8

164 12 0
                                    

8

Sa sementeryo na kami natulog at ginising na lamang kami ng malamig na simoy ng hangin. Bumungad sa akin si Ate Launeur na nagsusuklay ng buhok at agad din naman niya akong napansin.

"Good morning," aniya.

"Good morning din, Ate. Kumusta tulog mo?"

"Hindi okay, ang dami kasing lamok." Natatawang sagot niya at ipinasok ang suklay sa kanyang bulsa.

Nagpalipas lang kami ng ilang oras, hinintay lang talaga naming lumitaw ang araw. Saglit kaming nag jogging ni Ate Launeur paikot at naghanap ng nakalibing na kapareho namin ng birthday. Pagtapos ay inaya ako nila Tita para mag almusal sa malapit na lugawan at tsaka nila ako hinatid sa bahay namin.

"Thank you po, Tita, Tito, and Ate Launeur! Ingat po kayo."

Pumasok na ako ng gate at nakarinig na agad ako ng ingay sa loob. Ibinaba ko lang ang mga gamit sa sofa at tsaka ako nagtungo sa kusina. Hindi nga ako nagkamali. Boses ni Ninang Jade ang naririnig ko. Sabay-sabay silang lumingon sa gawi ko at sa isang iglap lang ay nakayakap na nang mahigpit sa akin si Ninang.

"Eunice, ikaw na ba yan?! Super dalaga na!" Tuwang-tuwang sambit niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"I missed you, Eunice!" Ani naman ni Athena, anak ni Ninang.

Ngumiti lamang ako sa kanya. Noong mga bata kami, madalas ko siyang nakakausap. Dahil nga best friends si Mama at Ninang, expected talaga nila na maging close rin kaming dalawa. Pero when we grew up, I just realized that we're so different from each other. Hindi rin ako makasabay sa kanya. Isa pa, nasa ibang bansa nga sila.

"Sobrang pretty naman ng panganay mo, Faye! Manang-mana!"

"Sa akin?" Singit ni Papa at inayos pa ang buhok sa likod ng tenga niya.

"Sa akin!" Sigaw naman ni Mama na pabiro pang umirap.

Hindi ko na gaanong inintindi ang pag uusap nila. Binalikan ko lang yung gamit ko sa sofa at inakyat muna yon sa kwarto. Napansin ko pala kanina yung mga maleta at bag nila Ninang at sa pagkakaalam ko, ilang weeks din sila mags-stay rito sa amin. Ang tagal din nilang hindi umuwi ng Pinas at ngayon palang, napakaingay na ng bahay namin dahil sa ingay nila ni Mama. Namiss talaga nila ang isa't isa.

"Do you still remember me?" Tanong ni Athena nang magkatabi kami sa sofa.

"Of course,"

"That's nice to hear after having no communication for years." Then she smiled, awkwardly.

Ang ganda ng accent niya, sa ibang bansa kasi talaga siya lumaki. Iba rin yung dating niya, halatang laking US. Mula sa outfit niya; beige halter top and black fitted skirt hanggang sa hairstyle niya. Ni hindi ko nga maaninag ang dugong pinoy sa kanya sa tuwing tinitingnan ko siya.

I'm 20 and she's 18. Hindi naman nagkakalayo ang edad naming dalawa pero sabi ko nga, we have so much differences. Kaya siguro hindi rin natuloy yung closeness namin noong bata kami.

"Grabe pala 'no? Ang tagal mo ring hindi umuwi!"

"Daig pa may pinagkakautangan ng isang milyon nyan e," natatawang tugon ni Mama.

Ninang Jade smirked. "Ikaw lang naman itong mahilig umutang dati!"

"Hoy, may naalala nga pala ako! Baka nakakalimutan mo na yung utang mo sa akin, Jade! Wala pa kaming anak ni Faye noon pero tatlo na anak namin ngayon, hindi ka pa rin bayad!"

Kumunot naman ang noo ni Ninang. "Anong utang yon? Wala naman akong matandaan!"

"Yung 500 pesos ba pinangdate mo kasama si Ruru!" Sagot ni Papa na napatayo pa.

Fragments of Memories  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon