9
"Good morning, everyone!"
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Athena. May hawak siyang hotdog na naka-stick at mukhang kanina pa gising dahil hindi na rin siya naka-pajama. Nang makitang tumingin siya sa gawi ko ay agad akong nagtalakbong ng kumot. Ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko dahil umiyak na naman ako kagabi.
"Good morning, Ate Athena!" Tugon ni Venice.
We slept in one room lang kasi kagabi. Ako, si Venice, si Janice, at si Athena ang nagsama-sama rito at si Ninang naman ay tumabi kila Mama. Kahit may sari-sarili kaming kwarto, kapag may bisita talagang close na close namin, nagsasama-sama kaming matulog dito sa kwartong pangmaramihan. Dapat nga guest room lang ito pero dahil masyadong malaki, pinalagyan na lang nila Mama ng maraming kama para sa mga sleepover na marami ang matutulog.
Narinig ko ang pagsara ng pinto mayamaya kaya naisip kong baka lumabas na sila. Naging tahimik na rin kasi kaya agad kong inalis ang kumot na nakatalakbong sa akin. Ganon na lamang ang gulat ko nang makitang nakatitig sa akin si Athena.
"Are you okay?" She asked after noticing my eyes.
Tumango lamang ako.
Ngayon niya nga lang pala ako nakitang ganito. Sila Venice kasi sanay na sa namumugto kong mata lalo kapag umaga.
"Are you sure?"
"I'm good. Don't worry about me."
She pouted and sat besides me. "Did you cry? It's obvious in your eyes."
Mapait akong ngumiti. "Masasanay ka rin sa mga mata ko."
"Everything will be alright soon." Aniya at tsaka ako tinapik sa balikat.
Sabay na kaming lumabas ng kwarto at bumaba para mag almusal sa kusina. Naabutan namin sina Mama na nag uusap pero agad ding tumigil nang mapansin kami ni Athena. Hindi ko na lang yon pinansin at tahimik lamang akong kumuha ng egg sandwich na nasa lamesa. Tumabi na rin ako kay Janice na umiinom ng gatas habang hawak ang art materials niyang hindi ko alam ang tawag.
"Tuloy ba kayo mamaya?" Tanong ni Mama sa akin.
"Yes po," I simply answered.
"Mag iingat kayo ni Athena. Mag enjoy lang kayong dalawa mamaya ha? Lalo ka na, baby girl!" Ani Papa at hinalikan pa ako sa noo.
"Nagtataka nga ako sa anak ko. Mula pagkabata nasa ibang bansa pero akalain mong nagkaroon ng kaibigan dito sa Pinas." Singit ni Ninang Jade at umiiling na humawak sa bewang ni Athena.
"Mom, I already told you that I met her two years ago in a social media platform. She's so nice and adorable! I'll let you meet her soon."
Mas matangkad pa si Athena kesa kay Ninang at di hamak na mas matured siya tingnan kesa sa akin kahit mas matanda ako sa kanya. Iba talaga kapag sa ibang bansa lumaki. Alam mo yun? By the way she talks, alam agad ni hindi siya laking Pinas. Basta there's something different when people live in other countries.
"Ate, saan kayo pupunta? Pwede ba akong sumama?" Tanong ni Venice na hawak pa ang toothbrush niyang kulay rainbow. Hindi ko alam kung saan niya nabili yun.
"You can't, Venice. You're just 15."
"So kapag 18 na ako, pwede na?" Nagagalak na tanong ng kapatid ko.
Athena nodded her head. Napapalakpak naman si Venice sa tuwa at bumalik na sa pagto-toothbrush niya.
-
Nakaupo ako sa kwarto at nakaharap sa malaking vanity mirror habang tinititigan ang itsura ko. Ngayon na lang ulit ako lalabas para pumuntang party dahil hindi naman talaga ako mahilig sa ganon. Mas pipiliin ko pa ngang unahin ang paggawa ng schoolwork kesa sa mga ganitong wala naman akong interes. Ni hindi nga ako sanay uminom ng alak! Kung hindi lang talaga ako inaya ni Athena, hindi ako sasama. At tsaka baka mamaya hindi pa ako makatulog kaiisip sa kaligtasan niya kung hindi ako sumama.