43

56 8 0
                                    

43

I couldn't look at them after telling the truth. Bigla akong tumiklop at napirmi sa makintab na sahig ang mga mata ko. I didn't see any reaction, I didn't even hear a single word from them. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nila. Katahimikan na mismo ang nagdikta ng gulat nilang lahat except kay Neurence na matagal nang alam. Sa sandaling ito, bigla ko na lang hiniling na sana ay lamunin na lamang ako ng lupa sa kinauupuan ko dahil sa sobrang hiya. Sa kabilang banda, naisip ko rin na malalaman at malalaman din nila ang tungkol dito. Mas gugustuhin ko na rin na sa akin na mismo manggaling. Wala na rin naman akong ibang pagpipilian kundi ang aminin dahil imposibleng hindi rin nila ito mapansin.

Nasa baba ang tingin ko nang may maramdaman akong mainit na dumikit sa akin. Kamay pala yon ni Neurence na hinawakan din nang mshigpit ang isa kong kamay. Pinagsalikop niya yon sa ilalim ng lamesa at bahagyang piniga. That helps a lot. Gumagaan talaga ang pakiramdam ko sa tuwing may pumipiga sa akin.

"Eunice..." narinig ko na ang mahinahong boses ni Tita Elizabeth.

Bumalik ang kabang medyo napawi na dahil kay Neurence. Hindi ako makapagtaas ng tingin at mas lalo lang akong nahihiya.

"Can you please look at me, Hija?" wika pa ni Tita pero nanatiling nakababa ang aking tingin.

Wala akong sapat na lakas ng loob para makipagsabayan sa mga tingin nila. Hindi pa umaabot sa gano'n ang kakapalan ng mukha ko at marinig lamang ang boses nila ay para na akong nangangatog sa kaba. Mas lalong humigpit ang hawak ni Neurence sa kamay ko at marahan akong napapikit nang magsalita na si Tito Lorenzo.

"Hija, huwag kang kabahan sa amin," ani Tito.

Paano naman akong hindi kakabahan? Kahit kalmado ang boses nila, pakiramdam ko ay nakasalang pa rin ako sa mainit na kawali at handa nang pakuluan. Feeling ko tinraydor ko sila, na hindi manlang ako naghintay ng mas mahaba pang panahon bago nagpabuntis sa iba. Hindi ko rin naman inexpect ito, pero ano pa bang magagawa ko? Nandito na, e. Hindi ko na pwedeng iatras ito.

"Kumalma ka, Eunice. Hindi naman kami magagalit sayo, e." sabat ni Ate Launeur na ilang segundo lang ay naramdaman ko na sa likuran ko. Hinawakan niya ako sa braso at tinapik-tapik.

Doon na bahagyang umangat ang ulo ko para bigyan siya ng saglit na sulyap. Nakangiti siya sa akin at ipinatong ang kaniyang baba sa kabila kong balikat.

"Wag kang matatakot pagdating sa amin, okay? Parang hindi mo naman kami kilala. Hindi ka na iba sa amin, Eunice." dagdag pa ni Ate Launeur at mulinh dumiretsyo ng tayo. Nanatili ang isa niyang kamay sa balikat ko.

"I'm sorry po..." I started. "Hindi ko naman po alam na mangyayari ito. I really respect Laurence's death, nasaktan din po ako noong mawala siya. Sana hindi nyo po isipin na ang bilis ko——"

"Shh," Tita cuts me off. "You don't have to explain yourself, Eunice. Wala kang ginagawang masama. You're not a minor anymore, alam kong magiging mabuti kang ina." she added, then gave me a genuine smile.

"Tita, you really make my heart so happy po right now. Ang sarap pong pakinggan, Tita. Salamat po talaga." tugon ko at napahigpit din ang hawak sa kamay ni Neurence.

"Salamat din, Hija, for bringing us here today. Kung wala ka, hindi siguro tayo nandito ngayon. Kung wala ang tulong mo, baka hinahanap pa rin namin ang anak ko."

Tita Elizabeth is so pure. Her heart is really pure. Kapag binanggit ang pangalan niya, parang maririnig mo na rin agad ang salitang perpektong ina. Sobrang bait niya at ang genuine ng personality. Consistent din at masasabi kong isa siya sa mga dakilang ina na mahal na mahal ang mga anak. Pareho sila ni Mama na pinipilit intindihin ang sitwasyon kahit mahirap at magulo. Sana soon, maging katulad din nila ako. Sana balang-araw, maging proud din sa akin ang mga anak ko.

Fragments of Memories  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon