Hinihingal na napasandal sa sanga ang lalaking nakamaskara ng itim nang biglang magsalubong ang paningin nila ni Mira na nakahiga ngayon sa malaking sanga paharap sa kinaroroonan niya.
"Hi?" Alanganing bati ni Mira sa lalaking nanlalaki ang mga mata sa gulat at muntik pang madulas sa inaapakang sanga.
Hindi ito gumalaw marinig ang paparating na mga yabag. Kapansin-pansin ang pag-akyat baba ng dibdib ng lalake at maririnig ang mahinang pagmumura nito makitang nasa ibaba ng kinaroroonan nila ni Mira ang mahigit sampong mga nakamaskarang nilalang.
"Hanapin sila. Tiyak na hindi pa sila nakakalayo." Boses lalake mula sa ibaba.
Nagpalinga-linga ang mga nakamaskara bago tumakbo sa magkaibang direksyon.
Napahinga naman ng maluwag ang lalaking kasama ni Mira.
"Kailangan ko ba siyang patayin?" Tanong ng lalake sa kanyang isip. May kumitaw na dagger mula sa isang palad nito at biglang binato kay Mira.
Bago pa man maibato, may paang tumama sa kanyang binti na ikinalaglag niya sa lupa.
Hinipan ni Mira ang isang paa at pinagpagan bago bumaba. Nakaawang naman ang bibig ni Lexus habang nakatingin kay Mira.
"Ang bilis pala niya. Ayun sa mga sabi-sabi na kumakalat sa buong Alkaid, walang alam sa martial arts si Lady Shinea. Pero bakit hindi naman yata totoo?" Sambit niya at bumaba na rin.
"Master, ayos ka lang ba?" Tinulungan ng isa pang nakamasakara ang lalaking nalaglag mula sa puno kanina.
Nakangiwing tumayo ang lalaki habang hawak ang tagiliran. Binalingan sina Mira at Lexus at binigyan ng matalim na tingin.
Inihanda ng kasama nito ang espada at itinutok kina Mira ngunit sumuka ito ng dugo at napaluhod.
"Mukhang may lason ang palasong tumama sa'yo kanina." Sabi ni Tyre, ang lalaking sinipa kanina ni Mira.
"Patawad po master kung hindi ko kayo naprotektahan." Sabi nito bago bumagsak sa lupa ang katawan.
"Phim!" Tawag ni Tyre na hindi na alam kung ano ang gagawin.
Tiningnan niya sina Mira at Lexus na papalayo na sa gawi nila.
"Sandali! Tulungan niyo kami."
Lumingon naman si Lexus at nagtagpo ang kilay sa narinig.
"Pasalamat ka nga at pinigilan ako ng Master ko na patayin ka tapos ngayon manghihingi ka ng tulong sa amin? Balak niyo nga kaming patayin kanina tapos manghihingi ka ng tulong." Sagot ni Lexus sabay tingin kay Mira. "Master, tayo na. Baka mamaya pag tinulungan natin ang mga 'yan, papatayin lang tayo pagkatapos."
Nandidilim na rin ang paningin ni Tyre dahil sa lasong nakuha niya mula sa isang halimaw na nakasagupa nila kanina. Kung hindi siya makakaalis sa lugar na ito, tiyak na makikita siya ng mga assassin na humahabol sa kanila kanina.
"Pakiusap. Tulungan niyo kami, handa akong magbayad kahit magkano." Sambit niya habang nakakuyom ng mariin ang dalawang kamao. Hindi siya nakikiusap sa kahit kanino lalo na sa mga nilalang na hindi niya alam kung kalaban ba o kakampi ngunit wala na siyang ibang paraan kundi sumugal at lunukin ang mataas niyang pride mula sa pagiging isang maharlika.
"Hindi namin kailangan ng pera." Sagot ni Mira kahit nagniningning na ang mga mata marinig na bibigyan siya ng pera.
Lumalabo na ang paningin ni Tyre at parang anumang oras ay babagsak na siyang muli.
May kinuha siyang isang maliit na supot na gawa sa kakaibang seda at ipinasok ang isang kamay sa loob nito.
"Ibibigay ko sa inyo ang mapang ito kapalit ng pagtulong niyo sa amin."
BINABASA MO ANG
Who are you, Mira?
FantasiWalang ibang pinangarap si Mira kundi ang makasama ang kanyang mapagmahal na pamilya. May simpleng buhay at walang inaalala ngunit isang araw may mga bisitang hindi niya kilala at sapilitan siyang binalak kunin. Dahil dito itinago siya ng ina sa isa...