TUMUNOG ang cellphone ni Ellaine. Biglang nagtahip ang kaniyang dibdib. Parang isa siyang teenager na excited marinig ang boses ng kanyang crush.
"Yes, bakit anong kailangan mo sa'kin?" may pagkamataray na tanong niya nang marinig ang inaasahang boses na inaasam niyang tatawag ulit.
"Gusto lang kitang makilala pa Ellaine. Kung pahintulutan mo lang akong mapalapit sa 'yo," paliwanag ni Alex sa kabilang linya.
"Hoy, anong sinasabi mong mapalapit diyan? Ni hindi nga kita kilala tsaka ayoko na sa mga ganyang textmate-textmate, sakit lang sa dibdib ang aabutin," angal niya habang sapo ang ulo na medyo sumakit dulot ng nainom niyang beer kagabi.
Napatawa si Alex.
"Alex na lang ang itawag mo sakin. Sige na friends na tayo. Taga Cebu ako. Twenty-five years old. Single," pagpapakilala rito sa dalaga na diniinan pa ang huling salita.
"Alex kung naghahanap ka lang ng mapaglilibangan, huwag ako, ok? Wala akong panahon diyan," pagmamatigas niya ngunit sa kalooban niya'y nagdiwang sa lambing ng tinig sa lalaking kausap.
"Sige Ellaine, papatunayan ko sa iyo na seryoso ako. Sige na magpahinga ka na diyan. Gusto ko lang kasing marinig ulit ang boses mo."
"Okay, good night."
Pagkababa ng cellphone ay 'di maiiwasang mapangisi at makilig ng dalaga. "Lord, kung siya man ang tugon sa aking dasal, please give me a sign," panalangin niya.
Kinabukasan ay maagang gumising ang magkaibigan. Napansin ni Ann ang kaibigan na palaging nakangiti at feel na feel pang sumasabay sa kanta.
Tumikhim si Ann papalapit sa kaniya, "Hmm masaya yata tayo ngayon friend. Mukhang inspired. Tell me, yung tumawag ba kagabi sa phone mo ang dahilan?" sita ng kaibigan.
Imbis na sumagot ay matamis na ngiti ang itinugon niya.
"Ay, alam ko ang ngiti na 'yan. Friend maghunos-dili ka. Ni hindi mo pa kilala iyong lalaking 'yon. Kilatisin mo muna," sermon ni Ann kay Ellaine.
"Friend naman, 'di ba pwedeng inspirasyon lang? Matanda na 'tong bestfriend mo, hindi pa nabenta," pabirong tugon niya.
"Hay, ikaw pa naman. Para na nga kitang kapatid. Nandito lang ako, palaging nakasuporta sayo. Kung saan ka masaya, doon din ako," paglalambing na wika ng kaibigan sabay yakap sa kaniya.
"Oh siya na, tara na at nang 'di tayo malate sa trabaho," yakag ni Ann sa kaniya.
Samantala, maaga ring gumising si Alex. Pakanta-kanta pa ito bago tumungo sa komedor para kumain ng agahan nang mapansin ito ng kanyang Mommy.
"Oh son, you're happy right now ah. I can feel that there's something different. I'm happy wherever you are happy. Sign na ba iyan na magkakaapo na ako?" diretsahang tanong ng Mom niya.
"Mom, wala pa nga akong girlfriend ngayon. That would be impossible!" depensa naman niya na ikinatawa ng ina.
"Okay, well then if that's the case sana ay bilis-bilisan mo na at ilang taon na lang at mapapabilang na ako sa senior's club," pabirong turan ng ina.
'In time Mom, makikilala mo rin siya,' hiling niya na piniling 'di na muna niya isinatinig.
Nang matapos kumain ay nagpaalam siya sa ina at tumungo na sa resort. Kinakabahan siya kung ano man ang desisyon ni Mr. Chu hinggil sa meeting nila kahapon. Natulala na naman siya nang sumagi sa kaniyang isipan si Ellaine. Nasa ganoong aktwasyon siya nang may kumatok sa kaniyang opisina. Ang kaniyang sekretarya iyon na iginiya si Mr. Chu.
"Hey good morning, Ronald! Come in," masiyahing bati niya sa panauhin na nakipagkamayan dito.
"Good morning din sa'yo, Alex," tugon naman ng matanda.
Bigla siyang kinabahan nang naging seryoso ang mukha nito. Baka umayaw ito sa kaniyang proposal.
Bumuntong hininga ang si Mr. Chu bago magsalita, "Alex, we have decided and it's... it's a yes!" ngiting saad nito.
Biglang nabunutan siya ng tinik. Ang kanina'y kaba niya ay napalitan ng sobrang saya.
"Thank you Lord," sambit niya sa sarili.
"Bueno, here are the papers Alex, and we have signed it already along with the cheque. We're hoping that this venture will be successful," magiliw na lahad ng panauhin sa kaniya.
"Thank you so much, Ronald! Yeah this a great opportunity for us. Anyway, we will start the project next week as stated on the papers. Makakaasa kang you will be updated in every month's improvement hanggang matapos 'to."
Nakipagkamayan ulit siya sa new investor nila bago ito umalis ng kaniyang opisina. Galak na galak ang kanyang puso at pinaalam sa ina ang good news.
"Mom, guess what? Pumayag na si Mr. Chu. He just came in to give back the papers with the cheque payment," pagbibigay-alam sa Mommy niya nang masagot ang kanyang tawag.
Paikot-ikot siya sa paglalakad sa kaniyang opisina na tila 'di maintindihan ang sarili sa nararamdamang saya.
"I'm so happy son. You did a great job!" puri nito sa anak.
Pagkatapos tumawag sa ina ay ipinagbigay-alam din niya sa mga kaibigan. Hudyat ng isang party na naman nila mamayang gabi.
"That's great to hear, Man! That's a big reason enough to celebrate for your victory!" tuwang komplimento ng kaibigang si Ryan.
"Hi, Ellaine. Available ka ba this weekend? Baka pwedeng mainvite kita for a movie date." - Raymond
Isang munting papel na ginupit ang may mensahe na nakita ni Ellaine sa ibabaw ng kaniyang mesa galing siya sa CR.
Napalingon siya. Tiningnan ang paligid kung totoo ba 'to na kay Raymond galing ang mensahe. At nang madapo ang kaniyang tingin sa table ni Raymond ay masayang nakangiti ito sa kaniya. Nahihiya tuloy siyang napayuko.
"Pssst friend, ano na namang ini-emote-emote mo diyan? Aba teka namula ka ah," pansin ni Ann sa kaniya.
At nang makita nito ang hawak niya at binasa. "Aba aba, ang haba ng hair ng friend ko. Dalawang admirers agad. Woooh! Hoy friend, grab mo na. Total single naman 'yang si Raymond at mabait sa tingin ko. Pero wait paano na si fafa Alex? Ah basta, choose the best, friend," nalilitong pahayag ni Ann.
Pinag-iisipan ni Ellaine kung tutugon siya sa imbitasyon ni Raymond na movie date o hindi.
***********************************
Featured song: Mr. Kupido
By: Tootsie GuevarraSHARE. VOTE. COMMENT .
BINABASA MO ANG
PROMDI'S LOVE
RomanceROMANCE NOVEL (FILIPINO) ••• WARNING: MATURE CONTENT (R-18) ELLAINE DE GUZMAN. Isang masipag, matalino at mapagmahal na dalagang lumaki sa probinsya na taglay ang nakahahalinang mukha, balingkinitang katawan at simpleng pananamit. Sa paniniwala niya...