'EXCUSE me boss, you have a text message.'Dinig na message alert tone ni Alex sa mula sa kaniyang cellphone. Sampung minuto bago mag-aalas diyes ng gabi nang sinipat niya ang oras mula sa screen niyon na nakapatong sa bedside table. Biglang umaliwalas ang kanina'y nalulungkot niyang mukha. Tatlong beses na niyang tinext si Ellaine, tatlong oras na ang nakalipas subalit walang reply. Napagpasyahan na lang muna niyang manood ng National Geographic sa cable TV sa loob ng kaniyang silid.
Hindi siya mapakaling walang nakuha ni isang reply man lang sa nobya. Hindi rin naman siya dinalaw ng antok. Alam niyang party nito ngayong gabi kaya't ayaw din niyang makadistorbo.
Hi my luv! Sowi l8 repz. Krrting lng nmin s apt. Help me my luv plz. :-(
Basa niya sa text mula kay Ellaine. Napasapo siya sa noo. Batid niyang may problema ito kaya minabuti niyang tawagan para makausap. Pasalampak siyang umupo pabalik sa couch habang dinadayal ang numero ng dalaga. Mabuti at sinagot agad ang kaniyang tawag.
"H-hello," garalgal na boses ni Ellaine sa kabilang linya.
"Yes My Love, anong problema? Kumusta ang party ninyo?" nag-aalalang boses niya.
Hindi agad nakasagot si Ellaine. Mayamaya ay narinig niyang sumisinghot ito. Ramdam niyang humihikbi ito kasi wala namang sinabing sinipon ito.
"My Love, ano ba kasi ang nangyari? Share it to me naman kasi 'di rin ako mapakali rito kapag ganyan kang tahimik lang. Pleaaase," sumamo ni Alex.
"E-eh kasi sinampal ako ng isang kasamahan ko sa trabaho. May gusto pala siya sa isang kasama namin na nanligaw sa 'kin kamakailan lang," naiiyak na boses ng dalaga. "Kaya nga tinanggihan ko kanina ang alok niyang pag-ibig kasi ikaw... ikaw lang ang laman nitong puso ko, Alex. Ikaw lang ang sinisigaw nito, kahit hindi pa man tayo nagkikita."
Halos matunaw ang puso niya sa sinambit ng dalaga. Ganoon pala siya kamahal nito na kahit may ibang nanliligaw at nakasama pa sa personal ay siya ang pinili, kahit pa man sa ilang milyang layo nila. Sa mga sandaling iyon ay gusto niyang yakapin nang mahigpit si Ellaine para mapawi ang kalungkutan nito.
"My Love, I love you so much! Hindi ko sasayangin ang pagmamahal na ibinigay mo sa 'kin. Iingatan ko ang tiwala mo. Tahan na ha," pangongonsola niya sa nobya. "Ano ba ang pangalan ng babaeng iyon?" matigas na tanong niya.
"Huwag na My Love. Kahit sasabihin ko pa ay wala ka rin naman dito. Hayaan mo na," himig-nagtatampong turan ni Ellaine.
'Ellaine, gustung-gusto kitang ipaglaban pero hindi pa napapanahon,' nasaisip niya.
"Okay sige, magpahinga ka na diyan ha. Si Ann nga pala?" -Alex
"Nandito nakatulog na. Naparami ng inom." -Ellaine
"So hindi niya tayo maririnig pag ehem?" -Alex
Mahinang tumawa ang dalaga sa kabilang linya. "Hmm alam ko nasa isip mo My Love. Magpakita ka muna," malambing na sagot ni Ellaine.
Hindi siya umimik. Mayamaya'y tumikhim at nagsimulang umawit para sa kasintahan...
Tulog na, mahal ko
Hayaan na muna natin ang mundong ito
'Lika na, tulog na tayoNagpatuloy lang siyang kumakanta. Batid niyang nakikinig lang si Ellaine sa kabilang linya. Kahit sa ganoong paraan ay maibsan niya ang nararamdamang lungkot nito.
Tulog na, mahal ko
At baka bukas, ngumiti ka sa wakas
At sabay natin harapin ang mundoSaka tinapos niya ang kantang iyon na "Tulog Na" ng Sugarfree, bago siya nagpaalam dito. "Goodnight My Love! Matulog ka na. I love you, sweet dreams muaah!"
BINABASA MO ANG
PROMDI'S LOVE
RomanceROMANCE NOVEL (FILIPINO) ••• WARNING: MATURE CONTENT (R-18) ELLAINE DE GUZMAN. Isang masipag, matalino at mapagmahal na dalagang lumaki sa probinsya na taglay ang nakahahalinang mukha, balingkinitang katawan at simpleng pananamit. Sa paniniwala niya...