Tuwang-tuwa si Mira dahil magkahiwalay na sila ng kwarto ni Lianfei. Nagagawa na niya lahat ng gusto niya sa kwarto.
Tiningnan niya ang nakasulat sa mga libro. Ibang-iba ang panulat ng mga naninirahan sa lugar na ito ngunit nababasa at naiintindihan naman niya.
"Ang unfair. Bakit ang mga lalake maaaring makapag-asawa ng marami pero bakit ang babae bawal na ngang maghanap ng ibang asawa, bawal pang makipag-divorce?"
Napatalon si Hana sa bigla dahil hinampas ni Mira ang libro sa mesa na lumikha ng malakas na tunog.
"Mira, kalma lang. Kumalma kayo." Minasahe agad ang ulo ni Mira na ngayon ay nakatikom ng madiin ang mga labi at nakapatong ang dalawang palad sa mesa.
Ilang ulit na humugot ng malalim na hininga.
"Mira, bakit di nalang kayo mag-enjoy sa halip na pasakitin ang inyong ulo dahil sa prinsipe?" Suhestiyon ni Hana.
"Oo nga no." Sambit niya at lumawak ang ngiti. Naalala niya ang mga kinakalawang ng mga bakal na binili niya sa Ruby Sect.
***
Kaharap na ngayon ni Mira ang labing tatlong items na binili lang niya ng isa hanggang tatlong pearl coins.
"Paano kaya ito magiging weapon?" Sambit niya.
"Mira, bakit di niyo nalang ipagawa sa panday ng Alkaid?" Tanong ni Hana.
Umiling si Mira. "Kapag may mga kapangyarihan nga ang mga ito, baka katulad sa mga napapanood ko sa pelikula na pinapatakan nila ng dugo." Biglang nagliwanag ang kanyang mga mata sa naalala. "Hana, kuha ka ng karayom."
Agad namang kumuha ng karayom si Hana at binigay sa kanya.
Napangiwi siya dahil takot nga siya sa injection ng doctor kaya ito pa bang karayom na hindi na sterilize?
"Pero nasa fantasy world naman ako e. Ano pa bang ikinakatakot ko?" Sambit niya at kinuha ang karayom. Ilang ulit na napalunok ng laway habang nakatitig dito.
"Kunti lang naman. Kaya mo 'to Mira. Kaya mo 'to." Kumbensi niya sa sarili. Ngunit kapag nararamdaman na ng daliri ang lamig sa dulo ng karayom hindi niya itinutuloy ang binabalak.
"Hana, di ko kaya. Takot ako sa karayom." Sambit niya at napakagat ng labi.
Bigla na lamang may nagbukas ng pinto na ikinagulat ni Mira at ikinatusok ng kanyang daliri. Pumatak ang dugo sa kinakalawang na sinturon na nabili niya ng dalawa't kalahating pearl coins.
"Mira, ayos ka lang ba?" Nag-alalang tawag ni Hana.
Makitang dumudugo na ang isang daliri niya, pinatakan na rin ni Mira ang iba pang mga bagay na nasa mesa. Disappointed siya dahil wala ang inaasahan niyang liwanag. Wala ring reaksyon ang mga bagay sa ibabaw ng mesa.
"Kung di kayo gumanda itatapon ko na talaga kayo." Banta niya bago hinarap ang sinumang bigla-bigla na lamang nagbubukas ng pintuan.
Napatda siya sa kinatatayuan makita sina Armeya at isang ginang na may korona sa ulo. Ang dami ring mga palamuting nakasabit sa buhok.
Mabilis namang nagbigay pugay si Hana. Inilagay ang kaliwang palad sa dibdib, hinawakan ng isang kamay ang gilid ng bestida at yumuko ng bahagya.
Napatingin si Mira sa mga kawal sa labas ng silid na nakayuko rin. Ibig sabihin, big time ang ginang na ito.
Napataas ang kilay ng ginang makitang hindi man lang yumuko si Mira o bumati man lang.
Nakita niyang may dugo parin sa dulo ng daliri ni Mira.
BINABASA MO ANG
Who are you, Mira?
FantasyWalang ibang pinangarap si Mira kundi ang makasama ang kanyang mapagmahal na pamilya. May simpleng buhay at walang inaalala ngunit isang araw may mga bisitang hindi niya kilala at sapilitan siyang binalak kunin. Dahil dito itinago siya ng ina sa isa...