19
From: Papa
I'm in the principal's office, bebi ghorl. Hintayin mo na lang aq sa 7/11 then sumabay ka na sakin ocakes? Labyu. Tek kir.
Oo nga pala. I almost forgot that he came here to talk to our principal. Sigurado akong ipinatawag siya dahil nalaman na ng mga nasa office na buntis ako. There's nothing wrong with being pregnant pagdating sa university namin pero our principal requires every pregnant student to bring our parents in the office of the principal. They still allow pregnant students to continue studying pero required talagang papuntahin ang parents para makausap nang maayos, clarify things and para malaman din kung paano ang magiging set up. At tsaka isa pa, meron kasing ibang insidente na nalaman lang ng magulang na buntis ang anak nila noong ipinatawag na sila sa office. Pero sa case ko, wala namang problema dahil alam nila Papa na buntis ako at tanggap nila yon.
"Eunice! Pauwi ka na ba?" tanong ni Rio. Ang dalas na namin magkita ngayon. Hindi katulad dati na kahit nasa same university kami ay hindi pa rin kami halos nagkikita. What happened? Siguro hindi na siya gano'n ka-busy kaya may time na siyang kausapin ako.
"Hindi pa. Hihintayin ko pa si Papa,"
"Nasaan ba si Tito Chris?" she asked.
"Nasa office. Pinapunta siya kasi nalaman na ng principal na buntis ako." sagot ko at huminto saglit sa corridor. Kanina pa ako ginagambala ng sariling buhok kaya naisipan ko nang kunin ang ipit sa loob ng bag.
"Oo nga pala ano? Saan mo siya hihintayin?"
"Sa 7/11." sagot ko ulit at inikot ang buhok para maipusod nang maayos. Ang haba na ng buhok ko, parang gusto na ulit makatikim ng haircut. When Laurence was still alive, he used to come with me in the salon. Sabay kaming nagpapagupit noon at pagkatapos ay kakain kami ng kung ano-anong pagkain na madadaanan namin pag uwi.
I just missed being with him. Komportable at parang wala akong iniisip na problema sa tuwing kasama ko siya. He has his own ways to make me forget about the things that keep on bothering me. May sarili kaming mundo na kaming dalawa lang ang nakakaalam. Miss na miss ko na siya. Kung pwede lang talagang ibalik ang nakaraan, hinding-hindi ko na bibitawan ang kamay niya. Yayakapin ko lang siya hanggang sa huling paghinga. Susulitin ko bawat isang segundong lilipas at hindi ko na muling aalisin ang tingin sa mga ngiti niya.
"Gusto mo sabay na tayo? Doon din naman ang daan ko e. Para rin magka-bonding tayo, you know?" sabi ni Rio at hindi makatingin nang diretsyo sa mga mata ko. It looks like she's hiding something.
"Are you hiding something?"
She's not good at lying. Parang ako lang kapag may itinatagong sikreto.
"Ha? Wala naman. Bakit? Paano mo nasabi? Wala kaya ah!"
Confirmed.
Guilty na, defensive pa.
"Tell me. Anong itinatago mo? Obvious ka masyado."
"Ha? Wala nga yun..."
I sighed. "Hindi ako titigilan hangga't hindi mo sinasabi sa akin."
"A-ano kasi..." kinagat niya ang sariling labi.
"Parang gago naman, Rio. Ayaw pa sabihin! Pabebe lang?"
Bahagya siyang natawa pero hindi rin naman nawala ang ka ba sa mukha niya. She was really nervous. Ano bang problema?
"Siguro hindi mo pa nakikita yung bagong newspaper..." mahinang aniya.
"Bakit? Ano bang latest news?" tanong ko. Bakit ba paputol-putol siya? Medyo nagsisimula na akong mainis.
"A-ano... Nakalagay doon... Sabi... E kasi... Yung ano——"