Mira 37: Hulog ng langit

2.1K 165 27
                                    


"Katapusan na natin. Papalapit na ang mga kalaban." Ilang ulit na huminga ng malalim ang mandirigmang ito.

Nakita nilang lumabas na ang prinsipe na madilim ang mukha.

"Alam mo bang narinig kong nalaman ng prinsipe na nakipagkita ang asawa niya sa ibang lalake habang wala siya?" Bulong ng isang mandirigma sa kasama gamit ang isip. Ipinasa din naman sa iba ang natuklasan niya.

"Kaya pala sobrang dilim ng kanyang mukha."

"Mabuti nalang at dumating ang mga kalaban."

"Mga kalabang taga-Drukaves hulog kayo ng langit."

Sa bawat panahong masama ang pakiramdam ng prinsipe lalo na kapag nagagalit ito, ang mga lider ng mga mandirigma ang napagbubuntunan ng sama ng loob at gaganti naman ang mga lider sa mga mandirigma nila at mapapahirapan sila ng ilang araw. Depende sa galit ng prinsipe. At walang ibang mabilis na nakakaapekto sa emosyon nito kundi ang asawa nitong matigas ang ulo kaya naman, nang malaman nilang may ginawa na namang di maganda ang konsorte, siguradong may sasalo na naman sa galit nito. Kaya nagpasalamat sila dahil tamang-tama ang pagdating ng mga kalaban. Mailalabas din ng prinsipe ang lahat ng galit at frustration niya sa mga kalaban at di na sa kanilang mga inosenteng mga mandirigma.

"Mga taga-Drukaves, nagpapasalamat ako sa pagdating niyo." Sambit ng isang heneral na narinig naman ng katabing prinsipe ng Winmore kingdom.

"Himala at nakikita ko kayong nakahinga ng maluwag kahit inaatake na tayo. Hindi ganyan ang reaksyon niyo noong atakehin tayo ng mga Nythrionian." Sabi ni Lufei na siyang General sa mga mandirigmang galing sa kanilang kaharian.

"Hindi ka kasi kabilang sa pinamumunuan ni Prince Lianfei kaya hindi ka nababahala kung nagagalit siya." Sagot ng heneral at nagtungo na sa hukbong pinamumunuan nito.

Nandito si Lufei dahil siya ang pinadala ng kanyang ama na siyang mamumuno sa mga mandirigma nila sa alyansang ginanap ng limang kaharian para gapiin ang mga Emperyong nagnanais sumakop sa Dragon Land. Pareho lang sila ng rank ni Lianfei at parehong pinuno sa libo-libong sundalo ng kani-kanilang mga kaharian. Kaya hindi siya kabilang sa napagbubuntunan ng galit.

***

Namili si Lexus ng mga kagamitan na kakailanganin niya sa panibagong misyon. Kailangan niya ng maraming stock ng pagkain dahil posibleng maliligaw siya kapag hinanap ang bangil na pinapahanap ni Mira.

Marami na kasing mga hunter at mga imjo ang hindi na nakakalabas kapag napapagawi sila sa nasabing lugar. Sinasabing may mga treasures sa ibaba ng bangil at isang misteryosong lagusan patungo sa ibang dimension ng mundo ngunit wala pang nakakapagpatunay kung totoo ba ito o isang kasinungalingan.

Dahil may nakakarating man sa nasabing bangil ngunit iisang Imjo palang ang nakaligtas pagkatapos malaglag sa nasabing lugar. At iyon ay ang kanyang boss ngayon.

Kinakabahan siya na nasasabik dahil ang misteryosong bangil ang pakay nila ngayon. Curious din siya kung ano ang sa ibaba nito at kung totoo bang may lagusan at kung saan banda ito matatagpuan.

"O Lexus. Mukhang nagkapera ka na yata? Ano nangutang ka na naman?"

Binigyan niya ng matalim na tingin ang mayabang niyang dating kasamahan. Magmula noong bigla itong yumaman dahil naibinta nito sa malaking halaga ang nakuhang treasure, palage na nitong inaasar ang mga kasamahan na hindi parin umaasenso.

"Wag ka namang ganyan. Wag mong sabihing nagnakaw ka nalang dahil wala ka ng makain? Kaninong pera ang kinuha mo. Maawa ka naman sa may-ari."

"Pwede ba Ralph, tumigil ka na? Saka wala ka ng pakialam kung saan ko galing ang pera ko. Wag kang mag-alala, hindi naman ako katulad mo na handang manloko ng ibang Imjo para magkapera lang." Sagot nito bago lagpasan si Ralph.

Who are you, Mira?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon