LATE na nang magising si Alex kinabukasan buhat nang maraming nainom sa party last night. Nasapo niya ang mukhang masakit. Doon lang niya naalala na may nanuntok sa kaniya kagabi.
"Oh damn," angal niya sa naramdamang kirot.
Mabilis siyang nag-imis para sa trabaho.
"Son, what happened last night? I was so worried. Paano kung may masamang nangyari sa'yo doon?" alalang tanong ng kanyang ina. "Anak, always remember to be extra careful. Just drink in moderate," tagubilin pa nito.
"Yes Mom, I will. Thank you!" nakangiting tumango sa ina at humalik sa pisngi nito bago umalis.
SAMANTALA, maagang nakarating sina Ellaine at Ann sa trabaho. Nakasabayan pa nila ang ilang empleyado, kasama na si Mrs. Bautista habang nakapila sila sa bundy clock para mag time-in.
"Hi guys, good morning Ma'am Leah," bati nila sa mga kasamahan at sa kanilang department head.
"Good morning too, girls," nakangiting tugon din ng biyuda.
Nine o'clock ng umaga nang nilapitan si Ellaine ni Mrs. Bautista sa kaniyang mesa.
"Ellaine, please fax this document to Lee Hotel."
Utos ng head sa kanya. Eto yung updated list of prices for bulk ng beverages na ni-request ng OIC ng hotel.
"Ann, please check our office supplies and make puchase if necessary for the running out of stocks."
"Yes po, Ma'am," tugon nila.
"Girls also be prepared para sa month end natin today. Kindly prepare the reports," dagdag na bilin ng ginang.
"Okay po Ma'am," sabayang sagot nila kay Mrs. Bautista.
Naging busy ang magkaibigan buong umaga. Tinawagan ni Ellaine ang mga customers na may mga outstanding balances at malapit nang
mag-due. Sa kabilang dako naman, si Ann ay nakipag-ugnayan sa mga suppliers nila para ma-order ang kinakailangang mga raw materials for production.Tapat ng alas dos ng hapon ay matagumpay nilang naisumite ang kani-kanilang receivable at payable reports para sa kabuuang buwan na kinakailangan ni Mrs. Bautista; para sa pgsasarado ng naturang buwan ng accounting cycle. Kinabukasan ay isusumite naman ito ng ginang sa kanilang Boss ang lahat ng accounting reports.
"Ma'am heto po ang disc, this is my Receivables report for this month," abot ni Ellaine sa head.
"Hello gorgeous Ma'am L., ito din po sa'kin," magiliw na wika ni Ann naman.
"Heto talaga si Ann, mapagbiro pero totoo naman ang ganda ko kaya," pa-cute ng ginang na hinawi pa ang buhok sa tainga.
"Well, thank you dito girls. Hindi niyo ako binigo, on time and complete," hangang pasasalamat ni Mrs. Bautista sa dalawang nasasakupan.
GAYA ng nakasanayan ay abala si Alex buong mag-araw. Itinutok niya ang sarili para sa mga gawain sa opisina. Kahit na may kaunting pasa sa kaniyang mukha ay tinakpan niya lang ito ng face mask.
"Sir Alex, not feeling well ba kayo?" usisa ni Millet sa kanya nang makita nitong nakasuot ng face mask.
Tumikhim muna siya bago sumagot. "Aheeeem, ah—- oo medyo masakit ang lalamunan ko baka ubo ito," pagkakaila niya na hinawakan ang nakausling Adam's apple.
Ayaw niya kasing malaman ng sekretarya ang mga 'di kanais-nais na pangyayari sa kaniyang personal na buhay.
"Ah okay Sir, get well soon. Heto inom ka ng maraming tubig," maalalahaning alok ni Millet sa kaniya na agad naman niyang pinasalamatan.
"FRIEND, bakit hindi siya tumawag or nagtext man lang ngayon? Kumusta na kaya siya?" nayayamot na saad ni Ellaine nang hindi makatanggap ng mensahe o tawag mula kay Alex buong araw, habang nakahiga na sila.
"Hoy babae ka, kaya nga kilalanin mo nga muna. Ayiee na-miss mo siya 'no? Kung seryoso siya sa'yo, I'm sure na tatawag ulit iyan. Inlababo na ang BFF ko," natitiling wika ni Ann.
Saglit siyang natigilan. "Lambing ng boses niya friend. Para lang si Papa P. eh," kilig na tugon naman niya.
"Oh siya, sige, matutulog na tayo friend. Good night na. Maaga pa akong uuwi bukas sa atin. Ipagdasal mong sa panaginip ay makakasama mo si Alex a.k.a Papa P. mo," tudyo ng kaibigan.
"Okay good night friend, ipagdarasal ko talaga," sakay naman niya sa biro ni Ann.
'Lord, isang sign lang please. Kapag magkakausap kami bukas, maniniwala akong ibinigay mo siya para sa akin," mataimtim na dasal ni Ellaine.
Kinabukasan, maagang inihatid ni Ellaine ang kaibigan sa highway para mag-abang ng jeep papuntang bus terminal. Kagagaling lang niyang maghilamos.
"Bye friend, ingat ka ha. Daan ka sa amin, ikumusta mo ako doon kina Itay at Inay at sa mga kapatid ko," paalam niya kay Ann.
Pinisil pa ni Ann ang kanyang ilong na animo'y nanggigil. "Oo naman friend, kailan ba akong 'di pumunta sa inyo? Palagi naman 'yan. Ipagdala rin kita ng mga prutas doon. Sige na baboosh," anang kaibigan bago ito sumakay ng jeep.
Pagkauwi sa apartment, kumain siya at naligo. Pagkatapos ay tumawag sa Nanay at Tatay niya.
"Nay, magandang umaga po. Kumusta na po kayo? Si Itay nasaan? Sina Jun-Jun, Erica at Dennis?"sunod-sunod niyang tanong sa nanay niya nang masagot nito ang tawag niya.
"Nak, okay lang kami sa awa ng Diyos. Nandoon ang Itay at mga kapatid mo sa sakahan ngayon. Nag-aabono sila kasi malalaki na ang mga mais natin. 'Di na muna ako sumama kasi kailangan kong bantayan ang sampung mga biik kasi kapapanganak lang kagabi ni Dalia, ang inahing baboy natin," tuwang pagbabalita ng kaniyang ina.
"Wow talaga po Nay nanganak na si Dalia?" 'di makapaniwalang tanong niya.
"Oo. Ikaw diyan anak, kumusta ka na? Ang trabaho mo?" balik-tanong naman ng ina sa kanya.
"Nay 'wag po kayong mag-alala kasi mabait ang mga kasamahan namin ni Ann at ang head namin. Siya nga po pala, pauwi diyan ngayon si Ann sa atin. 'Di muna ako sumama kasi kailangan kong magtipid hanggang makasahod," aniya.
Pagkatapos ng mahaba-habang usapan nila ng kanyang ina ay nagpaalam na siya. Nababagot siya dahil wala naman siyang ibang magawa. Wala rin si Ann kaya naisipan niyang tumungo sa internet cafe para kahit papaano ay malibang naman.
Nang makalog-in, agad siyang nagcheck ng email. May mga kaibigan at kaklase nuong nangumusta sa kaniya. Ni-replyan naman niya ito. Pagkatapos ay naglaro ng paboritong laro niya ang zuma. Natutuwa siyang nairaraos sa mas mataas na antas ang kanyang laro. Nasa cellphone din niya ang ganitong laro pero nagaganahan din siyang laruin sa computer kasi mas malaki ang screen. Naisipan din niyang mag-video streaming, nanood siya ng mga paborito niyang love songs na may kaukulang lyrics sa video.
Huli na niyang binuksan ang kanyang friendster. Nag-upload siya upang mapalitan ang kanyang profile picture. Napili niya ang selfie niyang naka-yellow poloshirt siya, kalahating tali sa kanyang buhok, may kaunting make-up at naka-todong smile. Nagcheck siya sa mga messages. Marami-rami ring mga kaibigan ang nagmessage sa kaniya. Sa pinakaibabaw na message ay nakita niya ang pangalan. ALEX ESPINO.
'Hi Ellaine. Si Alex ito. I miss your voice. Tatawag ako mamaya ha.' basa niya sa mensahe.
Kilig ang nadarama ng dalaga ng mga panahong iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit na-miss din niya ang binata gayong malayo naman ito. Tiningnan niya ang profile ng binata. At doon ay laking mangha niya sa kanyang nasilayan.
***************************************
Featured song: Pag-ibig na Kaya?
By: J BrothersSHARE. VOTE. COMMENT.
BINABASA MO ANG
PROMDI'S LOVE
RomanceROMANCE NOVEL (FILIPINO) ••• WARNING: MATURE CONTENT (R-18) ELLAINE DE GUZMAN. Isang masipag, matalino at mapagmahal na dalagang lumaki sa probinsya na taglay ang nakahahalinang mukha, balingkinitang katawan at simpleng pananamit. Sa paniniwala niya...