Mira 18: Kasalan

2.4K 192 22
                                    

Napabuntong-hininga na lamang si Lianfei. Ito na ang araw ng kanilang kasal ng babaeng hindi naman niya gusto. Kailangan niyang magpakasal dahil natitiyak niyang hindi siya titigilan ng ama hangga't hindi siya magpapakasal.

"Kamahalan, oras na para sunduin ang inyong konsorte." Sabi ni Rikz.

Kailangan kasi ng lalaking ikakasal na sunduin ang kanyang mapapangasawa sa tahanan nito sakay sa puting pegasus.

Si Mira naman nakatulog habang inaayusan siya ng mga alipin.

"Binibini. Gumising ka na. Oras na para magbihis ng baro pangkasal mo." Sabi ni Hana na marahang niyuyugyog ang amo.

"Ikakasal ba ako o pupunta tayo sa lamay?" Tanong niya makita ang mahabang puting bestida.

"Binibini, ito po ang pangalawang bestida na susuotin niyo."

"Pangalawa? Ibig sabihin may una, pangatlo at pang-apat?" Namimilog ang mga matang sambit ni Mira.

Parang gusto na niyang umiyak makita ang kulay pulang costume na ipapasuot sa kanya. Marami itong mga palamuti at nagsusumigaw sa karangyaan ang disenyo nito.

"Gusto mo bang mamamatay ako sa init?"

Kaya lang wala na siyang magawa nang ipasuot na sa kanya ang 3 layers na costume. At tatlong kilong maliit na korona at mga palamuting nilagay sa naka-bun niyang buhok. Pakiramdam niya malalaglag na ang kanyang ulo sa bigat ng mga palamuting pinasuot sa kanya.

Pasalamat nalang talaga siya dahil hindi mataas ang takong ng kanyang sapatos na suot.

"Ang ganda-ganda niyo talaga Binibini. Nag-iibang Imjo pala kayo kapag naayusan." Sambit ni Hana.

"Ano yung Imjo?" Nakakunot ang noong sambit ni Mira.

"Imjo? Tayo. Mga Imjo."

"Tawag siguro iyan sa isang angkan?" Sambit ni Mira sa kanyang isip.

"Dumating na daw po ang magiging asawa niyo." Pagbabalita ng isang alipin.

Agad namang inalalayan ni Hana si Mira palabas.

"Ambigat naman!"

Panay reklamo naman ni Mira habang papalabas ng kanyang silid.

"Yung gown ko, parang limang kilo na."

"Maaapakan ko ang laylayan ng damit ko."

"Ako ba to. Ang init-init."

"Yung buhok ko parang matatanggal na sa aking anit."

"Huminahon ka kasi Binibini, saka dahan-dahan lang sa paglalakad." Sabi ni Hana.

"Yung likod niyo, ituwid niyo po." Tinapik ang likuran ni Mira na ikinatuwid naman nito ng tayo.

Nagtungo na sila ng bulwagan at nakita ang isang magarang karwahe na napapalamutian ng iba't-ibang mamahaling mga bato ng mundong ito.

"Woah, ang ganda ng karwahe. Parang napapanood ko sa mga disney movies." Mangha niyang sambit.

Hindi pinansin ang nakatulalang mga kawal at ang nakanganga na mga kasama ng groom na sumundo sa kanya ngayon.

"Nandito na ang konsorte." Pag-aanunsyo ng isang eunuch. "Mahal na konsorte, dito po kayo dumaan." Pero nilagpasan siya dahil tinakbo agad ni Mira ang napakagandang puting pegasus kung saan nakasakay ang prinsipeng mapapangasawa niya.

Napangiti naman si Prince Lianfei maisip na labis na humanga sa kanya ang kanyang mapapangasawa dahil tumakbo pa ang future prince consort niya palapit nang makita ang kanyang kagwapuhan.

Who are you, Mira?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon