14
Ilang linggo na naman ang lumipas at nakauwi na ako galing school. Agad lang akong dumiretsyo papasok ng kwarto. Una kong napansin ang litrato naming dalawa ni Laurence na pina-frame ko pa noong namatay siya. Nakayakap siya sa akin dun at bumabalik na naman sa akin yung sakit, na para bang kahapon lang nangyari lahat. May time talaga na bigla na lang magiging sariwa yung mga sugat, kahit matagal nang nangyari. Hindi na talaga mawawala yung pain na naiwan sa puso ko at nasasanay na lang ako. Habambuhay ko nang babaunin yung katotohanag sa ganitong paraan kami natapos. Habambuhay ko na dadalahin ang ganitong pasanin; ang bigat ng pagkawala niya. Hindi ko inakalang sa ganitong paraan kami paghihiwalayin ng tadhana.
Naabutan ko na lamang ang sarili kong nakahiga at tumutulo na ang luha. I didn't expect that our ending will be like this pero wala akong magawa kundi umiyak. Wala na akong magagawa dahil ito na talaga ang huli.
It's been seven months.
Pitong buwan na.
Pero heto, masakit pa rin talaga.
The past few days, I couldn't help but to blame myself for what happened. Maybe it was really my fault.
Pitong buwan na ang lumipas nang huli kong marinig ang tawa niya.
Pitong buwan na nang huli kong makita ang mga ngiti niya.
Pitong buwan na nang huli kong makitang nakatitig ang mga mata niya sa akin.
Bawat segundong lumilipas na nakatingin ako sa larawan niya ay mas lalo lang lumalalim ang bubog ng ala-ala sa puso ko. Alam ko naman na wala nang pag-asa, pero bakit ba umaasa pa rin ako? He will never come back!
Mukhang mas matatanggap ko pa kung masaya na siya sa ibang babae pero yung masaya na siya kasama si Lord? Sobrang sakit. Kasi I know, I'll never have the chance to be with him again if he's already with God. Wala na akong chance na makita ulit siya. Hindi ko na siya makakasalubong sa mall, school o kahit saan pa kasi malabo nang magtagpo ulit ang landas naming dalawa. Nasa lupa ako, at nasa langit na siya. Sobrang imposibleng magkasama ulit kami dahil nasa kabilang buhay na nga siya.
I hugged my pillow tightly, imagining that it's him. Bakit ba walang cellphone sa langit? Bakit hindi natin pwedeng makausap yung mga mahal natin sa buhay na namatay? Bakit kahit ilang segundo lang, hindi manlang tayo magkaroon ng pagkakataong makausap manlang sila? O kahit makita lang? Bakit hindi pwede 'yon?
Ang daya naman. Ang damot. Miss na miss ko na si Laurence. Hindi ba talaga pwedeng makita siya kahit limang segundo lang? Kahit payakap lang sa panaginip, Lord. Minsan ko na nga lang siya mapanaginipan, yung noong pang araw ng libing niya ang napanaginipan ko.
"Miss na miss na miss na kita, Vice President ko. Bakit ba hindi ka manlang nagpaparamdam?" bulong ko sa kawalan. Wala namang makakarinig. Hindi niya naman ako maririnig.
Halos mapalundag ako sa kama nang biglang umihip ang malakas na hangin sa bintana at may kumatok sa pinto. Mas lalo akong nagtago sa kumot at pinakiramdaman ang kumakatok. Gabi na at sigurado akong tulog na sila Mama. Putcha naman, Laurence! Pwede namang sa panaginip ka nalang magparamdam!
"Laurence, duwag ako! Stop it!" sigaw ko at pumikit. Parang biglang umurong ang mga luha ko.
Laurence naman e!
"Ate, open the door. It's me, Venice!" sigaw ng tao sa labas. Bumalik sa normal ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses ng kapatid ko.
Akala ko naman!
I heaved a sigh, wiping my tears.
I immediately stood up and opened the door for my sister. Bumungad sa akin si Venice na hawak ang unan niya at nasa likuran naman niya si Janice na gulo-gulo ang buhok at kinukusot pa ang mga mata. Mukhang kagigising lang ni Janice at nahila lang ni Venice dito.