17

136 12 0
                                    

17

Pagpasok ng library ay agad din akong lumabas. Punong-puno ang mga lamesa at pati sa sahig ay may mga nagbabasa. Lahat ay abala dahil sa darating na Finals at dapat nagbabasa na rin ako ngayon pero wala namang space. Mas lalo lang akong maii-stress kung iisipin ko yung exam kaya pinili ko nalang tumambay sa ilalim ng puno sa likod ng faculty. Sariwa ang hangin at tahimik. Nakakahanap ako ng kapayapaan kaya masarap talagang tumambay dito kapag vacant.

"Hi, pwede ba akong makiupo?" tanong ng babaeng lumapit sa akin. May hawak siyang zesto at malapit sa bibig ang straw.

"Sure." tugon ko at umusog.

"Ngayon ka lang ba tumambay dito? Ngayon lang kasi kita nakita e."

I nodded. "Oo, ngayon lang."

Tahimik kaming dalawa habang pinapanood ang mga estudyanteng naglalakad sa kalagitnaan ng tirik na araw. Gusto ko nang makatapos ng pag-aaral para hindi ko na kailangang magtiis sa lahat ng ipinapagawa ng mga prof. Kung pwede lang na maging CPA na agad ako at makakuha na agad ng sweldo. Namamangha pa rin ako sa mga naka-graduate ng college at maganda na ang buhay ngayon. Kasi what if hindi gano'n ang maging kapalaran ko? What if hindi ko kayanin ang buhay sa reyalidad?

At iniisip ko rin yung dinadala ko. Paano ko siya palalakihin nang walang ama? Paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang dahilan kung bakit wala siyang ama sa tabi niya? Ayokong maramdaman ng anak ko ang sakit at hirap ng reyalidad. Naalala ko noong bata ako. May papa nga ako pero hindi ko naman siya maisama sa lahat ng event na kailangan ko ng ama dahil babae ang puso niya. Ang hirap sa pakiramdam makita yung ibang tao na may kasamang ama samantalang ako wala dahil sa hiya. E paano pa kaya itong baby ko? Ayoko siyang makitang umiiyak at naghahanap ng ama dahil alam ko sa sarili kong hindi ko masasagot kung nasaan nga ba ang lalaking nakabuntis sa akin nang gabing yon.

"No offence, okay? I jist wanna ask you something." tanong ng babaeng katabi ko na inosenteng nakatingin sakin. She looks young. Parang mas matanda pa ako sa kaniya nang ilang taon.

"Ano yun?"

"Are you pregnant?"

Muntik pa akong mabilaukan sa sariling laway nang itanong niya yon. Parang may kumapit na bara sa lalamunan ko at tumingin sa kaniya. Halata na ba talagang buntis ako? Ang dami na kasing nagtatanong nun! Nakakataranta na dahil hindi ko na talaga alam ang dapat kong sabihin at gawin. I can't take this anymore! Ayoko nang magtago pero ayoko pa rin umamin!

"Why?" balik-tanong ko. I don't know her!

"Ah, akala ko kasi e. Ganyan din kasi ang katawan ko noong nabuntis ako. Pumayat na lang ulit ako pagkatapos manganak." aniya na ikinagulat ko dahilan para muli ko siyang tingnan nang maigi. Anong sabi niya? Nabuntis? Nanganak? So may anak na siya sa edad niyang yan? What?!

"May anak ka na?" bakas ang gulat sa boses ko.

"Oo, Ate. Last year pa ako nanganak sa first baby ko." sagot niya nang may ngiti sa labi. She looks happy! Ilang taon na ba siya?

"Totoo ba? How did you manage?"

"Ang alin?"

"Yung pagiging student and mother at the same time sa anak mo," sabi ko at pinipilit hindi ipahalatang interesado ako.

"Nag-stop ako ng isang taon. Kasi gusto ko talagang mag-focus sa anak ko. At tsaka pwede ko rin naman kasing ituloy anytime ang pag-aaral ko, pero yung mga panahon na wala ako para alagaan ang baby ko, hindi ko na yun pwedeng ibalik pa kahit kailan." sagot niya at hindi na nawala ang tingin ko sa kaniya. She looks young but her words made her look matured. May sense ang mga sinasabi niya.

Fragments of Memories  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon