Mira's p.o.vAno bang meron? Umupo ako sa kulay silver na upuang katabi ni Jissa.
"Tingnan mo nga naman. Meron talagang Yumania na hindi marunong mahiya at may lakas ng loob pang pumunta sa pagtitipon na ito." Pamparinig na naman ng malditang to. Di nalang sabihin ng direktahan sa akin idadaan pa talaga sa parinig.
"Nagpakamatay na nga dahil nagpakasal sa iba ang minamahal niya tapos iba na naman ang balak landiin." Dagdag niya pa.
"Bayaan mo na 'yan. Ganyan talaga ang mga tulad niyang may makakapal ang mukha." Sagot naman ni Meinar habang sinusulyapan ako.
Hindi ko alam kung nagpakamatay ba talaga si Shinea para lang sa pinakamamahal niyang prinsipe. Nakaka-curious din kung gaano ba kagwapo ang panganay na prinsipe na iyan para sayangin ni Shinea ang buhay niya sa katulad ng lalaking ito.
"Nandito na ang mahal na hari." Nagsitayuan sila at yumuko. Nakigaya nalang din ako.
Narinig kong ipinagbabawal sa lugar na ito ang tingnan ang mukha ng hari o ng mga anak niya ba. Pakiramdam ko tuloy nasa ancient drama ako, kung saan nauuso ang mga hari at reyna.
Sinulyapan ko ang hari daw nila at nakita kong may suot siyang kulay gintong roba na may mga nakaburdang dragon gamit ang mga gintong sinulid. Tapos may gintong korona siya sa ulo. Nakakasilaw naman. Totoo kaya iyan?
Mabilis akong yumuko nang mapagawi ang tingin niya sa kinaroroonan ko.
"Siya ang ikalawang anak ni Ministro Shin hindi ba?" Tanong ng boses lalake. Ang lamig ng boses niya.
"Siya nga po kamahalan. Si Binibini Shinea." Sagot ng lalaking katabi niya. Siguro alalay niya o ba kaya iyan ang tinatawag nilang eunuch.
Di ba sa ibang napapanood kong mga ancient drama pinuputulan ng ari ang mga eunuch ganon din kaya sila dito? Sinulyapan ko ang ibabang parte ng lalake kaso may bagong dumating at pumalit sa pwesto niya. Kaya doon napunta ang mga mata ko.
Papalapit ng palapit ang pigurang yun kaya medyo nakikita ko kung may laman ba sa loob kasi mukhang meron naman e.
"Kitang-kita mo na ba ng malinaw Binibini?" Tanong ng magandang boses at pamilyar ang boses na iyon. Pero ang sarap pakinggan ng boses na iyon a.
"Ah, hindi pa. May nakatakip kasi." Wala sa loob na sagot ko.
Nakarinig ako ng mga tikhim at pag-ubo kaya naman napaangat ako ng tingin. Napasinghap ako at napaatras sa sobrang gulat kasi nasa tapat ko na ang mayabang na third prince daw na walang kasing feeling.
"Hindi ko alam na iba ka pa palang hilig Binibini." Naka-smirked niyang sambit at sumulyap pa sa kung saan ako nakatingin kanina.
Napatingin ako sa paligid at nakita ang wierd nilang mga tingin. Napalunok-laway ako dahil nahuli nila akong nakatingin sa forbidden area ng ikatlong prinsipe nila.
"Wag kang mag-alala, masasagot din ang curiosity mo kapag nagiging asawa na kita." Tumalim ang tingin ko sa sinabi niya.
"Maging asawa?" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Di ako intresado." Sabi ko na may nandidiring mga tingin.
Hindi talaga ako interesadong magkaroon ng asawa. Mas gusto ko munang mangolekta ng maraming boyfriend tapos mamimili ako kung sino ang mas karapat-dapat magiging asawa sa kanila. Kaya kung asawa ang pag-uusapan hindi pwede. Hindi ko pa nai-enjoy ang pagiging teenager ko. Saka di pa ako nagkaka-boyfriend.
Napawi ang ngiti niya sa sinabi ko.
"Alam mo bang nandito ang mga kababaihang ito dahil gusto nilang magiging asawa ko tapos ikaw sasabihin mong di ka intresado? Wag ka na ngang pakipot. Kunwari ka pang di mo ako gusto pero ang totoo kinikilig ka na." Sagot niya na ikinataas ng dugo ko.
BINABASA MO ANG
Who are you, Mira?
FantasyWalang ibang pinangarap si Mira kundi ang makasama ang kanyang mapagmahal na pamilya. May simpleng buhay at walang inaalala ngunit isang araw may mga bisitang hindi niya kilala at sapilitan siyang binalak kunin. Dahil dito itinago siya ng ina sa isa...