49

45 5 1
                                    

49

We just finished our dinner and went back to our rooms. Kanina pala, Rio asked me if she can stay here until tomorrow dahil anong oras na rin siya nakarating kanina. Of course, I said yes. Alam ko rin namang excited talaga siya sa mga anak ko.

"Worth it talaga itong nabili kong mask online, nakakafresh!" Ani Rio na nakaharap sa vanity ko sa kwarto.

Ngumiti lang ako at muling itinuon ang aking atensyon sa aking phone. Wala pa ring text si Neurence kung nakauwi na ba siya kaya kanina pa ako hindi mapakali. Iniisip ko na lang na baka naman na-traffic lang siya at sana nga ganon nalang.

"Kumusta ka naman, Eunice?" Tanong ni Rio.

I looked at her. "Okay naman."

"E kayo ni Neurence? Kumusta?"

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

Biglang tumunog ang phone ko.

From: Neurence

I'm home, Eu. Thank you. :)

Tila naalis ang tinik sa lalamunan ko nang mabasa yon. Kanina pa ako nag aalala!

"Grabe ang ngiti," komento ni Rio.

"Baliw."

"See!" Natatawang anito. "Napa-baliw ka nalang, Girl! Grabe ka na!"

Nalukot ang mukha ko at hindi mapigilan ang labi sa pagngiti. "Ano ka ba! Walang meaning ito 'no. We're just friends."

"Wala naman akong sinasabi! Defensive agad?" Pang-aasar pa nito at tumabi na sa akin sa higaan.

Inirapan ko siya at binitawan na ang phone na kanina ko pa hawak. Humiga na ako nang diretsyo at tumingin sa dingding ng kwarto.

"Pero kumusta nga kayo?" Tanong pa nito.

"Wala ngang kami," simpleng sagot ko.

"Okay, sige. Kumusta kayo as friends?" Natatawa ang boses niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang alam ko lang, masaya ako. I enjoy his company and I think he also feels the same. Masarap naman din kasi siyang kausap."

Tumango-tango si Rio na parang hindi pa kumbinsido. "Sabi mo e."

Pabiro ko siyang kinurot sa braso. "Oo nga kasi. Wag makulit!"

She smirked. "Pero may chance ba?"

"Chance?"

She nodded. "Yeah, na mag level up. Like, maging kayo ganon."

Muli akong tumingin sa kisame. "I don't know. Ayokong magmadali."

"So may chance nga."

I shrugged. "Rio, you know what happened to me. It traumatized me. Ayoko nang maulit yun dahil ayoko na ulit bumalik sa gano'ng sitwasyon ng buhay ko. Ayoko na ulit ma-in love sa kahit na sino kasi masyadong masakit kapag nawala sayo."

Right now, I don't see myself being with anyone else anymore. Sobrang sakit pa rin sakin nung nangyari kay Laurence na parang kahit kailan, hindi ko na muling mabubuksan ang puso ko para sa kahit na sino. At kung si Neurence naman ang pag uusapan, hindi ko alam. He's really nice and wala akong masasabi sa kanya now na nakilala ko na siya nang tuluyan. Hindi siya mahirap magustuhan dahil aminado akong nasa kanya naman na talaga ang lahat. But the thing is, kapatid siya ni Laurence. Kambal pa nga! Nakakahiya naman kung sa kanya ako papatol. Respeto na rin kay Laurence 'no!

At tsaka, alam ko sa sarili kong hindi ko pa rin talaga natatanggap yung nangyari. Oo, kahit papaano nakakausad na ako. Pero masakit pa rin e. At siguro, naibsan na lang yung sakit ng panahon; kasi matagal nang lumipas.

Fragments of Memories  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon