Mira 3: Binibining Shinea

3.4K 234 9
                                    


Unti-unting ibinuka ni Mira ang mga mata. Kumunot ang kanyang noo nang sumalubong sa kanyang paningin ang kisameng gawa sa isang kulay pulang kahoy ngunit makinis ang kahoy na ito at halatang matibay.

"Teka. Bakit gawa na sa kahoy ang bubong namin? Di ba gawa ito sa semento?" Takang sambit niya at biglaang umupo.

Napansin niyang may puting kurtina ang nakapaligid sa kamang kinaroroonan niya. Sa pagkakatanda niya sa bintana lang niya ang may kurtina. Naibaba niya ang tingin sa katawan. Nakasuot din siya ng puting bestida. Malambot ito at komportable sa kanyang katawan.

"Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito?" Sa pagkakatanda niya tinulak siya ng kanyang kuya pagkatapos no'n para siyang nalaglag sa kung saang di na niya maalala.

Bumaba siya sa kama at isinuot ang isang puting bota.

"Bakit boots ang nasa tabi nitong kama? Wala bang tsinelas dito?" Hinawakan pa niya ang bota at tiningnang maigi. "Malambot sa paa. Saka makinis at makintab. Anong klaseng materyal kaya ang ginamit sa pagawa ng ganitong klase ng bota?"

Lumapit siya sa isang mesa kung saan nakapatong ang isang bilog na salamin. Saka pinagmasdan ang sarili.

Pero nanlaki ang kanyang mga mata makitang hindi niya mukha ang nakikita sa salamin.

"Sa-sandali lang? Bakit nag-iba yata ang mukha ko? Ah baka may mali sa salamin nila." Agad na naghanap ng salamin sa mga drawer  pero wala na siyang makita pang ibang salamin.

Tinignan muli ang sariling mukha sa salamin at kinurot ang pisngi. "Makinis na balat, medyo kamukha ko naman kaso bakit nawala na yata ang baby fats ko. Iyon pa naman ang nagdadala ng ka cute tan ko." Pinalobo niya ang magkabilang pisngi at tinusok-tusok pa ito gamit ang mga hintuturo niya.

"Parang kahawig ko naman ang mukhang 'to kaso mas cute parin ako sa mukhang to. Teka lang, di kaya na- comatose ako ng ilang taon tapos pagising ko tyaran nasa sixteen or seventeen years old na ako?" Sambit niya pa ngunit napailing din dahil imposibleng mangyayari yon dahil para sa kanya kapag na comatose siya dapat nakakaramdam siya ng sakit ng katawan at mahihirapan siyang gumalaw o maglakad sa unang araw ng pagising niya. Dapat kailangan pang mag-adjust ng mga muscles at joints niya kaso ayos naman ang pakiramdam niya ngayon.

"Ah, nanaginip lang siguro ako. Masubukan ngang matulog ulit." Bumalik siya sa kama at muling humiga saka muling ipinikit ang mga mata. Kaya lang kahit anong pikit niya hindi na siya nakakatulog pang muli.

Padabog siyang bumangon at inilibot na lamang ang tingin sa buong paligid. Namangha pa siya sa mga Chandelier na ang ilaw ay gawa sa kakaibang uri ng bato. Nagbibigay liwanag ang mga batong ito sa buong paligid na ikinapagtataka niya kung anong uri ng bato ba ito.

Hindi niya alam na isa itong puting diyamante na siyang ginagamit na pang ilaw sa lugar na ito. Ito ang pinakamababang uri ng pang-ilaw ng mga naninirahan sa lugar na kanyang napuntahan.

Naagaw ng kanyang paningin ang mga nakapinta sa pader. Mga puting bulaklak na may iba't-ibang uri at hugis. Pinadaanan ng mga daliri niya ang paintings na ito at dinama ang texture ng mga larawan.

Ngunit ilang sandali pa'y gumalaw ang pader na ikinagulat niya. Natupi ang pader kung saan nakapinta ang mga puting bulaklak at niluwa nito ang isang cute na babaeng may kakaibang suot na bestida na umabot sa sahig ang laylayan nito.

Saka niya napagtanto na isa palang folding door ang inaakala niyang pader kanina.

"Binibini!" Tawag ng babae sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.

"Mabuti at gising ka na. Alam mo bang pinag-alala mo ako?" Mangiyak-ngiyak sabi ng cute na babaeng nasa labing pitong taong gulang.

Nagtaka si Mira kung bakit naiiyak ang babaing ito. Sino ba kasi to? Kilala ba niya? Saka bakit nakasuot ito ng kulay white na bestida na pinatungan ng kulay light green na long-sleeve robe?

Who are you, Mira?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon