual, tag isa kami sa mga anak ko.
"Okay lang," tugon ko. "Anong oras na ba?"
Tumingin siya sa kaniyang relo. "Malapit nang mag 7:00 am. Pasok na ba tayo?"