Mira 54: Disturbo

3.3K 201 155
                                    

Kasalukuyang nakaupo sa kama si Mira habang nakatingala sa mukha ni Lianfei na nakatayo sa tapat niya.

Habang nakatingin sa mukha ng asawa, biglang naalala ni Lianfei ang turo sa nabasa niyang libro patungkol sa mga mag-asawa.

Dahan-dahang ibinaba ang mukha palapit sa mukha ni Mira. Agad namang inilayo ng babae ang mukha.

Mira: ???

Naramdaman niyang nakahawak sa isa niyang kamay ang kamay ni Lianfei.

"Hey. Ano-ng g-ginagawa mo?" Nauutal niyang tanong. Binawi ang kamay at tinulak ang papalapit na mukha ng prinsipe.

"Ilayo mo nga iyang pagmumukha mo. Kulang nalang halikan mo ako e." Angil niya.

Nag-smirked si Lianfei at mas lalo pang inilapit ang mukha sa asawa.

"Asawa na kita. Mali bang halikan ko ang aking asawa ha?"

Napasinghap si Mira at napatakip agad ng bibig. Napapaatras siya nang ipaikot ni Lianfei ang kanyang braso sa kanyang baywang.

"Hindi pa natin nagagawa ang gawain ng isang tunay na mag-asawa." Bulong nito kay Mira.

Sa sobrang lapit ng mukha nito, naramdaman ni Mira ang mainit na hiningang tumama sa kanyang tainga na nagdulot ng kakaibang sensasyon sa kanyang katawan. Lalong kumabog ang kanina pang kumakabog na puso at halos malagutan na siya ng hininga sa kakapigil nito.

Naaalala niya ang mga napapanood nga mga telenobelang may mga matured scene. Napatingin siya sa mukha ng prinsipe, pababa sa labi nito. Tila nanuyo ang kanyang lalamunan at napalunok ng laway. Lalo na makita ang pagtaas baba ng lalamunan ng prinsipe habang nakatingin din sa kanyang mga labi.

Nakatitig si Lianfei sa bahagyang nakaawang na labi ng asawa. Tila inaakit siyang angkinin ito.

"Sige lang Lianfei, asawa mo naman iyan e." Ito ang tumatakbo sa kanyang isip. Ilang sandali pa'y sinakop na ang nanunuksong mga labi.

Napasinghap si Mira maramdamang magkalapat na ang labi nilang dalawa. Ramdam niya ang mabilis na kabog ng dibdib ni Lianfei at hindi rin niya mawari kung kaninong tibok ng puso ang naririnig niya dahil pareho naman silang may malalakas at mabibilis na tibok ng puso.

Hindi kagaya dati na wala siyang nararamdamang kung anong sensasyon. She felt it. She loves it. Isang mahinang ungol ang kumawala sa kanyang mga labi.

Makalipas ang ilang sandali, bahagyang inilayo ni Lianfei ang mukha dahil pareho na silang halos mauubusan ng hininga. Ngunit sandali lang iyon. Hindi pa man gaanong nakapag-isip ng kung ano si Mira nang muli na namang sakupin ni  Lianfei ang kanyang mga labi.

Napaungol muli si Mira ang kagatin ni Lianfei ang kanyang ibabang labi. Naramdaman niya ang malambot na kama sa kanyang likuran at ang bigat ng katawan ni Lianfei. Ngayon lang niya napansin na nakahiga na pala siya at nasa ibabaw niya ang prinsipe.

Napayakap siya sa leeg ng prinsipe habang nakahawak naman ang isang kamay ng prinsipe sa likod ng kanyang ulo.

Napatigil siya nang maramdamang bumaba ang kamay ni Lianfei sa kanyang dibdib kasunod nito ang malakas na kalabog at ungol.

Tumama ang likuran ni Lianfei sa pintuan matapos itulak ni Mira.

Napayakap si Mira sa sarili at nang-aakusang tiningnan ang tumilapong prinsipe.

"Mira, gumising ka. Hindi ka dapat nagpapadala. Si Shinea ang gusto niya hindi ang tulad mo." Napasulyap siya kay Lianfei na nakasandal na ngayon sa pintuan at nakaupo. Namumula ang mga matang nakatingin sa kanya.

Huminga ng ilang ulit si Lianfei, pilit na ipinakalma ang sarili. Hinipan ang naligaw na buhok sa noo sabay hawak sa labi.

Naiinis siya. Nagagalit siya. Naikuyom niya ang kamao at binagsak ito sa pintuan na naghatid ng malakas na tunog sa labas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who are you, Mira?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon