ALAS SYETE singkwenta ay tamang nasa office na sila. Mabilis lang silang nakasakay ng jeep at hindi naman masyadong mabagal ang daloy ng traffic.
"Good morning, Ellaine de Guzman & Ann Macasaet, right?" masayang pagsalubong sa kanila ni Mrs. Bautista, ang head ng Accounting Department. Nakikipagkamayan ito sa kanila.
Si Mrs. Leah Bautista ay naninilbihan sa SMBI mahigit tatlumpomg taon at dalawampung taon naman bilang head ng naturang department. Isang balo at walang anak. Mabait sa mga kasama at itinuturing na parang anak na niya ang mga ito.
Magiliw naman silang tumugon, "Good morning too, Ma'am!"
"Come on, dito ang magiging workplace ninyo, mga hija," sabay-giya sa kanila sa magkatabing cubicle. Maliit lang ang espasyo niyon na pinaghiwalay ng salamin sa pagitan. Pinakilala din sila sa mga kasamahan nila sa Accounting Department.
"Bueno guys, sila ang mga bagong kasama natin, sina Ellaine at Ann."
"Hi," matipid na bati nila. Sabay-kaway sa mga kasamahan sa department.
"Welcome to your first day of work," nakangiting sambit ng ginang. "If you have questions, don't hesitate to approach me," dagdag wika nito saka bumalik sa kaniyang opisina.
Binuksan ang computer na kulay puti at may mahabang likod. Nagpalinga-linga siya at ninanamnam ang malamig na paligid.
Mayamaya pa ay bumalik ang kanilang head dala ang kumpol na papeles. "Ellaine, please generate invoices for our customers in VisMin area today," mahinahong saad nito sa kaniya sabay-abot ng mga kinakailangang dokumento.
"Opo, Ma'am," masayang tugon dito.
"At ikaw naman Ann, please review our dues to suppliers then prepare check payments," baling ng ginang sa kaniyang kaibigan.
'Thank you Lord, binigyan nyo po kami ng mga kasamang mababait,' masayang usal ni Ellaine sa kawalan.
Mabilis niyang natapos ang pinapagawa sa kaniya. Mahigit dalawang linggo rin ang kanilang training kaya kabisado na niya ang mga gawain. Hindi niya namalayang tanghali na pala.
Nang may lalaking tumapat sa kaniyang cubicle. "Hi girls, tara na. Mag-lunch na tayo," anyaya ng isang officemate nila. Si Raymond.
Hindi niya ito napansin bagkus ang kaibigang si Ann ang sumagot. "Sige ba, basta ililibre mo kami," pabiro pang sagot ng kaibigan sa lalaki.
Likas na mapagbiro si Ann kaya madalas siyang napapahiya ngunit straight to the point naman ito.
"Hoy friend, ano ka ba? Mag-lunch na tayo sabi ni gwapo oh," ulit pa nito.
Nagtaas siya ng tingin, "Ahm, 'wag mo na pansinin 'yang friend ko Raymond, mapagbiro lang talaga 'yan," baling niya sa lalaki. Ngunit tumawa lang din si Raymond.
Pinatay niya ang monitor ng kaniyang computer. Kinuha ang pouch at saka tumuloy na sila sa canteen.
Mahaba-haba rin ang pila sa canteen. Habang naghihintay sa kanilang turno ay sinilip niya muna ang kaniyang cellphone. Masyado siyang busy kanina at walang oras para tumingin dito.
BINABASA MO ANG
PROMDI'S LOVE
RomanceROMANCE NOVEL (FILIPINO) ••• WARNING: MATURE CONTENT (R-18) ELLAINE DE GUZMAN. Isang masipag, matalino at mapagmahal na dalagang lumaki sa probinsya na taglay ang nakahahalinang mukha, balingkinitang katawan at simpleng pananamit. Sa paniniwala niya...