CHAPTER 21 🌾

59 11 81
                                    


"ANO BA FRIEND? Sasabihin mo o ihahampas ko sa 'yo tong balat ng durian sa 'yo?" nahihimigan ang inis sa boses ni Ellaine. Hawak niya ang balat ng durian mula sa kanilang pinagkainan. Ilang minuto siyang naghihintay at ang itinugon lang ng kaibigan ay mamaya na lang sasabihin. Ito ang ayaw niya sa lahat ang nabibitin siya.


 Ito ang ayaw niya sa lahat ang nabibitin siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

       DURIAN

Mas lalong napahalakhak lang si Ann. "Minsan lang kitang nakikitang nagsusungit, Friend. Hindi bagay sa mukha mong 'di makabasag-pinggan," pambubuska pa nito sa kaniya.

'Hindi makabasag pinggan pero kaldero kaya ko,' naisaloob niya.

Nilapirot niya sa tainga ang kaibigan at napaaray naman ito sa bahagyang sakit. Dali-daling itinaas nito ang mga kamay hudyat na susuko na ito.

"Sige na, ito na. Akala ko kasi one M ang balor ng gift cheques na ibinigay sa atin," pag-aamin ni Ann. "Ngunit dyes mil lang pala, Friend," dismayadong sambit nito.

Huminga siya nang malalim saka ngumiti. "Friend naman, sinabi ni Mrs. Bautista na worth of one million gift cheques, eh baka sa 'tin na iyon lahat. Ang dami kaya nating empleyado. Lugi naman sila pag ganoon, 'di ba?" pagpapaliwanag niya sa kaibigan. "At saka hindi naman tayo dehado, unlimited drinks at foods pa nga tayo sa party," dagdag pa niya.

"Hmm oo nga, sabagay," pagsasang-ayon ni Ann.

Isa sa mga mahahalagang bagay na natutunan niya mula sa kaniyang mga magulang ay ang pagiging mapagpasalamat.

.

.

.

Naalala niya noong kasagsagan ng El Niño, sampung taong gulang pa lamang siya noon. Nang minsang magreklamo siya dahil sa kanilang pagkain.

"Inay, bakit po ganito ang hitsura ng kanin natin? Masarap po kaya ito?" Inosenteng nakatingin siya sa kaniyang nanay habang nagsasandok ito para hapunan. Nakikita niyang may mga mumunting hiwa ng kamote na nakahalo sa kanilang kaning mais.

Sa halip na sumagot ang kaniyang nanay ay ang tatay naman niya ang nagsalita na naunang nakaupo na sa hapag-kainan, "Anak, iyan ang tinatawag na sanduloy. Para naman makatipid tayo sa bigas," paliwanag ng kaniyang ama. Sinenyasan siya nitong umupo sa tabi, sa mahabang kahoy na upuan. "Huwag na tayong magreklamo, ang importante ay may masustansiya tayong kinakain at may laman ang ating tiyan. Magpasalamat na lang tayo sa Ama na hindi tayo pinapabayaang magutom dito sa bukid," dagdag pa nito na idinantay sa kaniyang maliit na balikat ang malaking kamay nito.

Sa musmos niyang isipan ay natutuhan na niyang hindi magreklamo, makontento at magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang natanggap niya, malaki o maliit man ito.

.

.

.

Napatango lang si Ann sa kaniyang tinuran. Ilang saglit pa ay mahigpit na hinawakan nito ang kaniyang mga palad. "Friend, iba talaga ang sasabihin ko?" Tiningnan siya nito sa mga mata na may kasamang kalungkutan.

PROMDI'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon