Napahinga ng maluwag si Mira makarating sa kanilang silid ni Lianfei. Ngunit napatigil at napalunok ng laway makitang nakaupo ang asawa habang nagtsa-tsaa.
Nagsialisan sina Hana at Rikz makita si Lianfei at iniwan ang dalawa sa loob ng kwarto.
Naglakad palapit si Mira sa kama at hihiga na sana nang bigla na lamang umurong ang kama na ikinalaglag niya sa sahig. Napaungol siya at napangiwi saka marahas na napalingon sa asawa.
"Lianfei!" Sigaw niya.
Nag-smirked lang ang lalake at uminom sa tsaa nito. Tumayo si Mira at naglakad papunta sa pintuan ngunit bigla na lamang itong nagsara. Huminga siya ng malalim at umupo na lamang sa sahig. Isinandal ang likuran sa pintuan at pumikit. Sa totoo lang pagod na pagod siya sa lahat ng mga ginagawa niya sa araw na ito.
Bigla niyang naidilat ang mga mata dahil sa aninong lumilim sa kanya at naramdaman na lamang ang pag-angat ng kanyang katawan sa ere.
"Teka, huy. Sa'n mo 'ko dadalhin?"
Napasinghap siya dahil bigla siyang bitiwan ni Lianfei kasunod nito ang pagbagsak ng katawan niya sa tubig.
"LIANFEI!" Sigaw ni Mira at napaubo dahil sa tubig na nainom. Sinabuyan ang lalake sa tindi ng kanyang inis ngunit di ito natinag at tiningnan lamang siya.
Kumuha ng liquid soap at pinabula ang tubig hanggang sa halos ulo na lamang ni Mira ang makikita. Saka ito lumabas at naiwan si Mira na halos magdikit na ang mga kilay sa inis.
Naghintay naman sa labas si Lianfei ngunit tatlong oras na ang nakalipas, hindi parin lumabas si Mira mula sa paliguan nila kaya tumayo siya at muling pumasok.
Ngunit maliban sa makapal na bula mula sa bathtub, hindi niya makita ang asawa. Saka niya naalala na kakagising pa nito at kahit anu-ano pang pinagagawa sa araw na ito kaya naman, posibleng di kinaya ng katawan.
"Shinea." Tawag niya at inilubog ang mga kamay sa loob ng bathtub.
Mabilis na hinila si Mira paahon sa tubig.
"Ano ba talagang problema mo ha? Naliligo na yung tao e—." Napahinto siya sa pagsasalita dahil bakat na bakat ang suot niyang puting bestida sa kanyang balat.
"Bakit kasi ang tagal mong lumabas?" Sigaw ng lalake at mabilis na lumabas. Marahas na isinara ang pinto na ikinaigtad ni Mira.
"Ang sama talaga ng ugali niya." Sambit ni Mira. Binilisan na lamang ang pagligo dahil ayaw masigawan na naman.
Pinaypayan ni Lianfei ang nag-iinit na mukha at nilagok ang natitirang tsaa sa hawak na maliit na tasa.
Tinawag niya si Hana para ihanda ang susuotin ni Mira.
Ilang sandali pa'y lumabas na rin si Mira na kumpleto na ang suot. Medyo tuyo na rin ang buhok at nakaayos na. Mabilis na lumabas si Hana makitang hindi maganda ang mga tingin ni Lianfei.
"Anong ginawa ng mag-asawa sa loob? Mapaparusahan kaya tayo?" Tanong ni Rikz kay Hana.
"Pulang-pula ang mukha ng prinsipe. Siguradong galit na galit siya."
"Pati ba tainga niya?" Bulong ni Rikz.
"Oo e. Sobrang galit siguro siya." Bulong pabalik ni Hana ngunit napakunot ang noo makitang nakahinga ng maluwag si Rikz.
"Hindi siya galit."
"Pero ang sama ng tingin niya e. At pulang-pula siya e." Sagot ni Hana. Tinapik-tapik lamang ni Rikz ang kanyang balikat.
"Magiging ayos lang tayo."
***
Makitang masama parin ang mga tingin ni Lianfei, marahang naglakad si Mira sa gilid ng bintana at umupo sa gilid. Napahimas sa tiyan maramdaman ang hapdi nito. Hindi na pinansin na ilang ulit ng tumunog.
BINABASA MO ANG
Who are you, Mira?
FantasyWalang ibang pinangarap si Mira kundi ang makasama ang kanyang mapagmahal na pamilya. May simpleng buhay at walang inaalala ngunit isang araw may mga bisitang hindi niya kilala at sapilitan siyang binalak kunin. Dahil dito itinago siya ng ina sa isa...