Madilim na ang gabi. Mahimbing na rin ang tulog ng ilang mga alipin at abala naman sa pagpapatrol ang nga kawal ngunit wala man lang nakapansin sa mga anino na pumuslit sa palasyo ng ikatlong prinsipe.Dahan-dahang naglakad ang mga anino palapit sa maliit na gate at pinausukan ang apat na mga gwardiya na naroroon. Ilang sandali pa'y natumba ang mga guwardiya.
May mga nagpapatrol namang mga guwardiya ang umakyat sa bintana ng palasyo kung nasaan si Mira. Maraming kwarto ang palasyong ito, kahit ito ang pinakamaliit na palasyo sa lahat ng mga ipinatayong tahanan para sa ikatlong prinsipe.
Hinalughog naman ng mga guwardiya ang bawat silid na tila ba may hinahanap. Habang abala naman ang mga nakaitim sa paghahanap kung saan natutulog si Mira. Hanggang sa matunton na rin nila kung saan natutulog si Mira.
Dahan-dahan silang naglakad palapit sa kinahihigaan ng babae, at mukhang nagising ito dahil sa discomfort na nararamdaman. Ngunit namilog ang mga mata makita ang itim na mga pigura na naglalakad palapit sa kanya.
"Sino kayo? Anong kailangan niyo?" Tanong niya sa nanginginig na boses.
"Ang iyong buhay." Sagot ng isang boses lalake na may nakakakilabot na tono. Itinaas ang espada at tumakbo palapit kay Mira.
"Sandali lang." Naka stop sign niyang sambit. Napatigil naman ang assassin na nakataas parin ang hawak na espada.
"Maaari bang magsuklay muna ako? Ayaw kong mamamatay na panget. Saka pwede bang yung diretso lang. Natatakot kasi ako sa sakit e. Patayin niyo lang ako pero yung mabilis na mabilis. Maaari ba yun?"
Nagkatinginan ang apat na assassin makitang nagsuklay na si Mira. Naglagay na rin ng kaunting foundation sa mukha saka nilagyan ng lipstick ang bibig saka muling umayos ng higa.
"Sige na. Patayin niyo na ako. Leeg nalang ang sugatan niyo saka request na din na sana talian niyong muli para di gaanong madugo. Abuloy niyo nalang yun sa akin ha ba?" Tumingala siya para mas kitang-kita na ang kanyang maputing leeg.
Napakamot na lamang ng ulo ang isang assassin dahil sa halip na matakot ang papatayin nila mukhang excited pa ito.
"Ang saya-saya nito. Makakabalik na ako sa amin." Sambit pa ni Mira na nakapikit na ang mga mata. Mula sa ilalim ng kumot, kinukurot na siya ni Hana. Dito kasi siya pinatulog ni Mira na hindi niya alam kung bakit. Tapos ngayong may mga assassin ang bigla na lang pumasok sa kanilang kinaroroonan, hahayaan pala nito ang sarili na mamatay?
***
Binabantayan naman nina Lianfei ang buong paligid. Ngunit nasa main courtyard sila ng Y Palaces. May apat na maliliit na palasyo sa compound na ito na nahahati sa apat na direksyon .
Una ay ang palasyo para sa mga bisita na mula sa angkan ng hari ng Alkaid, nasa kanlurang bahagi ito ng compound, kasunod nito ay ang palasyo kung nasaan ang prinsipe ng Seyue na nasa west side at ang main palace na ito na nasa east part. At ang panghuli ay ang palasyo kung nasaan si Mira na nasa north part na medyo may kalayuan sa tatlong mga palasyo.
Napapaligiran ng matayog na bakod na gawa sa puting bato ang buong paligid ng compound. Maliliit na bakod naman ang naghahati sa apat na palasyo at may maliliit na bilog na gate ang daanan ng mga ito.
"Kamahalan, bakit wala parin akong napansing kakaiba?" Tanong ni Rikz. Nakakubli sila sa itaas ng bubong ng main palace. Kitang-kita kasi mula sa itaas ang buong paligid ng tahanan ng prinsipe.
Naghintay pa sila ng ilang oras ngunit wala paring nangyari. Walang assassin na pumasok at walang kaguluhang nangyayari sa palasyo kung saan naroroon ang prinsipe ng Seyue Empire.
BINABASA MO ANG
Who are you, Mira?
FantasyWalang ibang pinangarap si Mira kundi ang makasama ang kanyang mapagmahal na pamilya. May simpleng buhay at walang inaalala ngunit isang araw may mga bisitang hindi niya kilala at sapilitan siyang binalak kunin. Dahil dito itinago siya ng ina sa isa...