"Hindi ako nananaginip di ba? As in nakakita ako ng master archer?" Biglang sambit ng nakatulala kaninang si Lianyu. Kinusot pa ang mga mata bago tingnan ang mga kapatid na nakaawang din pala ang mga bibig.
Ni hindi nila napansin ang pagsama ni Mira kay Emperador Yanfe.
Kinuha ni Lianyu ang isa pang mansanas na hawak ni Lianfei. May butas na ito sa gitna.
"Ang cool ng asawa mo Kuya. Kaya naman pala pumayag ka ring magpakasal sa kanya sa wakas." Masigla nitong sambit at sinilip pa ang butas ng mansanas.
"Paano kaya niya nagawa? Straight na straight talaga o. May napanood akong archer na tumatagos sa target ang mga palaso pero hindi naman siya taga-Alkaid. Taga-Nythrion iyon at babae rin. Idol ko nga siya e."
"Naalala niyo ba iyon? Yong babaeng sinasabi nilang Dessim? Kaya lang mula siya sa kalabang Emperyo." Sabi ni Lianyu habang nakasilip pa rin ang isang mga mata sa butas ng mansanas.
"Itatanong ko nalang kay Lianhan pag nakabalik na siya. Baka naaalala niya ang pangalan ng babaeng iyon." Dagdag pa ni Lianyu. Inagaw naman ni Lianzi ang mansanas at tinapon-tapon ito sa ere tapos sasaluing muli.
"Kapag may archer tayong katulad niya sa labanan, tiyak na wala ng binatbat ang mga kalaban sa pangmalayuang atake. Bakit kasi di pa siya naging lalaki?" Nanghihinayang namang sambit ni Lianzi.
"Kuya, baka naman." Nakadaop palad na sambit ni Lianyu at kumurap-kurap pa habang nakatingala kay Lianfei.
"Ano?" Naiiritang tanong ni Lianfei maisip kung ano ang posibleng hihilingin ng kapatid.
"Baka naman pwede mong kausapin si Lady Shinea na turuan ako." Mahinang sagot ni Lianyu.
"Ayaw ko. Maghanap ka ng Master mo." Mabilis niyang sagot at tinalikuran ang kapatid.
***
Napayuko naman ang magkapatid na Shin marinig ang mga papuri sa kanilang paligid.
"Nakakainis na. Palage nalang si Shinea. Simula pa bata palagi na lamang siya hanggang ngayon ba namang wala na siyang maalala, siya pa rin ang bida?" Pabulong na sambit ni Jissa.
"Tumahimik ka diyan. Dahan-dahan lang sa pananalita mo." Bulong ni Jira sa kanya.
"Masyado kasing pabida si Shinea e." Reklamo naman ni Meinar.
"Huwag niyong pagsalitaan ng ganyan si Shinea, kapatid niyo pa rin siya. Kapag may makakarinig sa inyong iba baka aakalain nilang inaapi niyo ang Ate niyo." Sabi ni Jiara na naglakad palapit sa kanila.
Napanguso naman sina Meinar at Jissa sa narinig.
"Ayan ka na naman sa pangungunsinti mo. Kahit inaagawan ka na ng asawa, ipinagtatanggol mo parin si Shinea. Tigilan mo na nga iyang kabaitan mo." Sagot ni Jissa. Binigyan siya ng malungkot na tingin ng kapatid na ikina-guilty niya.
"Patawad. Naiinis lang talaga ako kay Shinea." Nakayukong sabing muli ni Jissa.
"Huwag ka namang ganyan. Magkapatid tayong lahat at dapat magiging proud pa kayo sa kanya dahil ipinamalas niya ang kanyang galing. Ayaw niyo ba ng may kapatid na pinupuri ng lahat?"
"Gusto namin kapag ikaw ngunit hindi ang anak ng isang half-phoenix." Sagot ni Meinar.
Bumuntong-hininga naman si Jiara na tila hindi nagustuhan ang sagot ng pinsan. Ngunit sa kaloob-looban nito ay natutuwa na kinamumuhian din nina Meinar si Shinea.
Isa sa dahilan kung bakit palaging si Shinea ang kinakampihan niya, pinapahalagahan, binigyan ng espesyal na atensyon at pinupuri palagi, iyon ay upang pukawin ang inggit at galit ng mga kapatid at ng mga nakapaligid sa kanila ni Shinea.
BINABASA MO ANG
Who are you, Mira?
FantasiaWalang ibang pinangarap si Mira kundi ang makasama ang kanyang mapagmahal na pamilya. May simpleng buhay at walang inaalala ngunit isang araw may mga bisitang hindi niya kilala at sapilitan siyang binalak kunin. Dahil dito itinago siya ng ina sa isa...