"Kamahalan, nandito na po ang listahan ng mga binibining maaari niyong pagpipilian para maging asawa." Sabi ng isang kawal na may nakasabit pang espada sa tagiliran. Hawak niya ang kulay gintong pabalat ng isang libro.Tinatamad namang lumingon sa gawi niya ang prinsipeng nakaupo sa bubong ng kanyang palasyo. Tiningnan ang kawal na tila sinasabi na basahin ang anumang nakasulat sa libro.
Nagsimula ng magbasa ang kawal hanggang sa mapunta sa tahanan ng angkan ng mga Shin at Jin.
"Jissa Shin, Jira Shin, Meinar Shin, Flowe Jin, Nora Jin. Don lang po." Basa ni Rikz.
"Balita ko may anim na mga dalaga sa tahanan ng mga Shin at isa sa mga ito ang bagong asawa ng panganay na prinsipe at apat pa sa mga anak na babae ni Ministro Shin ang hindi pa naikakasal bakit hindi nakalagay ang isa?" Tanong ng cold na prinsipe habang hinimas ang hawakan ng kanyang pinakamamahal na espada.
"Iyon po bang napabalitang nagpakamatay nang malamang ikakasal na ang unang prinsipe?" Tanong ni Rikz. Makitang tumalim ang tingin ng kausap mabilis niyang itinikom ang bibig.
Ang pangalawang anak ni ministro Shin na si Shinea Shin ay naging fiance ng ikatlong prinsipe ngunit nagpakamatay ito pagkatapos malamang ikakasal ang panganay na prinsipe. Kaya naman nasira ang reputasyon ng ikatlong prinsipe dahil sa nangyari at muling nagsagawa ng panibagong pagpipili sa magiging asawa ng ikatlong prinsipe.
"Di nila isinali sa listahan ng pagpipilian dahil sa ginawa niyang pagpapakamatay?" Tanong ni prinsipe Lianfei at humaba ang isang sulok ng labi. Kinilabutan naman agad si Rikz makita ang ngiti ng kanyang amo.
Ngingiti lang kasi ito kapag may naisip na kalokohan o kasamaan.
"Nasira ang pangalan niyo kamahalan at ang reputasyon ng pamilyang Shin dahil sa kanya, kaya hindi na po siya kasali sa magiging asawa niyo kamahalan." Sagot ni Rikz.
"Sa palagay mo, ano kayang mararamdaman ng unang prinsipe kung ang babaeng mahal niya ang papakasalan ko?"
Muntik ng matumba si Rikz dahil sa panghihina ng tuhod sa narinig. Kung papakasalan ng ikatlong prinsipe ang Shinea Shin na iyon, ano na lamang ang sasabihin ng mga sumusuporta sa kanya? Ano na lang ba ang mukhang ihaharap ng ikatlong prinsipe sa mga nasasakupan nito? Kaya lang maisip na makapal nga pala ang mukha ng ikatlong prinsipe na ito, siguradong ikakatuwa pa nitong may susuka ng dugo sa tindi ng galit sa magiging desisyon niya.
"Kamahalan, gusto niyo bang masira na ng tuluyan ang kinabukasan niyo dahil sa babaeng 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rikz. Naisip niyang nahihibang na ang prinsipe nila.
Isang babaeng nagpakamatay dahil sa kuya niya tapos papakasalan niya? Siguradong pagtatawanan siya ng buong emperyo.
"Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Mas may pakialam ako sa magiging reaksyon ni kuya." Sagot ni prinsipe Lianfei. Ang ikatlong prensipe sa kaharian ng Alkaid.
"Ihanda mo ang karwahe at aalis tayo." Sabi ni prinsipe Lianfei na agad namang sinunod ni Rikz.
***
Abala ngayon ang mga tao sa Shin Manor dahil may darating na bisita. Abala naman sa pagpapaganda ang mga half-sisters ni Shinea. Si Mira naman abala sa paghahanap ng paraan kung paano makakalabas mula sa Shin Manor.
"Binibini. Mahuhulog ka diyan." Nanginginig na ang mga tuhod ni Hana habang nakatingala kay Mira na nasa itaas ng peach tree. Nakaapak sa isang sanga habang inaabot ng isang kamay ang bakod na malapit sa puno. Gawa sa itim na mga bato ang bakod na ito at may dalawampu't-limang metro ang taas.
"Ssh! Maririnig tayo." Sabi niya habang nakalagay ang isang daliri sa kanyang bibig. Agad namang itinikom ni Hana ang bibig habang palinga-linga sa buong paligid. Mapaparusahan kasi sila kapag nahuli si 'Shinea' na tumatakas na naman.
BINABASA MO ANG
Who are you, Mira?
FantasiWalang ibang pinangarap si Mira kundi ang makasama ang kanyang mapagmahal na pamilya. May simpleng buhay at walang inaalala ngunit isang araw may mga bisitang hindi niya kilala at sapilitan siyang binalak kunin. Dahil dito itinago siya ng ina sa isa...