"SIR, good morning!" masiglang bati ni Milet kay Alex."Good morning, Milet!" nakangiting tugon naman niya rito na hindi tumingin sa kausap. Nakatutok siya sa kanyang computer sa bago niyang pinag-aaralang lugar, isang isla sa timog-bahagi ng Cebu.
Marahang inilapag ng sekretarya sa kanyang mesa ang kumpol na mga papel. "Sir Alex, by the way, you will have a lunch meeting later with Mr. Ronald Chu. Then, at two o'clock, DOT representatives will come here at the resort to conduct inspection," pag-iimporma nito.
Pumihit siya nang bahagya upang ibaling ang tuon sa sekretarya. "Alright," masayang tugon rito. "Is there anything else?" usisa pa niya.
"Ahm, nothing, Sir Alex. Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka pa."
"Okay, thank you!"
Habang abala si Alex sa mga papel na pinipirmahan sa kanyang harapan ay hindi maiwasang kumintal ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Sobrang saya na niya ngayon nang maisip na nasa Cebu na ang nobya. Ngunit ang ngiting iyon ay unti-unti ring napalis. Paano nga ba niya sasabihin sa dalaga ang katotohanan?
'Hay Ellaine, 'di bale na. What's important is we have each other now,' bulong ng isang parte ng isipan niya.
Nasa ganoon siyang aktuwasyon nang marinig ang ringing tone ng kanyang cellphone.
"Good morning, Engineer Jay!"
"Sir Alex, good morning, also! I'm sorry Sir to inform you this not-so-good news."
Dinig Ni Alex sa kabilang linya. Si Engineer Jay Romarate ay ang head engineer sa ongoing construction ng Bohol branch of resort nila.
"Make it direct, Engineer Jay. What is it all about?" naririndi niyang wika.
"Sir Alex, may delay sa delivery ng mga materials. Some are almost running out already," pag-aamin ng head engineer sa mababang tinig.
Napahugot siya ng malalim na hininga. Tinungo ang veranda ng opisina habang nakatanaw sa asul na karagatan.
"But don't worry, Sir. I already contacted them. Sabi nila ay magdo-double time sila to cover those delays dahil kinulang sila ng mga tauhan noong nakaraang linggo," pagbibigay-garantiya nito.
Sa narinig ay bumalik ang kompyansa niya. Maaasahan ang pinili niyang head engineer para sa proyekto. "Thank you! I know you can patch things up. Kindly see to it that all is well. Ayaw pa naman ni Mr. Chu ng delay of completion," paalala pa niya sa nasasakupan.
"Yes Sir Alex, you can have my trust. I will do my very best for this project."
"Thank you very much!" usal niya bago ibinaba ang tawag.
Lumanghap ng sariwang hangin si Alex mula sa balkonahe bago bumalik sa kanyang mesa. Walang sinayang na oras kapag siya ay nagtrabaho. Hanggang 'di namalayang tumapat na ang tanghali.
Nasa loob na siya ng pribadong silid ng restaurant ng resort, habang nakatanaw sa labas kung saan makikita ang malawak na oval-shaped na swimming pool. Nasilayan niya ang isang pares ng magkasintahang magkayakap na naliligo sa pool. Kumintal ang matamis niyang ngiti nang sumagi sa kanyang isipan si Ellaine. Napukaw lamang ito nang marinig ang paparating na mga yabag sa kanyang puwesto.
"Ronald, good noon!" masiglang bati sa inaasahang panauhin sabay tayo at lahad ng kanang kamay.
"Alex, kumusta?" usisa ng matanda, bago umupo.
BINABASA MO ANG
PROMDI'S LOVE
RomanceROMANCE NOVEL (FILIPINO) ••• WARNING: MATURE CONTENT (R-18) ELLAINE DE GUZMAN. Isang masipag, matalino at mapagmahal na dalagang lumaki sa probinsya na taglay ang nakahahalinang mukha, balingkinitang katawan at simpleng pananamit. Sa paniniwala niya...