Mira 43: Emperador at Emperatris

1.5K 119 7
                                    

Sabay na nagtungo sina Mira at Lianfei sa palasyo ng hari.

"Nandito na tayo kamahalan." Sabi ni Rikz mula sa labas kaya bumaba na ang mag-asawa.

Napangiwi si Mira makita ang mga kandidato para maging concubine ni Lianfei na nagsibabaan rin sa mga karwahe nila. Hindi niya inaasahan na ang mga karwaheng nakasunod sa sinasakyan nilang karwahe ay sasakyan pala ng apat na magiging concubine ng prinsipe.

"Sinalubong pa kita ng yakap at halik tapos magdadala ka pala ng mga asawa. Ang unfair. Dapat ako rin." Ngingiti na sana si Lianfei maisip na nagseselos ang asawa ngunit napawi ang ngiti nito sa huling sinabi.

"Kapag malaman kong may ibang lalaki ka bukod sa akin, yari siya sa akin." Banta nito at nauna ng umalis.

Napanguso si Mira nang iwan siya ni Lianfei.

"Lianfei. Nandito ka na pala. Gusto kang makausap ni Auntie." Salubong kanyang pinsan na si Lianmei kay Lianfei at humawak sa braso nito. Sinulyapan pa si Mira at nag-smirked. Bago hilahin si Lianfei palayo.

Sa loob naman ng party venue nagbubulungan ang mga Diyuman.

"Narinig niyo ba? Iniwan ni Lianfei ang kanyang asawa sa tapat ng palasyo."

"Narinig kong si Prince Lianfei raw ang escort ni Lady Armeya."

"Kundi dahil kay Lady Shinea tiyak na si Lady Armeya ang magiging asawa ng ikatlong prinsipe. Magkababata sila e at matagal ng magkakaibigan. Bagay naman sila."

"Mas mahalaga pa rin talaga si Lady Armeya kaysa sa asawa na si Lady Shinea kay prinsipe Lianfei."

Napangiti si Jiara sa narinig. Naikuyom naman ni Ministro Shin ng kamao. Kapag mapapahiya ang sinuman sa mga anak niya, maapektuhan rin ang kanyang buong angkan.

"Mira." Tawag nu Crishin at tumakbo palapit kay Mira. Nakasunod naman sa likuran niya si Peyan.

"Nandito ka rin pala Crishin. Tumangkad ka a." Sabay tapik sa tuktok ng ulo ng bata.

"Malapit na kitang maabutan." Nakangiting sagot ni Crishin.

"Wala rin akong kasama kaya sasabay na ako sayo sa pagpasok." Masiglang sabi nito. Kaya lang may humila sa likuran niya at tinulak palapit kay Peyan.

"Pasensya na, may escort na ang asawa ko." Sabay ngiti kay Crishin. Ngiting may pagbabanta.

"Problema ba iyon? E di ako nalang ang chaperon niyo." Sagot ni Crishin.

"Sa amin ka nalang sumama okay?" Sabi ng bagong dating na si Lufei, inakbayan si Crishin at dinala na palayo.

"Alam mo bang kailangan ng mag-asawa ng privacy? Hindi tayo pwedeng manggulo okay?" Sabi ni Lufei.

"E siya ang unang nang-iwan kay Mira a."

"Anong Mira? Sinong Mira?" Tanong ni Firro na naglakad palapit sa kanila.

"Si Lady Shinea. Mira ang tawag namin sa kanya dahil siya ang pinakamagandang babae sa buong Yumania." Taas noong sabi ni Crishin.

"Nasabi mo lang iyan dahil hindi mo pa nakikita ang prinsesa ng Nythrion." Sagot naman ni Juxi.

"Mira. Mira pala ha." Bulong naman ni Firro.

"Anong pakialam ko sa prinsesa ng Nythrion. Basta si Lady Shinea ang Mira sa mga mata ko." Sagot ni Crishin.

"Mira sa mga mata mo?" Nakakunot ang noong tanong ni Lufei.

"Mira, tawag sa magandang prinsesa. Hindi niyo pala alam iyon?"

"May ganoon palang kahulugan ng Mira?" Sabay sulyap ni Firro kina Mira at Lianfei.

"Kung gano'n kapag prinsipe, Miro? Ibig ba nitong sabihin na Miro ako? Gwapong prinsipe." Sabi pa ni Firro at napangiti.

Who are you, Mira?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon