Chapter 2

44 3 1
                                        

My father went back to Manila afterwards. Lolo has been hiding grudges against him for years so he felt the need to leave already when he must've sensed my unwelcoming grandfather. I can see it in his eyes that he doesn't want to leave yet. I wish I could make him stay for a little longer but I know he still has some responsibilities in his real world. Does his family knows about my existence? Will they accept me if they'd known me?

Tumatawag sa akin si Papa hindi lalagpas sa limang beses sa isang buwan. Nangungumusta lang siya sa akin. Noong sumapit ang 40 days ni Mama ay nagpadala siya ng mga bulaklak at pagkain. Hindi naman nakatanggi sina Lolo at Lola noon dahil bawal tumanggi sa grasya. Pero kahit na ganoon, matigas pa rin si Lolo pagdating kay Papa. Siguro kay Lolo ko nakuha ang pagkakaroon ng mataas na pride minsan.

But one day, he called, and it was the weirdest call I have ever received from him. I can sense that he wants to say something but he just can't say it out loud. It got me thinking that maybe his family has found out about me and they want him to stay away from me, but it wasn't. The next day, he called again.

"Mija..." he took a deep breath. My heart started hammering inside my chest.

"P-po?"

"What do you think about moving into our house? I've mentioned it to my wife and luckily, she's civil with it. I just have to get your approval and my secretary's gonna deal with all the paperwork."

Hindi ako nakasagot agad. If I'm going to move into their house, then that means I'll transfer to a new school, leaving all my friends here. I am not very good with adjusting to a new environment. Lalo pa't dito na ako nakatira sa lugar namin simula nang isinilang ako sa mundo. Dito ako nagkaisip, dito ako nagkaroon ng pamilya, at higit sa lahat, nandito ang puso ko.

"Remember that I'm not pressuring you, mija. The decision is still yours to make. Gusto ko lang sabihin sa'yong welcome na welcome ka sa bahay."

"Opo. Kakausapin ko po sila Lola..."

Kaya naman nang sumapit ang hapunan ay kinakabahan ako habang tahimik na nakaupo sa tabi ni Kuya Cairo. Ni hindi ako makakain ng maayos dahil nagdadalawang-isip akong ituloy ang sasabihin ko o ipagpabukas na lang ito.

"May problema ba, Guia?" si Lola nang nilingon ako. Bigla akong napainom ng tubig dahil doon.

I bit my lower lip and pushed myself to speak. Lola, Lolo and Kuya Cairo are very eager to listen to me.

"Tumawag po si Papa kanina..." panimula ko. I saw my grandfather scoffed. Nilabanan ko ang kabang nadarama at nagpatuloy sa pagsasalita. "He asked me if I wanted to move into their house. Hindi ko po alam kung tatanggihan ko ang alok niya kaya gusto ko pong malaman ang opinyon niyo tungkol dito."

"Ang tanong, gusto mo ba?"

Napatitig ako kay Kuya Cairo. Mas lalo lang akong nahirapan sa pag-iisip. Gusto ko, oo, pero ayokong iwan sila Lola sa kaniya. Kailangan may katuwang siya dahil matanda na sila at mahihirapan siya lalo pa't hindi pa tapos ang kontrata ni Tito Hassan sa Dubai.

"Tama ang pinsan mo, Guia. Sundin mo ang gusto mo. Alam kong kaya ka nagdadalawang-isip dahil ayaw mo kaming iwanan pero dapat lang na makasama mo ang Papa mo. Ito rin ang gustong mangyari ng Mama mo noon pa."

Kumunot ang noo ko. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Hindi ang Papa mo ang naghanap sa inyo. Si Dahlia ang kusang lumapit sa kaniya para ipaalam na nabuntis siya ni Lazaro. Matagal na palang may dinaramdam ang Mama mo kaya naisip niyang ito na ang tamang panahon para makilala mo ang iyong ama. Pumayag na rin siyang kunin mo ang apelyido ng ama mo."

"Labag man sa kalooban namin ito, Guinevere, pero sana tanggapin mo ang alok ng Papa mo. Hindi naman kami magagalit, kung iyon ang iniisip mo. Basta bibisita ka rito kahit isang beses sa isang taon, kontento na kami roon." Si Lolo na mukhang naiiyak na. Mababaw ang luha ko kaya naunahan ko pa siyang umiyak. I reached for his hand and held it tight.

Serendipity (Dauntless Series #3)Where stories live. Discover now