Just when I thought the remaining days of my vacation will be memorable, it turns out to be the opposite. I am so embarrassed and disappointed at myself for having a crush with a guy who is way out of my league. Parang gusto ko na lang magkulong sa kwarto noong linggo na iyon pagkatapos kong malaman na may asawa na nga si Nicolas.
Pagkagaling namin sa hidden beach ay may sumalubong sa aming babae sa lobby ng hotel. Mabilis na naglakad patungo roon si Nicolas at niyakap ng mahigpit ang babae. Napanganga ako kasabay ng pagbagsak ng balikat ko. Akala ko naman ay chance ako, bokya pala.
Pagkatapos ipakilala sa amin ni Nicolas ang asawa niya ay nauna na akong umakyat sa kwarto namin ni ate Reign. Si Gustin ay kasama ni Mama Adela. I went straight to the bathroom to take a shower as well as to space out. I still can't believe that my crush is already off the market. Take note, an actual person, not the fictional or celebrity ones. Minsan na nga lang ako magkacrush sa totoong tao, naging bato pa. So saan na ako makakahanap niyan?
"Hey, do you want me to order a room service? We could drink, you know." salubong sa akin ni ate na prenteng nakaupo sa rattan chair. Nakakunot ang noo ko sa kaniya habang pinapatuyo ang buhok ko. "I saw the way you look at Nicolas. Hindi naman kita masisisi kung nagkagusto ka roon. Masarap, e. Kaya lang ayun nga, may nakabingwit na."
Kahit papaano ay napatawa niya ako. Malungkot lang ako ngayon pero hindi ako magpapakalugmok para lang sa isang lalaki. Tama na siguro ang isang araw tapos maghahanap naman ako ng ibang iccrush. This time, iyong single na talaga.
Umuwi kami ng Pilipinas isang araw bago ang enrollment para sa senior high. Ang usapan namin ng mga kaibigan ko, magkikita-kita kami sa labas ng Mandeville University alas otso ng umaga para wala pa masyadong tao pero nagising ako ng alas onse. Kumaripas agad ako ng takbo patungo sa banyo para maligo. Naiimagine ko na ang mukha ni Sheena na nakabusangot habang nagttype sa cellphone niya. Paniguradong puno na ang inbox ko ng mga tanong kung nasaan na ako.
Sa kotse na lamang ako kumain ng almusal dahil sobrang late ko na. Ayokong bigyan ng rason ang mga kaibigan ko ng mas ikagagalit nila. Dinouble check ko rin iyong mga documents na kailangan ipasa at baka may nakalimutan ako. Mabuti na lang, wala.
Nagpasalamat ako sa driver namin bago bumaba ng sasakyan. Alam kong hindi magandang magcellphone habang naglalakad pero sinisigurado ko namang wala akong mabubunggo. Palinga-linga rin ako para hanapin ang dalawa kong kaibigan na masyadong mabait, hindi pa nag-eenroll hangga't hindi ako dumadating. Nang magreply si Verona kung nasaan sila, dumiretso ako roon.
At hindi ko alam na mapapahiya lang pala ako. Na-out-of-balance ako at natumba sa harap ng maraming tao. E, kasama pa naman nila si Seamus.
Naipikit ko nang mariin ang aking mga mata. Naririnig ko ang tawa ni Sheena na papalapit sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Si Seamus ay agad akong dinaluhan at tiningnan ang paa ko.
"You sprained your ankle..." he said then lifted his gaze at me.
I gritted my teeth when he touched my ankle. He shooked his head before scooping me into his arms. Napakapit ako ng mahigpit sa batok niya nang tumayo siya.
"Ako na ang bahala kay Guia. Mauna na kayong mag-enroll. Dadalhin ko lang siya sa clinic."
Dahil sa sobrang lapit ko sa kaniya ay nakita ko kung paano gumalaw ang kaniyang mga labi habang nagsasalita ito at napapalunok naman ako sa tuwing nagdidikit ang mga ito. Nilingon ko ang mga tao sa paligid na nakikiusyuso pati na rin iyong mga dumadaan na kunwari walang pakialam ngunit halatang pinag-uusapan ang nakita.
Hindi ko alam kung alin ang mas nakakahiya. Iyong mapada o kargahin ni Seamus.
"Are you sure you're okay?" nag-aalalang tanong ni Verona. Tumango ako dahil hindi ko siya mabigyan ng thumbs up ngayong nakakapit ako sa batok ni Seamus.
YOU ARE READING
Serendipity (Dauntless Series #3)
RomanceBrokenness of one's soul creates a tough woman. Gone was the vulnerable girl who was once fooled by love. Guinevere thought her happiness will be forever felt. That's when she realized that life isn't fairy tales and such. Because of what happened t...
