44
Nagkapatawaran kami nina Elizabeth at Pauline noong araw na yon. We became okay and tried to rebuild our relationship with each other. Hindi man kasing close noon, at least we're in good terms now and still trying to forget everything that happened between us. Mas okay na rin nfayon dahil wala nang sama ng loob at hindi na namin kailangang umiwas aa isa't isa. We had a lot of improvements noong nagkabati-bati kami. Akala ko habang buhay na lang kaming hindi mag-uusap pero na-realize ko na wala pala talagang imposible kung willing naman both sides na ayusin yung gulo.
One thing I learned from this issue, lahat pala ng problema ay matatapos din kapag pinag-uusapan nang maayos. Lahat ng bagay, nagagawan ng solusyon kung hindi pride at ego ang inuuna.
Elizabeth, Pauline and I explained ourselves with each other. Pare-pareho rin kaming nakinig sa isa't isa at hindi nanghusga. Hindi kami nagpataasan at nagsigawan kasi nirespeto namin yung pagsasalita ng bawat isa. We are all ware of our mistakes, at inaamin naman namin na nagkamali talaga kami.
"Eunice," narinig ko ang boses ni Mama. "Umuwi na si Rio?" tanong nito habang ibinibigay ang bitbit na groceries kay Manang Sitang.
"Opo, Ma. Kauuwi lang niya kanina bago ka dumating." sagot ko at pinagmasdan ang natirang plastic bag sa kamay niya
"Sinundo ba siya?"
"No po. Sumakay lang siya ng taxi kasi may pupuntahan din daw siya bago umuwi sa kanila."
She nodded. "Oo nga pala, mga prutas at gulay ito. Kainin mo lahat ha! Kailangan mong magpalakas dahil malapit ka nang manganak." aniya at iniabot sa akin ang dalawang pirasong mansanas at saging.
"Thanks, Mama."
"Kung gusto mo pa, doon ko lang ito ilalagay sa loob ng ref. Kumuha ka na lang mamaya."
Time flies so fast. Nagising na nga lang ako sa isang umagang bigla ko na lang na-realize na kabuwanan ko na pala. And that only means one thing, malapit na akong manganak at maging ina! Halong excitement at kaba ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw dahil first time kong magsisilang ng sanggol. Last week, nagpa-check up na ako at sa susunod na araw ang sched ng aking pagbalik doon. Actually, naging regular na rin talaga ang check up ko at every week ako bumabalik to make sure that my babies are both safe in my tummy.
Everything went really good. Naging payapa ang buhay ko at naging masaya rin sa kung anong mayroon ako ngayon. Kaso nga lang, hindi na ako pinapayagan nila Papa na umalis ng bahay mag isa kasi baka kung saan pa raw ako abutan ng panganganak. Naiintindihan ko naman dahil para rin sa akin at sa mga baby ko yon.
"Ate..." mahinang tawag sa akin ni Janice.
"Yes?" agad na tugon ko.
"May I?" tanong nito at itinuro ang lamesita sa harapan ko. May hawak na naman siyang art materials at mukhang doon siya gagawa.
"Sure, Janice. No prob."
Hindi na siya kumibo at inilapag lang doon ang mga dalang gamit. Sumalampak na rin siya sa sahig at hindi na tumingin sa akin. Napasandal ako sa sofa at bumaling ang atensyon sa pinapanood kong movie na hindi ko na maintindihan kung ano ang plot. Muli akong tumingin kay Janice at siya na lang ang pinanood habang abala sa pagpipinta.
Nakakainip din pala sa bahay lalo na kung wala namang ibang ginagawa. Hinihintay ko na nga lang na manganak ako para maging worth it naman ang bawat segundo ng pananatili ko rito sa mundo.
"Ate, your phone is ringing!" sigaw ni Venice na tumatakbo palapit sa akin. Hawak niya ang phone ko at mabilis na ibinigay sa akin. Muntik pang mahulog!