We flew to Bicol after Seamus brought me home. Tomorrow is my mother's first death anniversary. Sumama rin si Mama Adela dahil ayon sa kaniya, panahon na rin para makilala niya ang mga taong nag-alaga sa akin. Makikipagkwentuhan daw siya kina Lolo at Lola tungkol sa mga panahong hindi nila ako nakasama.
Tahimik lamang ako buong byahe dahil sa nangyari kanina. I immediately dozed off after getting on-board on the plane. Maybe clearing my mind is a best option. Rainier is probably going crazy now that I'm not answering my phone.
Paano niya nagawang ilihim sa akin ito? I'm his girlfriend, he can tell me everything. Gusto ko siyang bigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang side niya ngunit hindi muna sa ngayon. Masyado akong nabigla sa mga pangyayari. I don't want to say things that might ruin our relationship. I just need some space.
Madaling araw na kami nakarating sa bahay nina Lola kaya diretso akyat na ako sa kwarto pagkatapos kong bumati sa kanila. Nasa kabilang baryo ngayon si Terrence at mamayang umaga pa uuwi. Miss ko na iyon. Kahit na madalas naman kaming mag-usap, hindi pa rin mapapalitan iyong presensya niya tuwing magkasama kami. I miss the old times.
I roused myself as soon as the sunrise came up. Just like what I said last night, Rainier bombarded me with text messages. He's sorry. He wants us to talk. He's begging for forgiveness. I feel like I'm being hard on him after reading his messages so I just told him that we'll talk later because I have an important thing to do.
Rainier:
What's more important than us talking?
Guia:
My Mom's death anniversary.
He didn't reply. I took that as a cue to take a shower. I am feeling lightheaded today due to my lack of sleep. Namili ako ng damit na isusuot para mamaya. Kinuha ko ang itim na mesh long sleeve bodycon dress. I did my hair in a sleek straight hair and put on some make-up afterwards. I went downstairs not knowing that Terrence was already there, looking dashing in his black long sleeve and denim jeans. I ran in his direction and threw myself into his arms. Narinig kong nagtawanan ang lahat.
"Hindi naman halatang miss na miss mo ako," bulong ni Terrence sa tainga ko. Kinurot ko siya sa bewang bago humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya.
Pinakilala ko siya kila Papa. Napapansin ko rin na masyadong napapatagal ang tingin ni ate Reign sa best friend ko ngunit tinawanan ko lamang iyon. However, when we're on our own in the balcony, she won't shut up about Terrence and his handsomeness. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ako o mandidiri? Sobrang layo kaya ni Terrence sa mga tipo niya. Hindi naman babaero ang best friend ko.
Kina Lola ako sumabay papuntang sementeryo. Panay ang tanong nila sa akin kung maayos ba ang turing ng pamilya ni Papa sa akin. I told them how blessed I am to be a part of their family. Kaya minsan nagiguilty ako sa tuwing tumatakas at nagsisinungaling ako sa kanila para lang makasama si Rainier. Hindi na tuloy ako makapaghintay na mag-18 nang sa gayon ay maipakilala ko na siya sa kanila.
"Himala, hindi naisip ng boyfriend mo na sumama." biro ni Terrence. Napailing ako.
"Hindi pa kami legal. At isa pa... we're not on good terms right now."
"What happened?"
Huminga ako nang malalim. I don't know if I should share this with him. He's my best friend, we practically grew up together which means he knows everything that happens in my life. But this issue isn't mine to share. No matter how angry I am with Rainier, I would never expose him.
YOU ARE READING
Serendipity (Dauntless Series #3)
RomanceBrokenness of one's soul creates a tough woman. Gone was the vulnerable girl who was once fooled by love. Guinevere thought her happiness will be forever felt. That's when she realized that life isn't fairy tales and such. Because of what happened t...
