Back to Mira and Emperador Yanfe's conversation.
"Paano niyo po ako papatayin? Bitay o saksak?" Curious na tanong ni Mira.
"Mukhang hindi ka nga takot mamatay. Akala ko pa naman kanina, dahil malakas lang ang tiwala mo kay Lianfei pero ngayong nakausap na kita naniniwala na akong mas gusto mo nga talagang mamatay."
"Gaano mo ba kaayaw manatili sa mundong ito at gustong-gusto mo ng mamatay? Sa palagay mo ba mabubuhay ka pa sa mundong sinasabi mo kapag namatay ka rito?"
Hindi agad nakasagot si Mira dahil hindi naman talaga niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag namatay si Shinea.
"Imposibleng magkakapalit ng kaluluwa ang dalawang magkaibang lahi lalo pa't isa kang Vishla at isang Diyuman si Shinea. Ngunit posibleng magpapalit ng alaala."
"Dalawang paraan lang para mangyari ang sinasabi mo. Kung nagkapalit kayo ng kaluluwa ni Shinea dapat hindi mo naalala ang nakaraan mo at ang mga alaala lamang ni Shinea ang maaalala mo. Dahil ang alaala ay nasa utak ng katawan at hindi sa kaluluwa. Naiiwan ito sa utak at hindi sumasama sa kaluluwa." Paliwanag ni Yanfe.
"Maliban nalang kung may naglagay ng mga alala na iyan sa utak mo. Nang makapasok ka na sa katawan ni Shinea."
Napahawak si Mira sa ulo. "Wag mong sabihing pinasok nila sa ulo ko ang utak ng dating ako?" Napatakip siya ng bibig maisip na kinuha ang kanyang utak at inilipat sa utak ni Shinea.
"Hindi literal na utak ang ilalagay sa ulo mo. Ipapakita sayo ang mga pangyayari, nakaraan mo man o hindi, na aakalain mong sayo."
"Katulad nalang kapag may pinapanood kang pangyayari, at dahil nakita mo, narinig at naramdaman, iisipin mo ng sayo iyon ngunit nakita mo lang pala at hindi iyon sa'yo."
"May mga alaalang pumapasok sa isip ko. Hindi ko naman alam kung kanino. Pero bakit nararamdaman ko ang lungkot kapag naalala ko ang mga alaalang iyon." Sambit ni Mira maalala ang batang nasa duyan, at ang batang nagsasanay sa pagamit ng espada at iba pang mga sandata.
Mga alaalang hindi kanya noong siya pa si Mira.
Kumunot ang kanyang noo makitang nakatitig sa kanya si Yanfe.
"Bakit po?" Tanong niya rito.
"Wag po kayong tumitig ng ganyan. Kahit medyo kahawig niyo si Lianfei, mas bet ko pa rin si Lianfei kaysa sa inyo." Sabay yakap ni Mira sa sarili.
Bigla namang tumawa si Yanfe sa sinabi niya.
"Iniisip mo pang pinagnanasaan kita? Hindi ako papatol sa bubot na katulad mo at hindi pa hinog." Natatawang sambit ng Emperador.
"Linawin niyo kasi." Nakangusong sambit ni Mira. Kumunot muli ang kanyang noo makita ang ngiti ni Yanfe.
"Inaakala ko kasing magsisinungaling ka. Hindi ko inaakalang magsasabi ka ng totoo kahit posibleng ikakapahamak mo."
"Alam mo ba kung bakit si Shinea ang pinili kong maging konsorte ni Lianfei?"
"Dahil cute siya?" Hula ni Mira.
"Para maprotektahan siya. Kapag hindi siya fiance ni Lianfei, tiyak na walang magpoprotekta sa kanya."
Sinabi ni Yanfe na isang half-phoenix descendant si Shinea. At ang mga may dugong Phoenix ang pinaghahabol ng mga Diyuman dahil may healing ability ang kanilang mga dugo at pinakamabisa ring sangkap sa healing potion or healing pills.
May posibilidad na pagnanasaan ng iba ang dugo ni Shinea. Para maprotektahan ang dalaga, kailangan niyang maging fiance ng isa sa mga royal family nang sa ganoon may maidahilan si Yanfe kung bakit kailangan niyang magpadala ng magbabantay kay Shinea.
BINABASA MO ANG
Who are you, Mira?
FantasíaWalang ibang pinangarap si Mira kundi ang makasama ang kanyang mapagmahal na pamilya. May simpleng buhay at walang inaalala ngunit isang araw may mga bisitang hindi niya kilala at sapilitan siyang binalak kunin. Dahil dito itinago siya ng ina sa isa...