Mira's p.o.v
Ang sarap ng aking pakiramdam. Samahan pa ng mabangong kayakap ko. Parang ayaw ko na tuloy idilat ang aking mga mata.
Dahan-dahan akong umupo na nakapikit parin, saka humikab bago idinilat ang aking mga mata.
May nakikita akong kulay pulang mga kurtina na nakapatabing sa kamang kinauupuan ko. Bigla kong naibaba ang tingin sa aking katawan at napansing nakaputing bestida na ako. Manipis at makintab. Parang night gown lang.
Teka lang, di ba, nakatulog ako sa may duyan kanina? Ginalaw ko ang aking kamay at natigilan dahil may nakapa ako.
Matigas na malambot. Ibinaba ko ang aking paningin at nakitang nakahawak ako sa isang hita ng kung sino.
"Hindi ko alam na nanghihimas ka pala kahit kakagising mo lang?"
Sinundan ng aking paningin ang pinagmulan ng boses. Mula sa hitang nakapa ko paakyat sa tiyan, dibdib at mukha. Sumalubong sa aking paningin ang nakangiting labi ni Lianfei.
Para akong napaso at biglang napaatras. Kasunod nito ang kalabog ng aking pagkahulog sa kama na ikinaungol ko at ikinatawa naman ng lalaking nakatabi ko sa pagtulog.
Tumayo ako at hinimas ang aking pang-upo. Hinawi ang pulang kurtina na tatama sa aking mukha saka tiningnan si Lianfei na nakaupo na sa kama. Inayos ang nagulong buhok at ayan na naman ang ngiti niyang nakakairita. Oo nakakairita. Para kasing minamaliit niya ako.
"Bakit magkatabi tayo? Saka bakit nandito na ako?" Tanong ko sa kanya.
"Ito ang bagong silid natin, aking asawa."
Nananayo bigla ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Hindi ko talaga maiwasang mangilabot kapag sinasabi niyang asawa niya ako.
"Ew, wag mo ngang mabanggit-banggit ang salitang asawang yan. Kinikilabutan ako." Nag-anyo pa akong nasusuka. Siya naman ngumise.
"Nahihiya pa ba sa akin ang asawa ko." Sambit niya na mas lumawak ang ngiti. In fairness, ang puti ng ngipin niya.
Tinakpan ko ang aking tainga para di na marinig ang sinasabi niya. Napangiwi ako maramdaman ang sakit ng aking tiyan. Nagugutom na ako. Nasaan na ba si Hana?
"Alam mo bang hindi natin nagawa ang first night natin kasi nauna kang natulog. Ano kaya kung gagawin na natin ngayon?" Naglakad siya palapit sa akin.
Namilog ang aking mga mata at agad na umatras. Naapakan ko ang kurtina at natanggal ito. Na-out balance ako at muling bumagsak sa lupa. Bumalot pa sa akin ang kurtina.
"Pfft! Hahaha. Alam mo, ang tanga-tanga mo."
Rinig kong sabi niya. Inalis ko ang kurtina sa aking katawan at tiningnan siya.
"Kasalanan mo 'to. Saka anong tanga? May pagkalampa lang ako kunti pero hindi ako tanga no." Sagot ko at muling tumayo.
Umupo ako malapit sa gilid ng kama at isinandal ang likuran sa gilid nito. Tiningnan si Lianfei saka ang buong kwarto.
May asawa na ba talaga ako? Kung panaginip parin ito, bakit hindi parin ako nagigising? Kung hindi naman panaginip, bakit nagiging Shinea ako? Imposible namang ako si Shinea dahil mukha ko parin naman ito a. Saka alaala ko parin naman ang dala ko at hindi ang alaala ni Shinea so, ako parin 'to.
Kaya lang, bakit napadpad ako sa lugar na ito? At saka, nagkaasawa pa ng prinsipe. Para na sanang Cinderella story kaso si Shinea ang nararapat na naikakasal sa prinsipeng ito. Paano na lang kung malaman niyang impostur ako? Ipapabitay kaya nila ako? Nakakatakot naman. Pero paano kung ang kamatayan ko ang paraan para makabalik sa tunay kong mundo o para magising ako sakali mang panaginip lamang ito?
BINABASA MO ANG
Who are you, Mira?
FantasiaWalang ibang pinangarap si Mira kundi ang makasama ang kanyang mapagmahal na pamilya. May simpleng buhay at walang inaalala ngunit isang araw may mga bisitang hindi niya kilala at sapilitan siyang binalak kunin. Dahil dito itinago siya ng ina sa isa...