"ELLAINE," tinig ni Mrs. Bautista."Ha? A-ahh yes po, Ma'am?" nauutal na wika ni Ellaine. Sigurado siya sa narinig buhat sa kaniyang head na maaari siyang i-assign sa Cebu branch ngunit hindi pa siya lubos makapaniwala. Kinakabahan ngunit nananaig ang kaligayahang nararamdaman niya sa minutong iyon.
"I said, willing ka bang ma-assign sa Cebu branch natin?" ulit na tanong ng ginang. "The company is currently looking for an accountant who has enough knowledge here in Mindanao operations. Basically, ikaw ang mairekomenda ko since you have the capacity and your dedication towards your work . You are an asset to this company, Ellaine," masayang pag-iimporma ni Mrs. Bautista.
Napaawang ang labi niya. Sandaling natigilan at pinoproseso ng kaniyang utak ang pahayag ng kaniyang head. "Ma'am ah—-"
"Look Ellaine, you will be compensated accordingly. COLA is eventually higher there in Metro Cebu. You will have also your board and lodging allowance. Aside from that, your basic pay is also higher," panukala ng ginang sa kaniya. "Kaya, no need to worry. Hindi ka pababayaan ng kompanya."
Pilit siyang ngumiti saka yumuko. Sa totoo lang ay naghahalong kaba, tuwa at lungkot ang nararamdaman niya ngunit nananaig sa kabilang utak niya ang kagustuhang makatulong sa pamilya. 'Mas malaking sahod, mas malaki ang maipapadala ko kina Inay at Itay.'
Ilang segundo ring naghintay ang ginang sa kaniyang sagot. Nagtaas siya ng tingin at lumunok na tila may bikig sa lalamunan. "Ahm Ma'am, maaari po bang bukas ako magdedesisyon? Ikokonsulta ko lang po sa aking mga magulang kung papayag ba sila," malumanay na tugon niya rito.
"It's okay dear, I understand na mahirap ang mawalay sa pamilya. But you should consider also your future. Besides, you are still young. Travel where do you want to right now because when you will settle down, hindi na iyan ang magiging priority mo," payo sa kaniya ni Mrs. Bautista.
Tumango-tango lamang siya. Walang mali sa sinabi ng head niya. Lahat ng iyon ay tama. Ngunit nararapat lang din na ipaalam iyon sa mga magulang niya bago magdesisyon.
"MR. ROBERTSON, in behalf of PhilJets, we are happy to serve you and give the best aircraft that you need," magiliw na turan ng isa sa dalawang sales consultant ng isang sikat na aviation company sa Pilipinas, saka nakipagkamayan ang mga ito kay Alex.
Ito ay matapos na naglahad ng powerpoint presentation ang dalawang sales consultants sa loob ng conference room ng resort. Maraming disenyo ng helikopter ang ipinapakita sa kaniya. Ipinaliwanag nito ang teknikal at iba pang aspeto ng bawat yunit.
Sa kalagitnaan ng kanilang diskusyon ay may mahinang kumatok sa pintuhan. Si Milet iyon ang kaniyang sekretarya. "Sir, excuse me, ito na po ang tseke," hinging paumanhin nito nang makapasok saka inilapag ang dokumento.
"Thank you Milet!" aniya saka agad na nagpaalam ang sekretarya para lumabas.
Inutusan niya ito sa intercom na magpagawa ng check disbursement sa accounting department. Ito ay matapos siyang pumili ng disenyo para sa kaniyang private helicopter.
Pinasadahan ng tingin ni Alex ang dokumento. Prepayment for one (1) unit of aircraft. Amount: P10,000,000.00. Basa niya sa check voucher. Saka niya ito pinirmahan kasama na rin ang kalakip na tseke sa harap.
Masayang iginawad niya ito sa sales consultant.
Tinapik naman siya nito sa balikat. "Thank you so much, Mr. Robertson! Rest assured that the certification, registration, importation as well as the logistics will be handled well by our company straight from the U.S to your address," pagbibigay ng katiyakan nito sa kaniya, saka nagpaalam.
BINABASA MO ANG
PROMDI'S LOVE
RomanceROMANCE NOVEL (FILIPINO) ••• WARNING: MATURE CONTENT (R-18) ELLAINE DE GUZMAN. Isang masipag, matalino at mapagmahal na dalagang lumaki sa probinsya na taglay ang nakahahalinang mukha, balingkinitang katawan at simpleng pananamit. Sa paniniwala niya...