47

134 12 0
                                    

47

"Bakit naman ako magseselos?" nakakunot ang noong depensa ko sa sarili matapos niyang sabihin ang mga salitang yon.

Sabay silang napabaling sa akin at pareho ring ngumisi nang makuhulugan; tila ba may ipinahihiwatig. Mas lalong kumunot ang noo ko sa kanila at kahit hindi tumingin sa salamin, alam ko na unti-unti nang nag-iinit ang pisngi ko't namumula. Hindi dahil sa kilig! Baka dahil sa kahihiyan, pwede pa. Pero sa kilig? Hindi 'no!

"There's nothing wrong when you admit that you're jealous," hirit pa ni Neurence na talagang ipinagpipilitan ang hinuha niya.

"Why would I feel jealous?" I asked, sarcastically. Nagmatigas din ako at hindi nagbitaw sa titig sa mga mata niyang nang-aasar.

"Why not?"

"In your dreams! Never akong magseselos. Never akong nagselos"

He chuckled. "Are you sure?"

"Teka nga, teka," singit ni Mama sa usapan. "Ano ba talagang nangyari? Anong selos-selos pinagsasasabi nyo dyan?"

Mas lalong lumakas ang tawa ni Neurence. "Tita, yung anak mo po kasi napakabilis magselos."

Mama looked confused while looking at him. "Ha? E, akala ko ba magkaibigan lang kayo ng anak ko? May hindi ba ako nalalaman?"

Parang luyang biglang dinurog si Neurence sa kinatatayuan at hindi nakapagsalita. Nabara siya ni Mama at walang maibatong panlaban para sa sarili. Ha! Buti nga! Akala niya siguro mananalo siya sa akin. Nakalimutan niya yatang dalawa kaming nandito ni Mama at paniguradong ako ang kakampihan nito dahil ako ang anak. Akala mo ha! Lihim ko siyang pinagtawanan at nang naggawi siya ng tingin sa akin ay agad ko siyang binelatan.

"Tita..." mahinang sabi ni Neurence at agad na pumwesto sa likuran ni Mama. Pinandilatan ko siya ng mata nang hawakan niya si Mama sa balikat at minasahe ito para mang-uto at humingi ng simpatya.

Grabe! Sipsip talaga!

"Tita, yun na nga po ang ipinagtataka ko. Bakit siya nagseselos e magkaibigan lang naman kaming dalawa?"

Mas lalong nag init ang pisngi ko at dahil na yun sa inis. Hindi niya talaga ako lulubayan! Siraulong ito. Matalim ang mga mata kong umirap sa kaniya at hindi na siya pinagtuonan pa ng pansin. Hindi naman talaga ako nagseselos! Ang kapal lang ng mukha niya. Sa sobrang kapal, ang sarap lamugin!

Bigla na lang dumako kay Eulaci ang mga mata kong naiirita. Ngayon ko lang napansin na dilat pala ang mga mata ng anak ko at tahimik lang na nanonood sa amin. Sa isang iglap, biglang nawala yung inis ko nang masilayan ang maamo niyang mukha na parang nangungusap. Nakatitig lamang siya sa akin at parang unti-unting natutunaw ang puso kong lumalambot sa inosente niyang mukha. Parang magic talaga na bigla na lang magiging okay yung mood mo kapag nakita mo yung anak mong nasa maayos na kalagayan. Gosh. Bigla-bihla na lang din akong napangiti sa kawalan dahil sa kaniya.

"See, Tita Faye? Napapangiti pa yung anak mo dahil sa akin."

Mabilis pa sa kabayong bumalik ang isip ko sa reyalidad at muli na namang sumimangot ang mukha kay Neurence na hindi pa rin pala tapos sa pagfe-feeling niya. Ano bang ipinaglalaban nito? Na nagseselos ako? Gosh! Ayaw talagang maglubay ng hinayupak na ito. At tsaka bakit naman ako ngingiti dahil sa kaniya? Asa! Hindi ko alam kung ano bang pinakain nila Mama rito kanina kaya nagkaganito. Ang hyper, napakataas ng energy! Parang biglang naging ibang tao.

"Excuse me? Bawal assuming dito ha?"

Maloko itong tumingin sa akin. "Pero pwede naman yung mga selosa rito diba?"

I rolled my eyes. Nakakainis na talaga! Ang sarap hambalusin. Kung hindi ko lang karga itong anak ko, baka kanina ko pa siya nasapak! Napakakulit.

Fragments of Memories  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon