Mira 44: Target escort

1.4K 119 24
                                    

Sinamaan ng tingin ni Lianfei ang maid na ikinatikom ng bibig nito.

"Sino kang sigawan ang asawa ko sa tapat ko mismo?" Mariing sagot ni Lianfei. Tumango-tango naman si Emperador Yanfe na tila ba sumang-ayon sa inasta ng prinsipe.

"Patawad po kamahalan." Mabilis na paumanhin ng maid.

"Hindi ka sa akin dapat humingi ng tawad."

"Bakit mo papahingin ng tawad ang alipin ko sa babaeng iyan, kung totoo naman ang sinabi niya? Pinoprotektahan lang niya ako." Sagot ni Emperatris Shaira.

"Asawa ko siya Lola, para na ring ako ang binastos kung may nanghamak sa kanyang iba. At kung dahil hindi kami nagbigay galang pagdating niyo, humihingi kami ng tawad." Tiningnan si Mira.

"Humingi ka na ng tawad." Bulong niya kay Mira.

Lumabas naman si Mira at yuyuko na sana nang magsalita ang Emperador.

"Tama na iyan. Pinagtitinginan na tayo o. Wag mo ng pagdisikitahan ang mga bata." Sabi ni Emperador Yanfe sa asawa bago harapin si Mira. "Kumusta ka na Shinea?" Nakangiting bati niya rito.

Napatingin naman si Mira kay Lianfei. Nagtatanong ang mga mata kung paanong kilala ng Emperador si Shinea.

"Mukhang hindi mo na nga ako maalala. Ang liit liit mo pa dati, pero ngayon dalagang-dalaga ka na. Kundi lang namatay si Ashreah, e di sanay dalaga na rin siya."

Tumahimik ang buong paligid. Kahit si Lianfei ay nanigas sa kinatatayuan.

"Yanfe." Puna ni Shaira sa asawa makitang sumama ang mukha ni Lianfei.

"Ah, patawad. Hindi ko sinasadyang mabigkas ang pangalan niya."

"Nandito na kayo kamahalan. Salamat sa pagdalo sa piging na ito." Bati ni Haring Lian para maiba ang atmosphere.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Mira kay Lianfei mapansing nanigas ito sa kinatatayuan. Parang piniga ang puso niya maisip na childhood lover ni Lianfei ang Ashreah na sinasabi ng Emperador.

"Kung ganoon, si Ashreah ang tinutukoy niyang kaugali ko? Nakikita niya ang shadow ni Ashreah sa akin kaya siya bumait sa akin?" Napayuko siya.

Natigilan si Mira nang pisilin ni Lianfei ang kanyang kamay na ikinalingon niyang muli sa lalake.

"Wag kang mag-isip ng kung ano-ano diyan. Kaibigan ko lang siya. At ang batang pinakamalapit sa puso mo." Sabay pitik sa noo ni Mira.

"Baka hindi ako ang tinutukoy mo kundi si Shinea." Sagot ni Mira at bumalik na sa kanilang inupuan kanina.

"Ang sarap nito." Kumislap ang mga mata ni Mira matapos kainin ang putaheng nakalapag sa mesa.

"Hindi pa tapos magsalita ang hari kumain ka na?" Napapailing na lamang si Lianfei.

Sa bawat piging, bago maaaring kumain ang mga bisita, kailangan munang sabihin ng host ng party ang salitang simulan na ng piging. Kapag hindi pa nito sasabihing magsisimula na ang piging hindi muna sila pwedeng kumain ngunit maaari naman silang uminom ng juice o alak.

"Hayaan mo. Malayo naman tayo sa kinaroroonan nila e. Hindi niya tayo mapapansin." Humiwa ng steak at inilapit sa bibig ni Lianfei.

"Tikman mo, di ba masarap to."

Naalala na naman niya noong subuan siya ni Ashreah. Nag-aatubili siyang ibuka ang bibig ngunit ibinuka na rin at kinain ang inabot sa kanya.

"Masarap di ba?" Tanong ni Mira. Tumango naman siya.

"Masarap din itong isa. Anong klaseng karne ba ang niluluto niyo dito? Balit pakiramdam ko, may enerhiyang nanunuot sa mga kalamnan ko kapag nakakakain ako ng mga putaheng ito?" Tanong niya at muling sinubuan ang prinsipe. Ngumuya muna at nilunok ang kinakain bago sumagot.

Who are you, Mira?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon