Lumabas naman si Mira at binigyan ng matalim na tingin ang mga guwardiyang tagapagbantay ni Shinea."Magsilayas kayo sa tahanang ito ngayon din. Hindi kayo kailangan ni Shinea. Ano pang saysay ng pananatili niyo at kunwaring pagbabantay niyo kung hahayaan niyo lang na masaktan at mapahamak ang binabantayan niyo? Guwardiya nga ba kayo? Magsilayas kayo at magtrabaho sa kung sino ang sinusunod niyo. Mga wala kayong silbi." Ang lahat ng mga babasaging mga bagay na makikita binabato niya sa mga guwardiya. Mabuti na lamang at nakakaiwas sila.
"Shinea, huminahon ka." Sabi agad ng paparating na si Riku ngunit isang malaking plorera ang lumipad patungo sa gawi niya. Agad siyang umiwas at bumagsak ang plorera sa sahig at nabasag.
Napatigil si Mira dahil wala na siyang makitang mababasag.
"Sabihin niyo nga, may kinalaman ba kayo sa pagkadisgrasya ni Shi- sa pagkadisgrasya ko? Kundi pa, bakit napahamak ako gayong ang dami-dami niyo?" Natigilan sila sa tanong ni Mira.
"Kayo po ang nagpakamatay Binibini. Hindi niyo na ba naalala?" Tanong ni Riku sa nag-aalalang boses.
"Kumalma ka muna, masusugatan ka niyan." Akma itong lalapit nang tingnan niya ng sobrang talim ni Mira. Wala sa loob na napahinto siya sa paglapit. Ibang-iba ang mga taong ngin at awra ng babaeng kaharap. Hindi nankatulad sa Shinea'ng kilala nila na iiyak lamang sa sulok.
"Nakikita niyo ng masama ang pakay sa akin ng babaeng iyon pero pinapapasok niyo? Sino ba talaga ang binabantayan niyo? O binabantayan niyo ako para ipahamak?" Sunod-sunod na pang-aakusa ni Mira.
Naikuyom ng mga kawal ang mga kamao. Ilan sa kanila ay pinagpawisan sa narinig. Dito napansin ni Mira na posibleng may kinalaman nga ang mga kawal na ito sa nangyari kay Shinea at kundi dahil sa nangyari kay Shinea, hindi sana siya mapupunta sa lugar na ito. Hindi sana siya mapipilitang magpakasal sa prinsipe.
"Binibini, huminahon ka." Nag-aalalang sambit ni Riku. Namilog ang kanyang mga mata makitang naapakan ni Mira ang basag na bote sa sahig.
Kung may makikitang sugat sa katawan ng Binibini tiyak na mananagot sila sa prinsipe. Ang di nila inaakala na sasabog si Mira sa galit at ito rin ang unang pagkakataon na nagwala ang dalaga.
"Binibini." Sigaw ni Hana makita ang dugo sa inaapakan ni Mira. Tumakbo siya palapit sa dalaga.
"Umalis kayo ngayon din kung ayaw niyong mas lalo akong sasabog sa galit."
Napabuntong-hininga naman si Riku at pinaalis na muna ang mga guwardiya bago siya umalis para tumawag ng doktor.
Sinigurado muna ni Mira na walang ni isang guwardiya ang naiwan bago isinara ang maliit na pintuan ng gate ng tahanan niya.
"Binibini, yung sugat mo." Naiiyak na sambit ni Hana.
"Wala na sila." Napahinga siya ng maluwag at napangiti.
"Ang galing kong umarte." Nakangiti niyang sambit ngunit napangiwi dahil sa sakit ng mga paa.
"Arte pa ba yan e nasasaktan na kayo. Bakit kailangan niyo pang saktan ang sarili niyo kung umaarte lang kayo?" Tanong pa ni Hana.
"Dahil kailangan. Para feel na feel ko ang sakit." Napatingin siya sa dugo na nagmumula sa kanyang mga paa. Naninilim agad ang kanyang paningin.
"Langya naman to o. Nakalimutan kong takot pala ako sa dugo. Aah!" Sambit niya at nagngawa na. "Aah, dugo. Dugo. Hana may dugo." Niyakap niya si Hana habang nakapikit. Iniiwasang mapatingin sa dugong nasa sahig.
Mabuti nalang talaga at di niya ibinaba ang tingin kanina kaya agad nawala ang tapang-tapangan version niya.
Bumukas ang gate at pumasok si Ministro Shin kasama sina Madama Suli at Lady Shana.
BINABASA MO ANG
Who are you, Mira?
FantasyWalang ibang pinangarap si Mira kundi ang makasama ang kanyang mapagmahal na pamilya. May simpleng buhay at walang inaalala ngunit isang araw may mga bisitang hindi niya kilala at sapilitan siyang binalak kunin. Dahil dito itinago siya ng ina sa isa...