Pinalabas na muna ni Mira si Hana saka siya naghubad at nagsimula ng maligo.
"Woah. Ang sarap pala sa pakiramdam. Kung panaginip man to parang ang ganda naman ng panaginip na ito." Sambit niya at lumangoy sa gitna ng pool.
Mahigit isang oras din niyang ini-enjoy ang tubig bago niya naisipang umahon.
"Ito na po ang susuotin niyo binibini."
Muntik ng madulas sa basang sahig si Mira dahil sa gulat nang marinig ang boses ni Hana. Mabilis na hinila ang isang puting bathrobe na maayos na nakatupi at nakapatong sa isang puting bato at mabilis na itinakip sa hubad na katawan.
"Bakit bigla kang pumasok?" Tanong niya na tinatakpan ang mga pribadong parte ng katawan.
Natawa naman si Hana sa reaksyon niya.
"Binibini. Nakalimutan niyo na po bang ako ang nagpapaligo sa inyo mula pa noong mga bata pa tayo? Ay oo nga pala, nakalimutan mo nga." Muli na namang sumilay lungkot sa namamaga niyang mga mata maalalang nakalimutan nga pala ng amo niya ang nakaraan nito.
"Wag na po kayong mahiya sa akin binibini. Nakita ko na po lahat, saka trabaho ko pong alagaan at pagsilbihan kayo." Pinasuot niya kay Mira ang bra na gawa sa malambot na tela.
"Talaga bang pati damit ko iba ang magsusuot? Ang sosyal ng panaginip na 'to. Kaya lang paano kung namatay na ako at napasok lang sa katawan na ito? Yung katulad sa mga transmigration at reincarnation stories?" Napatakip siya ng bibig sa naisip. Ngunit sinapok din ang sarili dahil imposibleng mangyayari sa totoong buhay ang mga transmigration at reincarnation na nababasa niya sa mga online novels.
"Wag niyo pong saktan ang sarili niyo binibini." Nag-alalang sambit ni Hana dahil sinapok ni Mira ang ulo.
Pinakalma naman ni Mira ang sarili at inisip na nananaginip lamang siya. O baka naman napasobra ang pang-iidolo niya sa mga napapanood niya at mga nababasang nobela.
Pinaupo siya ni Hana at pinunasan ang kanyang buhok para madaling matuyo. Habang pinapatuyo ni Hana ang kanyang buhok hindi niya maiwasang mapahikab. Matapos patuyuin at suklayan, inayos na ni Hana at ginawang malabulaklak ang kanyang buhok. Nilagyan din ng may disenyong bulaklak na hairpin para mas magandang tingnan.
"Tapos na po binibini." Sabi ni Hana at pinaharap na siya sa salamin.
Napa-wow naman si Mira makita ang sariling repleksyon sa salamin. Nakikita niya ang isang napakagandang babae na may gulat na mga mata. Bagay na bagay sa cute niyang mukha ang hairstyle niyang ito. Mas gusto niya ang dati niyang mukha kaysa sa mukhang ito ngunit hindi maitatanggi na nagagandahan din siya sa mukha ng Shinea na ito.
Kumurba naman ang kanyang katawan sa suot na puting blusa. May pulang kapa naman siya sa likuran na di niya maintindihan kung bakit kailangan pa niyang magsuot ng ganito.
"May igaganda pa pala ang mukhang ito?" Sambit niya na nakahawak sa magkabilang pisngi. Ngunit napataas ng kilay mapansin ang kapa sa likuran niya.
"Bakit may suot pa akong kapa? Para saan ba ito?" Tanong niya habang tinitingnan ang hood ng kapa niya.
"Ayaw niyo pong walang kapa minsan naman nagsusuot kayo ng cloak kapag hindi kayo nagsuot ng kapa." Sagot ni Hana.
Tumayo naman si Mira at umikot-ikot pa para matingnan ang sarili sa salamin. Para siyang prinsesa na tulad sa mga nakikita niya sa mga pelikula.
Tinanong niya si Hana tungkol kay Shinea. Dito niya nalamang ang lalaking minahal ni Shinea ay ikakasal kay Jiara na isa sa mga half-sisters ng dalaga. Ipapakasal naman sa ikatlong prensipe si Shinea. Ang mayabang at aroganteng prensipe ng Alkaid kingdom na hindi gusto ng dalaga kaya siya nagtangkang magpakamatay.
BINABASA MO ANG
Who are you, Mira?
FantasyWalang ibang pinangarap si Mira kundi ang makasama ang kanyang mapagmahal na pamilya. May simpleng buhay at walang inaalala ngunit isang araw may mga bisitang hindi niya kilala at sapilitan siyang binalak kunin. Dahil dito itinago siya ng ina sa isa...