CHAPTER 4 🌾

225 67 154
                                    

Cebu City, Philippines, 2008

TWO days ago...

"Son, are you sure na kaya mong pumasok today? May sinat ka pa," pag-alalang wika ng Mommy ni Alexander. Dinampi ang palad nito sa kanyang noo at matapos ay iniayos ang kwelyo na suot nitong navy blue longsleeves polo.

"Yes Mom, don't worry kaya ko ang sarili ko. I have taken paracetamol a while ago. May important meeting ako today with Mr. Chu, our new investor," paliwanag sa ina. Humalik sa pisngi nito saka pumanhik sa kaniyang gray BMW.

"Ingat ka, hijo." Kumaway ng kaniyang ina.

Mabilis na pinasibad ang sasakyan patungo sa Halangdon Beach Resort and Spa. Tatlong taon na siyang namamahala sa resort na ito nang magretiro ang kanyang ina sa edad na singkwenta y singko dahil may karamdaman ito sa kidney.

Nagtapos siya sa kursong BS in Aviation sa isang prestihiyosong paaralan sa Amerika. Bata pa lamang siya ay pangarap na niyang maging piloto. Dahil nag-iisa lang siyang anak ay malayang nakukuha niya ang kaniyang gusto. Bagama't lumaki sa karangyaan ay napalaki siya ng kaniyang mga magulang nang may wastong pag-aasal.

Gwapo, matangkad, matalino — ganyan kung mailalarawan ng karamihan si Alexander. Kaya hindi maipagkakaila na maraming babae ang naghahabol sa kaniya simula noong teenager pa lang siya. Idagdag pa nito ang matangos na ilong at natural na mapupulang mga labi.

Ang kaniyang pamilya ay nagmamay-ari ng mga beach resorts sa Cebu at karatig na lugar sa Visayas. Ngunit ito ay muntik nang mawala lahat dahil sa kataksilan ng ama niya. Nakalaguyo ang noo'y sekretarya, labing-anim na taon pa lang siya noon. Iniwan sila ng kaniyang ina at sumama ito sa querida nito. Lugmok na lugmok ang kanyang ina noon. Sa sobrang awa niya sa kaniyang mommy ay pinangako sa sarili na mas lalong magsumikap.

'Alex, anak, pagbutihin mo ang pag-aaral mo ha. Ikaw lang ang pag-asa ko. Tayo lang ang magkakasama sa buhay,' naalala niyang payo ng kanyang ina noon.

At 'di naman niya ito binigo. Mas lalong pinagbuti ang pag-aaral habang ang mom niya ang namamahala sa kanilang businesses. Nagawa niyang mabalanse ang pag-aaral, kaibigan at ang mga babae. Habulin siya ng mga chicks at kahit anong iwas niya ay pilit siyang nilalapitan ng mga ito.

Nang magtapos siya sa pag-aaral ay agad namang nakapasok sa Philippine Airlines bilang First Officer Pilot. Nagtrabaho siya nang mahigit dalawang taon dito. Nakapunta siya sa iba't ibang panig ng mundo. Masaya siya sa kaniyang napiling karera ngunit ito ay pansamatala lamang sapagkat kailangan niyang humalili sa kanyang ina sa pamamalakad ng kanilang negosyo dahil sa iniindang karamdaman nito. Payo ng doktor na kailangang magpahinga sa bahay. Bawal nito ang sobrang pagtatrabaho at stress.

Isa sa mga mabuting gawi na namana niya sa kaniyang ina ay ang pagiging masinop. Noong una ay nahirapang patakbuhin ang negosyo ngunit hindi ito dahilan para siya'y sumuko. Bagkus ay naghanap ng paraan upang matutunan ang mga bagay-bagay. Asking his businessman friends, reading books, at magiging ang palagiang pagsangguni sa ina ay ilang mga hakbang na ginawa niya upang mas mapalago pa ang kanilang resorts.

Alas diyes ng umaga ang kanilang meeting sa nasabing resort na isa sa mga pinakamagarbong beach resorts sa Cebu. Nang dumating sa kaniyang opisina ay agad na inilapag ni Milet, ang kaniyang trenta anyos na sekretarya, ang hawak nitong folder kung saan nakapaloob dito ang Feasibility Study para sa karagdagang branch na itatayo sa Bohol.

Malaki ang espasyo ng kaniyang opisina. Napapalamutian ito ng mga abstract paintings ang dingding. May sarili rin siyang malawak na silid na konektado sa kaniyang opisina.

"Sir, good morning! Ito na ang mga papers. Ready na rin ang conference room para sa meeting ninyo with Mr. Ronald Chu today," nakangiting saad ng sekretarya.

PROMDI'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon