40

64 8 0
                                    

40

"What are you doing here?" tanong ng isang malaking lalaki na nakapirmi ang tingin sa akin.

Mabilis akong napatayo nang diretsyo at tiningnan ang suot niyang uniform. May pangalan na nakalagay rito at nang binasa ko, Mr. Roston ang nakalagay roon. Matangkad siya at mukhang nasa early 40's. Hindi ko alam kung sino siya, ngayon ko lang nakita. Pero parang isa siya nakatataas na worker dito. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ini-inspeksyon ang itsura ko at sinisigurong wala akong binabalak na masama rito.

"May I know your name, please?" he asked, still checking me. May hawak pa siyang black stick na itinuro pa sa gawi ko at parang naninindak sa kaniyang tono.

I didn't say a word. I kept silent... And distant with him.

Nakaka-intimidate! Parang feeling ko bigla niya na lang akong kakaladkarin palabas ng village na ito.

"I'm Mr. Ronson, the head of the security guards in this village. May I know what brings you here, Madame?" muli nitong tanong at pinanliitan na ako ng mata.

Wait, head siya ng security guards? E, bakit parang ang datingan niya, iba? Nakakatakot kausap! Ang seryoso ng mukha at boses niya na parang hindi sanay makipagbiruan. Mukhang kahit guard lang ang pag aaply-an dito, kailangan pa rin talagang dumaan sa butas ng karayom para ma-hire.

"It seems like you don't want to tell me your name nor your identity, Madame. I don't have any choice but to bring you in our office and discuss something that is very important."

Nagulat na lamang ako nang bigla niyang hawakan nang mahigpit ang braso ko. Magpupumiglas sana ako pero hindi ko manlang magalaw ang mga kamay ko! Hindi ako makapalag sa lakas niya! Pilit konh inaagaw ang kamay ko pero mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa akin at mukhang wala talagang balak na pakawalan o pagsalitain manlang ako.

"Saglit lang naman, Kuya——"

"Mr. Ronson," he corrected me.

Napatingin akong muli sa kaniya na binibitbit na ako papunta sa harap ng bahay—— mansion pala—— nina Neurence. Nahiya pa siyang kaladkarin ako! Hindi niya ba nakikitang buntis ako at baka magpasa ang braso ko sa tindi ng pagkakahawak niya? Napaka!

"Just tell me your name, Madame, and I'll let you go home now," aniya nang huminto na kami sa harap ng gate nila Neurence.

I heaved a sigh. "I'm Eunice——"

He cuts me off. "Your name is not familiar."

Nalukot ang mukha ko dahil sa nagsabay na inis at init ng araw na tumatama sa balat ko. Hindi pa nga ako tapos magpakilala! Kanina pinipilit niya akong magsalita pero nang magsalita naman ako, bigla-bigla niya na lang puputulin! Ano bang trip ng taong ito?

"I never heard your name, Madame. Maybe you're just one of the stalke——"

"Wait, wait, wait!" sabat ko. "Uunahan na kita ha? Hindi ako stalker! Kahit tawagin mo pa si Neurence sa loob para malaman mong nagsasabi ako ng totoo."

He shook his head, immediately. "Don't fool me, Miss."

Muli akong napahinga nang malalim at napasabunot sa sariling anit. Nakakainis naman ito! Dinaig pa guards sa mga mall sa sobrang higpit. Wala naman kasi talaga akong balak gawin dito. Sa laki ng tiyan ko, mukha bang makakapagnakaw o makakapatay ako ng tao kapag pinapasok niya ako?

"Your valid ID, please." dagdag pa nito at naglakad ng isang kamay.

Mas lalo lang kumunot ang noo ko sa kaniya. "Bakit ba hindi mo na lang tawagin ang amo mo para makasiguro ka? Nakakapikon na ha! Hindi mo ba nakikitang buntis ako at tirik na tirik ang araw dito sa kinatatayuan ko?"

Fragments of Memories  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon