"GOOD MORNING girls!" Masiglang bati ni Mrs. Bautista pagdating sa kanilang opisina. "Anyway, nakita niyo naman siguro ang bagong ipinaskil ko sa announcement board natin ang nalalapit na Thanksgiving Party ng SMBI? Lahat tayo ay required na dadalo or else, hindi kayo makatatanggap ng tumataginting na one million worth of gift cheques," eksaheradang turan ng kanilang head nang nasa loob sila ng opisina.Nagbubulungan silang mga empleyado. Hindi makapaniwala sa sinabing 'one million' ni Mrs. Bautista.
"Well, who knows na one million talaga ang ibibigay sa 'tin ni Bossing 'di ba?" pagpapatuloy ng ginang. Ang tinutukoy na bossing nito ay ang President ng kanilang kompanya.
Tumango-tango lang sila.
"Ma'am L., one K or one M man iyan ay siguradong a-attend kami niyan. 'Di ba guys?" nangungumbinsing tanong ni Ann sa mga kasama. Tumango at nagpalakpakan naman sila Ellaine bilang pagsang-ayon sa winika ni Ann.
"Okay then, prepare guys. Be the best of yourselves that night."
"Okay po Ma'am," sabayang bigkas nila.
Pagkatapos masabi ng department head ang kaniyang pakay ay bumalik na sa kaniyang opisina.
"Pssst Friend, pupunta ba talaga tayo?" bulong ni Ellaine kay Ann sabay kalabit. Kasalukuyang nagsalang ng bond paper si Ellaine sa printer. Kasabay din na tumungo si Ann para kukunin ang ipiniprintang summary ng tasks nila.
"Haay oo naman Friend, chance na natin itong irampa ang beautiful faces and bodies natin," maarteng sambit ni Ann na kumembot pa saka siya inirapan.
Tumawa lang siya sa inakto ng kaibigan. "Pero ang isusuot natin?" kunot-noong tanong niya sa kaibigan.
"Friend, may mall 'di ba? Kaya sila nagbebenta para bibili tayo. So, bibili nga tayo. Anong problema doon?" nakataas-kilay na tugon nito.
'Di nakapagsalita si Ellaine habang nakayuko lang na kinukuha ang mga nakaprintang summary.
"Haay Friend, kahit hindi ka magsasalita ay alam ko. Kauuwi lang natin at malamang ay naibigay mo na ang sahod kay nanay mo," pang-aalo pa nito sa kaniya at sinuklay-suklay pa ang mahaba at makintab na buhok niya. "Oh siya sige na, ako na ang bahala para sa outfit at pa-parlor natin. Nagpadala naman si Leo para raw pampa-pamper ko. Eh 'di para na sa ating dalawa. 'Wag ka nang bumusangot diyan. Papangit ka, sige ka," dagdag pa ni Ann.
Nag-angat siya ng mukha at ngumiti. "Wow, talaga Friend? Thank you! Babawi ako next time," pasalamat niya sa kaibigan.
"Okay sige na, tatapusin na natin ito at mamaya ay baka kailangan na 'to ni Ma'am L."
"WOW, FRIEND! Bagay na bagay sa 'yo iyan," namanghang komento ni Ann kay Ellaine nang nasa loob na sila ng dressing room sa isang boutique sa Victoria Plaza.
"Thank you, Friend!" matipid niyang tugon at saka ngumiti.
"Hmm ito kaya bagay sa 'kin?" tanong nito sa kaniya at umikot-ikot pa sa harap ng salamin.
Nag-thumbs up siya bilang pagsang-ayon. "Yes friend, bagay na bagay."
Pagkatapos nilang magpa-counter ay tumungo na sa department store upang bumili ng kanilang footwear at ibang kinakailangan accessories para makompleto ang kanilang outfit para sa company event.
Umilaw ang cellphone niya sa table tanda ng may mensaheng natanggap. Nasa loob na sila ni Ann ng isang fast food chain at kumakain, pagkatapos mamili.
BINABASA MO ANG
PROMDI'S LOVE
RomanceROMANCE NOVEL (FILIPINO) ••• WARNING: MATURE CONTENT (R-18) ELLAINE DE GUZMAN. Isang masipag, matalino at mapagmahal na dalagang lumaki sa probinsya na taglay ang nakahahalinang mukha, balingkinitang katawan at simpleng pananamit. Sa paniniwala niya...