Nagising na rin si Mira ngunit sa pagkakataong ito, hindi na siya nagtaka pa kung bakit napadpad na siya sa kama."Mira, mabuti at gising ka na." Agad nilapit ni Hana ang pagkain kay Mira para makakain na ito.
"Ilang oras akong tulog?"
Nagbilang naman sa mga daliri si Hana. "Mga anim na oras ang tulog mo ngayon."
"Masakit ba ang likod mo? Gusto mo masahein kita?" Pag-iiba ni Hana ng usapan.
"Hindi na."
Makitang hindi makatingin ng direkta ang maid, napataas sa isang kilay si Mira.
"May problema na naman ba?"
Tumikhim si Hana at sinabing kumain na muna siya. Pagkatapos kumain ikinuwento nito ang balitang narinig nila galing sa palasyo.
Sandaling tumahimik si Mira.
"Ayos ka lang ba, Mira?" Kinalabit na ni Hana ang balikat ng amo makitang nakatunganga pa rin ito. Ilang sandali pa'y humalakhak si Mira na nakahawak pa sa tiyan. Kulang nalang magpagulong-gulong sa sahig.
"Hahaha. Parang nakikita ko na ang reaksyon niya habang kinakamot ang pisngi ng puwet niya tapos nakangiwi dahil sa nararamdamang sakit sa buong katawan."
Nanlaki ang mga mata ni Hana sa narinig. "Paano mo nalaman na nananakit ang katawan ng hari na parang nilatigo?"
Naitikom ni Mira ang bibig at nakakunot ang noong binalingan ng tingin si Hana. "Sumakit nga ang buong katawan ng hari?" Napasinghap siya at napatakip ng bibig.
Mabilis na umupo ng maayos si Mira para subukan ang ano mang naiisip.
Pumikit siya at inisip na susulpot sa tapat niya ang mga items na nabili nila sa Ruby Sect.
Ilang sandali pa'y bigla na lamang may sumulpot na mga sandata sa sahig na nasa kanyang harapan.
"Sumulpot nga!" Halos mapatalon pa siya ngunit maaalalang hindi ganito kabago ang binili niya noon, napakunot ang kanyang noo.
Dinampot ang isang blue na espada na may nakaukit na dragon sa blade nito.
"Ang ganda nito. Pero wala naman akong nakitang espada sa mga nabili natin a?" Tiningnang maigi ang espada na kulay blue.
"Iyan po ang mga sandatang nakuha mula sa silid na tinamaan ng kidlat. Pero kinuha iyan ng prinsipe bakit nakarating 'yan dito?"
May nakikita silang tig-iisang maliit na kutsilyo, maliit na shuriken, throwing stars, isang palaso na may mabalahibong white jade arc at maliit na emerald green flute, isang silver staff na may maliit na kulay pulang bato sa tuktok nito, isang maliit na karayom, isang golden scroll, dalawang pouch, isang singsing, isang pulseras, at isang kakaibang kulay pulang balahibo.
Dinampot ni Mira ang Emerald Green Flute at inisip na magpapalit ito ng anyo.
Sa isang iglap lang, nagiging pamaypay itong bigla sa kanyang mga kamay.
"Woah. Ang galing." Nakangiti niyang sambit habang nagniningning ang mga mata sa tuwa.
"Masubukan nga itong iba."
Nagiging makintab na waist belt naman ang kaninang espada at ang mga maliit na kutsilyo ay nagiging singsing at pumaikot sa hintuturo niya.
"Teka, ano'ng nangyayari?"
Nakaawang naman ang bibig ni Hana habang namimilog ang mga mata. "Mira, posibleng naka-contract na sa'yo ang mga sandatang iyan kaya nagiging singsing sila at nakakapagpalit ng anyo."
BINABASA MO ANG
Who are you, Mira?
FantasyWalang ibang pinangarap si Mira kundi ang makasama ang kanyang mapagmahal na pamilya. May simpleng buhay at walang inaalala ngunit isang araw may mga bisitang hindi niya kilala at sapilitan siyang binalak kunin. Dahil dito itinago siya ng ina sa isa...