"HI MOM, good evening!" masiglang bati ni Alex sa ina nang makarating sa bahay nila. Humalik siya sa pisngi gaya nang nakasanayan.Nakaupo lang ang ina niya sa mahabang puting sofa nila habang seryosong nanonood ng balita sa international channel mula sa 50" LCD TV. Ibinaba ang hawak na remote control nito at bumaling sa kaniya.
"Oh, son. Good you're home now. How's your work today?" usisa ng ina sa kaniya.
"It's fine, Mom. Sales is now increased to 30% compared to last month as reported by Timothy, our Sales and Promotion Manager. We've got also mostly if not all, the positive feedbacks from our guests. Bukas din ay ang scheduled monthly meeting with the department heads," masayang pagkukuwento niya sa ina.
Gumuhit ang napakalaking ngiti sa mga labi ng Mommy niya. "Congratulations son! You're doing better day by day. Kailanman ay hindi mo ako binigo. I'm so proud of you!" puri ng ina sa kaniya na maluha-luha pa sa sobrang saya at hinawakan ang mga palad niya.
Umupo siya at tinabihan ang ina. "Mom, nagmana lang po ako sa iyo. Lahat ng pagsusumikap ko ay dahil at para lang sa iyo. Remember, this is what I've promised to you before. Nang iniwan tayo ni Daddy, iniraos mo akong mag-isa. Ibinabalik ko lang po ang lahat sa'yo ngayon. This is both our success," nakangiti at taos-pusong turan niya.
Sabay silang nanood at nagkukwentuhan nang lumapit si Jessan, ang isa sa kanilang mga kasambahay.
"Ma'am, Sir, handa na po ang hapag-kainan," pag-iimporma ng katulong sa kanila.
Agad naman silang tumungo sa komedor. Adobong baboy, tinolang blue marlin at Caesar salad ang nakahandang pagkain. May orange juice, papaya at saging para panghimagas.
Nagpatuloy ang kanilang kuwentuhang mag-ina habang kumakain. Pagkatapos ay nagpaalam si Alex sa ina upang pumanhik sa mini bar. Doon niya nakasanayang tumambay habang nakikipag-usap sa mga business associates o clients nila. Saktong tumunog ang kaniyang cellphone.
"Yes hello, Millet," sagot niya. Ang secretary niya iyon ang tumawag.
"Sir, good evening! I-remind ko lang kayo na pagkatapos ng meeting niyo bukas kasama ang mga department heads ay may lunch meeting kayo bukas ni Mr. Rivera, ang supplier natin ng poultry at meat products."
"Okay, thanks for the info Millet! Goodbye." Saka pinindot ang end call button.
Maraming klaseng alak ang nakahilera sa magkabilaang dingding ng kanilang mini bar. Sa gitna naman ay may glass table at apat na bar stools. Kumuha siya ng alak at nagsalin sa kopita. Binuksan ang laptop habang nagsimulang sumimsim ng alak. May malamlam na ilaw ang kuwartong iyon na nakadagdag na makaka-relax sa kaniya mula sa pagod nang buong araw niyang pgtatrabaho sa opisina.
MATAPOS maghapunan nila Ellaine at Ann ay tumungo sila sa convenience store. Bumili ng chicheria at tikoy na paborito nilang kinakain habang nag-uusap, bilang pampalipas-oras bago sila matulog.
"Friend, dahil birthday mo, sagot ko na. Get what you want. Eat all you can," kampanteng alok ni Ann.
Namilog ang kaniyang mga mata sa pagtataka. "Are you sure, friend?" paniniguro niya sa alok ng kaibigan. "Galante mo talaga!"
"Oo naman. Gumastos nga sa boyfriend, eh sa bestfriend pa ba," tugon naman nito.
Nagtawanan lang sila. Pagkatapos kumuha ng mga pagkain at juice ay tumuloy na sila sa counter para bayaran ni Ann. Nang makita ni Ellaine ang dalang nakalatang beer na dala ng kaibigan.
Nakita ni Ann na nagtaka ang kaibigan kaya inunahan na niya. "Friend it's your birthday. Magse-celebrate lang tayo. Tigtatlo lang naman tayo oh," paglalahad pa nito.
BINABASA MO ANG
PROMDI'S LOVE
RomanceROMANCE NOVEL (FILIPINO) ••• WARNING: MATURE CONTENT (R-18) ELLAINE DE GUZMAN. Isang masipag, matalino at mapagmahal na dalagang lumaki sa probinsya na taglay ang nakahahalinang mukha, balingkinitang katawan at simpleng pananamit. Sa paniniwala niya...